39 - Wasted Chance

2.8K 95 7
                                    

 
 
 
NAIUWI na nila sa bahay ang kanyang ina pagkatapos ng ilang eksaminasyon dito. Pwede na ito magpagaling sa bahay ngunit may assistance pa rin mula sa dalawang nurse ng ospital.

Simula nang malaman ng ina niya ang tungkol sa nobyo niya ay hindi na ito huminto sa pangungulit sa kanya para ipakilala ito rito.

Pero hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Kaya naman nang araw na iyon ay tinawagan niya si Ryker. Pero hindi ito sumasagot at nareredirect sa voicemail ang tawag niya. That's when she decided to call Kari.

"Kari, nariyan ba ang kuya Ryker mo? Can I talk to him? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, hindi naman niya sinasagot."

Sandaling katahimikan bago umimik si Kari sa kabilang linya.

"You're too late, ate. Kuya is getting married right now."

Parang nuclear bomb na sumabog sa diwa niya ang sinabi ni Kari. Dina-digest pa ng utak niya ang sinabi nito nang muling magsalita si Kari.

"We've been trying to call you since you left without saying a word. Kuya said that you were busy with your family matters kaya hindi ka namin inabala. Not until Mr. Fernandez came and asked Papa about their agreement. Nakatakda pala na ipakasal si Kuya sa anak ni Mr. Fernandez. Huli na para bawiin ni Papa ang agreement dahil notarized iyon. They're currently holding the wedding right now."

Nang mapagtanto niya ang katotohanan ng mga sinabi ni Kari ay napuno ng mga katanungan ang isip niya.

" Ngayon ginaganap ang kasal nila?"

"Yes."

"Teka, nasaan kayo?" Tinutukoy niya si Kari at ang ina nito.

"Nasa bahay kami ni Papa sa Quezon. We chose not to attend the wedding dahil alam namin na hindi masaya si Kuya sa bagay na 'yon. Kung sana sinagot mo iyong mga tawag namin, sana napigilan mo ang kasal. Kuya will be tied up again to a woman he doesn't love." Bakas ang lungkot sa boses ni Kari.

Hindi pwede na wala siyang gawin. Kailangan niyang pigilan ang kasal or else mawawala na naman sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya. She will not let that happen again.

"Kari, saan ginaganap ang kasal ng kuya mo? I need to go there."

"Nasa opisina sila ni Mayor Suazon ngayon. Bilisan mo ate, baka mapigilan mo pa ang kasal. Kailangan mo ba ng back-up?" Bumalik ang sigla sa tinig ni Kari. Kilala niya si Mr. Suazon. Isa ito sa circle of friends ng ama niya.

"I can handle this."

Pagkasabi niya non ay agad niyang tinapos ang tawag at tinawagan si Tracey.

"Magkita tayo sa opisina ni Mr. Suazon. Hihintayin kita doon."

Iilang salita pero alam niyang naintindihan ito ni Tracey.

She drove her car fast para marating ang opisina ang kapitolyo kung saan naroon ang opisina ni Mr. Suazon. Naroon na din si Tracey dala ang pangmabigatan nitong latest iPad ng Apple.

Hindi na sila hinarang ng mga bodyguards nito dahil kilala naman siya ng mga ito. She's the daughter of Ramon Danures, remember?

Ngunit hindi sila nakalampas sa masungit na sekretarya ng Mayor. Mabuti na lang alam nila ang dirty little secret nito.

"May ongoing wedding ceremony po si Mayor ngayon. Bumalik na lang po kayo mamaya." Hinarang ng babae ang katawan nito sa pinto ng opisina.

"You will let us enter that room or I will tell Mrs. Camilla Suazon about your affair with her husband along with these proofs." Ipinakita ni Tracey rito ang mga  stolen photos ng babae kasama si Mr. Suazon sa isang motel.

Actually, isa iyon sa mga libangan ni Tracey. Inistalk nito ang mga kilalang tao at inaalam ang mga lihim ng mga ito. Weird hobby, right? Best friends sila kaya sinishare nito sa kanya ang lahat ng nalalaman nito.

"Where did you get that?!" Galit na tanong ng babae na sinubukapang agawin kay Tracey ang mga pictures pero maagap ang best friend niya.

"Hindi na mahalaga kung sino. Ang mahalaga ngayon ay hindi ito makarating sa asawa ni mayor or else..." May pagbabanta niyang wika.

Walang pagdadalawang isip na binuksan ng sekretarya ang pinto. Taas noo naman silang pumasok ni Tracey sa loob ng opisina kung saan naroon ang mga taong pakay nila.

Naaktuhan niya na pumipirma sa isang dokumento si Mr. Fernandez. Bakas naman ang gulat sa mukha ni Ryker at ng ama nito ng makita siya. Hindi rin nakalampas sa paningin niya ang babaeng katabi ni Mr. Fernandez, ang babaeng mapapangasawa ng lalaking pinakamamahal niya.

"Ms. Danures, what are you doing here?" Napaahon sa kinauupuan niya si Mr. Suazon at lumapit sa kanya. "I still have an appointment right now. I'll talk to you in a minute. Pinapunta ka ba rito ng Daddy mo?"

"No, I came here because of that guy." Itinuro niya si Ryker na napatingin sa kanya.

"What is this, Ryker?!" May inis sa tinig ni Mr. Fernandez.

"I... don't know, sir. Why don't you asked her?" Muling tumingin sa kanya si Ryker.

His gaze made her heart thump like a bass drum. She really loves this guy.

"Hija, may kailangan ka bang sabihin?" It was Ryker's father who asked.

"Miss kung wala kang magawang matino pwede bang umalis ka na? We're getting married here, can't you see?" singit naman ng anak ni Mr. Fernandez.

"I can clearly see that. That's why I'm here." Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ni Ryker. "Ryker Von Allmen, you can't marry anyone but me. You need to father the human inside me."

Napatayo mula sa kinauupuan si Mr. Fernandez. Ganoon din ang ama ni Ryker.

"What is this Rivan?! We've already talked about this!" Singhal ni Mr. Fernandez sa ama ni Ryker ngunit walang pakialam ang ginoo rito. Sa halip ay nakangiti itong lumapit sa kanya.

"That's the words that I wanted to hear for a very long time." Nilingon nito ang anak na si Ryker. "Come on, son. This is the woman you need to marry."

Humalakhak pa ang ginoo habang yakap siya.

"Thank you for saving my son," bulong nito habang yakap siya.

Next thing she knew was Ryker was already beside her.

"Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal, Rivan. Kompanya mo ang nakataya rito." Galit pa rin si Mr. Fernandez.

"Sa iyo na ang kompanya, Lucas. I don't care anymore. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang pamilya ko."

Gulat ang rumehistro sa mukha nilang naroon.

"What?!" Tili ng babaeng pakakasalan sana ni Ryker. "Dad, I want to marry him."

"Huwag mo nang ipilit ang hindi pwede, hija." It was Ryker's father. "Kahit kunin niyo pa lahat ng yaman ko, hindi ko na ipapakasal sa kahit na sinong babae ang anak ko maliban sa babaeng mahal niya."

"If that's the case, Papa," Finally Ryker spoke. Nilingon nito si Mayor Suazon. "Mr. Mayor, ikasal niyo kami ngayon din."

Shocked was written all over her face. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Ryker. Maging si Tracey ay natigilan at napatingin sa kanya.

"Well, let's proceed with the wedding then," ani Mayor.
 
 
 
 
 
 
 
~~~~~~~~~~~~
To be continued...

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon