HINDI siya makapaniwala na si Ryker pala ang Shawn Marion na makakadate niya. Pero naguguluhan siya kung paano nangyari ang mga ito. Paano naging si Ryker si Shawn?Puno ng tanong ang isipan niya habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa papag na kawayan habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ikaw?! Paanong—"
"Hi, I'm Shawn Marion Mendez. Pleased to meet you, Miss Mirielle Danures." He cut her off. Tumayo ito palapit sa kanya at nakangiting inilahad ang kamay.
Sa halip na tanggapin ay tinapik niya ang kamay nito. Tiningnan niya ito ng masama.
"Anong ibig sabihin nito?!" Galit niyang tanong. "Paanong ikaw ang kadate ko?"
"Ako ang nagbid ng 20 million para makasama ka, Mirielle. The stranger last night was me. I have to do it because I don't want my father to know that we're realated."
"This is insane, Ryker."
"Shawn. I am Shawn here," pagtatama nito sa kanya. "Call me Shawn." He said with authority.
"Shawn or Ryker, it's still you. Bring me back to Manila. This date is useless. This shouldn't be happening."
Dala ang straw hat nito ay naglakad ito patungo sa bahay na yari sa kahoy.
"Ikaw ang may gustong umalis, ikaw din ang mag-isip ng way para makaalis dito. Pero kung ako sa iyo, I will enjoy the view," sabi nito sabay lahad ng dalawang kamay sa paligid nila.
The green surroundings waved at her as if it was pulling her towards its calmness. Dumiretso naman ng pasok sa kabahayan si Ryker habang siya ay naiwan na puno ng inis ang mukha.
Kinuha niya ang cellphone sa sling bag para tawagan ang ama pero sa kasamaang palad, walang signal sa lugar na iyon. She tried hard to find even a single bar of signal to the point na halos umakyat na siya sa puno ng mangga.
"Walang signal sa lugar na ito. Nakita mo naman, ilang bundok ang layo nito mula sa bayan. Huwag mo nang pagurin ang sarili mo." Dumungaw mula sa bintana ng bahay si Ryker hawak nito ang isang dalawang baso.
"Sa dinami-rami naman kasi ng lugar sa Pilipinas na may signal, bakit dito ka pa nagpatayo ng bahay!" reklamo niya.
"I grew up here."
Natigilan siya sa winika ni Ryker na ngayon ay wala na sa may bintana. Dito pala ito lumaki, akala niya ay sa Mindoro ito lumaki. Parang naguguluhan siya.
Isinuksok na lang niya ang cellphone sa bag saka nagmamartsa na pumunta sa kabahayan. Nasa kahoy na hagdanan pa lamang siya papanhik ng bahay ay napahanga na siya sa natatanaw na loob ng bahay. Mas lalo siyang napahanga nang tuluyan nang makapasok sa loob ng kabahayan. Ang bumungad sa kanya ay ang malawak na tanggapan ng mga bisita kung saan mayroong mga antigong upuang kahoy na may mga ukit. Ang center table ay yari din sa kahoy na inayo ang hugis sa katawan ng puno. Nakaagaw sa kanyang pansin ang malaking larawan sa gitna na malawak na kahoy na dingding. Larawan iyon ng isang babae at isang lalaki na sa wari niya ay magkatipan.
"Sino sila?" tanong niya sa bagong pasok sa tanggapan na si Ryker.
"Sila ang magulang ni Mama. My grandparents."
Napatango siya sa sinabi nito. Kaya pala may hawig kay Ryker ang mga ito.
"Meryenda ka muna. Sigurado akong napagod ka sa biyahe."
Saka lamang niya napansin ang tray na bitbit kanina ni Ryker na nakalapag ma ngayon sa center table. Natakam siya sa mga prutas na nasa isang bowl.
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...