14 - The Secretary

2.7K 95 1
                                    

  
  
  
   
ABALA sa paglilinis ng labas ng bahay si Cielo nang huminto ang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay na inuupahan niya. Napansin din ni Francin ang kotse kaya lumabas ito ng bahay, dala pa ang isang dust feather na gamit sa paglilinis. Day-off kasi nito kaya narito sa bahay niya at tinutulungan siya. Nagdala na din ito ng ilang gamit dahil sabi nga niya na pwede itong tumira sa bahay niya dahil pinalayas ito ng ama.

Tinapunan niya ng tingin ang dalawang tao na bumaba mula sa kotse. Naningkit ang mata niya nang makita ang isang babae na kasabay ni Ryker na naglakad palapit sa kanila.

"Ate Ciel, sino 'yon?" tanong ni Francin na ang tinutukoy ay ang babaeng kasama ni Ryker.

Ate na nga rin pala ang tawag nito sa kanya dahil mas matanda daw siya rito.

"Bakit hindi mo tanungin ang amo mo?" Hindi niya napigilang magsungit dahil hanggang ngayon naiinis pa rin siya kay Ryker.

Umiwas siya nang akmang lalapit ang dalawang bagong dating sa kanya. Itinuon niya ang pansin sa pagwawalis.

"Cielo, hindi mo ba kami papapasukin sa bahay mo?" Nakangiting tanong ni Ryker sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama saka nakapameywang na humarap rito.

"Madumi sa loob ng bahay," aniya at nagpatuloy sa pagwawalis. Mukhang naintindihan naman nito na ayaw niya itong kausapin kaya umalis na ito.

Maya-maya ay lumapit sa kanya ang babaeng kasama ni Ryker.

"Hi, ikaw ba si Cielo?"

Hinarap niya ang babae at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito pero mas maganda at sexy pa rin siya.

"Hindi ba sinabi ng kasama mo kung sino ako?" Pagsusungit niya.

Mahina namang tumawa ang babae. "Tama nga si boss, medyo masungit ka. Ako nga pala si Suzanne Robles, secretary at pinsan ni Ryker."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Tinapunan niya ng tingin si Ryker na kausap si Francin. Ngumiti ito nang makita na nakatingin siya.

"Hindi ko alam kung bakit pinapunta ako dito ni Ryker ngayon na dapat ay bukas pa ang schedule ko ng punta rito. He mentioned that you wanted to meet me. Why is that?"

She realized that moment that she was wrong. Akala niya ay karelasyon ni Ryker si Suzanne, secretary pala nito at pinsan si Suzanne. She got jealous for no reason. Napatawa siya sa sariling kaselosan.

"I just thought that you're his wife or something." Natatawa niyang wika.

Napatawa rin ito na nakaagaw ng pansin ni Ryker kaya lumapit ito sa kanila.

"Looks like you two are getting along with each other." Umakbay pa ito sa kanya. Hindi naman niya pinalis ang kamay nito, hindi na siy galit rito.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi na pinsan mo pala si Suzanne?" tanong niya rito.

"I tried to but you're mad at me kaya pinapunta ko na lang siya kaagad dito. I told you, wala akong ibang babaeng gusto kundi ikaw, Cielo."

She felt the blood rushed up to her cheeks. She's blushing.

"I'm happy for you, boss. You finally found the one. I just hope your father won't meddle."

Sumama ang mukha ni Ryker sa sinabi ni Suzanne.

"He better keep his hands off with Cielo or else I'll make sure he'll meet Satan in me." Nagtatagis ang bagang na wika ni Ryker.

She felt his tensioned muscles. Ganoon ba talaga kasama ang ama nito para pakialaman ang lahat ng tungkol sa buhay ni Ryker. Kahit ang babaeng gusto nito ay pinapakialaman ng ama nito. May mas masahol pa pala sa Daddy niya.

"Bago pa mapunta sa kung saan ang usapan na yan tungkol sa Daddy mo, pumasok na lang tayo sa loob para magmeryenda."

Naunang maglakad si Suzanne na tumakbo kay Francin ng makita ito.

"Akala ko ba madumi pa sa loob?" he suddenly asked.

"I just said that because I hate you."

She frowned at him when he pulled her closer to his chest.  Naamoy niya ang napakabango nitong pabango.

"Do you still hate me, beauty?" tanong nito, huminto sila sa paglalakad para magkaharap.

"Not anymore. Gusto ko lang naman na wala kang nililihim sa—"

She was not able to finish her sentence when Ryker sealed her lips. Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad nakakilos. Napapikit na lamang siy nang mas palalimin nito ang halik. She's no first timer kaya alam niya kung paano tugunin ang halik nito. She felt his hand at the back of her head to pull her closer and to make the kiss deeper. His other hand was wrapped around her waist.

She put her hands on his chest to feel his heart beat. And just like hers, it beats so fast.

"Sa susunod huwag na natin sila iiwan na dalawa. Baka hindi na ganyan ang gawin nila sa susunod eh."

Naghiwalay ang kanilang mga labi nang marinig si Suzanne. Nakamasid pala ito at si Francin sa kanila. Napangiti na lang sila rito.

"Pumasok na nga tayo." Hinila niya ang kamay ni Ryker papasok sa bahay pero ang loko ay hindi man lang kumilos.

Nakatayo lang ito doon at nakangiti habang nakatingin sa kanya.

"What is it?" tanong niya rito.

He smiled at her. "I love you, beauty."

Her she goes again. Red as tomato.

"I know and I love you too, Ryker."

Yes, she does love this guy.

Ryker planted a soft kiss on her forehead before they went into the house.

Masaya siya ngayon dahil pagkatapos ng panloloko na ginawa sa kanya ni Axel ay nakilala niya ang taong nagturo sa kanya na magtiwalang muli. Alam niyang hindi pa niya lubos na kilala si Ryker ngunit sa pagkakataong ito magtitiwala siya sa tinitibok ng kanyang puso. Minsan lang siya maging masaya ng ganito, ano ba naman 'yong sulitin niya na.

Ever since she met Ryker, wala itong ibang pinakita sa kanya kundi kabaitan although minsan masungit ito. Nakikita niya rin na mabait ito sa mga kasama nito sa bahay na napakabihira sa mga mayayaman na tulad nito. Hindi din ito maselan sa mga bagay o pagkain.

Marami pa siyang kailangan malaman tungkol rito pero sa ngayon masaya siya na nagkakamabutihan sila. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon, deserve naman siguro niya ang maging masaya.

Her happiness now is being with Ryker.
  
  
  
  
  
  
~~~~~~~~~~
To be continued...

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon