"WELL..WELL..WELL, LOOK WHO'S HERE?"Sandaling natulos sa kalinatatayuan si Mirielle nang lapitan sila ni Angelique ang ng dalawa pa nitong kasama.
Tiningnan siya nito na parang isa siyang nakakadiring babae. Bumalik na naman sa isipan niya ang pagkakamaling nagawa noon.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na naging alerto ang mga bodyguards na pinadala ng ama. Sa tantiya niya ay mayroong anim na lalaking nasa paligid nila at nakabantay sa kanya habang may dalawang babae na bodyguards ang nakadisguise para mas malapit sa kanya. She gave her bodyguards a discreet signal not to come closer which they understand.
"It's nice to see you here, Angelique." Nakangiti niyang turan dito pero ang totoo ay naaasiwa siya rito. Hindi dahil sa asawa ito ni Ryker kundi dahil sa tingin nito sa kanya.
"I don't feel the same way, Cielo." Inirapan siya nito. "What are you doing in a place like this? I know you can't afford these cars. I heard that your father is going down now." Angelique and her gang chuckled.
Siya naman ay napangisi lamang sa mga ito. Alam niyang walang alam ang mga ito sa totoo niyang ama. Akala ng mga ito ay si Cesar talaga ang ama niya.
"You even left your parents here to escape your relationship with my husband."
Tinaasan niya ng kilay si Angelique sa huli nitong sinabi. Sasabad na sana siya nang unahan siya ni Tracey.
"Ex-husband, Angelique. Ex-husband. Nakita mo lang si Cielo nakalimutan mo na agad na divorced na kayo ni Ryker one year ago. Stop dreaming." Tinarayan ni Tracey ang mga ito.
Namumula sa galit si Angelique nang humakbang palapit sa kanya ngunit hindi na ito nakaisang hakbang pa dahil agad na humarang ang dalawang babaeng bodyguards niya.
"Who are you?! Let me go! I need to teach that woman a lesson for having an affair with my husband!" Nagpupumiglas ito ngunit hindi ito binitiwannng dalawang babae na tiyak niyang mas malakas kaysa kay Angelique.
Tumulong na din ang dalawa nitong kasamang babae kaya maging ang iba niyang bodyguards ay lumapit na rin.
"Ano ba?! Bitiwan niyo kami!" Singhal ng kasamang babae ni Angelique.
"We will not let you go as long as you're planning to harm, Miss Mirielle." Tiim ang bagang na wika ng head bodyguard niya na si Leon.
Wala nang nagawa sina Angelique kundi ang kumalma.
"Who's Mirielle?" Tanong sa kanya ni Tracey.
"That's me. It's a long story but to make it short, Cielo is dead." Binalingan niya si Angelique na umuusok ang ilong sa galit. "Move on, Angelique. Don't live your life with jealousy and hatred. I was wrong in having an affair with Ryker but that's all in the past. Let's just move on."
Tila nauubusan na ng pasensiya niyang wika.
"No! I won't stop until you're gone forever. Dahil sa iyo kaya mas naging desidido si Ryker sa divorce."
Nagulat siya sa pinahayag nito. Was it really because of her? Was she really that special to Ryker?
"Stop blaming other people, Angelique. It's my decision alone."
Natulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Alam niya kung ang boses na iyon. Kilalang kilala niya. Hindi siya maaaring makamali. Mas natiyak niya pa ang hinala nang tumibok ng mabilis ang puso niya. The same way it beat for him.
She glanced at the man standing behind Angelique and her friends. There she saw the man she loved and hated the most.
Walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Wala siyang mabasa na kahit na ano sa mga mata nito. All she could see is a plane, emotionless and blank expression from his handsome face.
"Why wouldn't I blame her, Ryker? Simula nang makilala mo siya wala ka nang pakialam sa akin. I am your wife—"
"Ex-wife, Angelique." Bumuntong hininga ito saka muling hinarap si Angelique. "Stop bringing my name with your mess next time."
Pagkasabi nito ay naglakad ito at nilampasan sila na hindi man lang siya pinapansin. Umasa ka naman na papansinin ka niya.
Oo nga naman, bakit ba siya umaasa sa atensiyon ni Ryker? Tapos na sila. Everything is already in the past. Nakamove-on na din siya. Pero hindi niya napigilan na sundan ito nang tingin nang kausapin nito ang manager ng shop.
"We're not yet done, Cielo."
Nilingon niya si Angelique na nanggagalaiti pa rin sa galit sa kanya.
"It's Mirielle," she corrected.
Kanina pa ito Cielo ng Cielo, hindi na nga siya si Cielo.
"Whatever your name is, I'll make you pay!"
She rolled her eyes.
"How much do you want?" She asked sarcastically as she fished out for her checkbook.
Napahagikhik naman ng tawa si Tracey sa pang-iinis niya kay Angelique. Hindi naman siya nabigo dahil umuusok ito sa galit na umalis. Doon lang bumalik sa mga pwesto nila ang kanyang mga bodyguards.
Naiwan na lang sila ni Tracey na nakatanaw sa umalis na si Angelique.
"He didn't even smile at you after he made you his mistress." Ang tinutukoy ni Tracey ay si Ryker na hindi man lang siya binati kanina.
"Hayaan mo na siya. Mas mabuti na 'yon para hindi na ako pag-initan ng asawa niya."
"Correction, dating asawa. Matagal na silang divorced. Ilang araw lang mula ng umalis ka patungong Switzerland ay lumabas sa media ang balita na hiwalay na nga sila. Ang sinasabing dahilan ay dahil sa negosyo. They only got married because of their business merging." Bahagya lumapit sa kanya si Tracey at may ibinulong. "Ryker has been married four times. Angelique was his fifth."
"Are you serious?!"
Ibig sabihin talagang napakalaking sekreto ang tungkol sa buhay ni Ryker. Mas malala pa pala sa inaasahan niya ang pinasok niyang sitwasyon.
"I'm goddamn serious. According to some article ay ipinapakasal daw si Ryker sa mga anak na babae ng gustong business partner ng ama niya. It's like he is being used as a toy. Ipinapakasal sa mga anak na babae ng mga negosyante at kapag okay na ang business partnership ng both parties ay saka magpafile ng divorce si Ryker. Ang saklap ng buhay niya 'di ba?"
Hindi niya napigilan na tapunan ng tingin si Ryker na abala sa pagpili ng kotse. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Tracey. Hindi rin niya alam kung totoo ang mga ito. If it really is true then Ryker really have a miserable life because of his father.
"Balita din na ikakasal na naman daw siya ngayong taon. Wala pang nakakaalam kung kaninong anak na babae sa mga negosyante sa Pilipinas ang pakakasalan niya.""Ganoon ba?" Tanging nasambit niya dahil nakapako na kay Ryker ang kanyang mga mata.
Seryoso ito sa pakikipag-usap sa dealer. Malaki ang pinagbago nito sa isang taon na lumipas. Mas naging seryoso ang mukha nito pero isa lang ang hindi nagbago rito, ang labi nito na minsan niyang natikman at nagpatirik sa kanyang mga mata.
Does it still taste the same?
Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang inaalala ang nakaraan nila. Ngunit nagising siya sa katotohanan ng maalala rin ang panloloko nito sa kanya. Inalis niya ang tingin rito at hinila si Tracey palabas ng building.She sent a message to Westley telling that she's with Tracey in a coffee shop across the street. Pinahatid na lamang niya sa manor ang tatlong kotse habang ang Ferrari ay pinaiwan niya para sakyan pauwi.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...