"TU CHI SEI?"Napalunok ng laway si Ciel nang makita ang may-ari ng kamay na pumigil sa kanya na buksan ang pinto. Pakiramdam niya ay nanlalamig amg buo niyang katawan ngunit nag-iinit ang pisngi niya.
"Don't make me ask you twice, lady." Malamig ang tinig nitong tumingin sa mga mata niya.
Ilang beses siyang napakurap para magising ang diwa.
"I'm Ciel, Mariciel Del Mundo, the new maid," she said nervously.
Kinunutan siya ng noo ng lalaki. It was like he can't believe her. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tingnan ang kabuuan nito. He has thick brows, well defined pointed nose and a perfect thin lips. Hindi niya maiwasang titigan ang kulay berde nitong mga mata.
"Who gave you the permission to touch my things?" Muling tanong ng lalaki. Mukhang alam na niya kung sino ito.
Sasagot na sana siya nang biglang sumulpot si Francin.
"Ciel, tawag na tayo ni—" Hindi na natapos ni Francin ang sasabihin nang makita sila ng lalaki. "Sir Ryker, narito na po pala kayo."
Sinenyasan siya ni Francin na lumapit rito. Kung bakit ay hindi niya alam.
Binalingan niya ang lalaki na tinawag ni Francin na Sir Ryker. Ito pala ang may-ari na mansion sa gitna ng berdeng kapaligiran.
"Sir, 'yong kamay ko po," wika niya rito.
Marahan niyang kinuha ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki saka lumapit kay Francin.
"Aalis na po kami, sir."
Hindi na hinintay ni Francin na sumagot ang lalaki. Hinila siya nito patungo sa pinto saka lumabas. Habang nasa hallway ay hindi niya napigilan na magtanong kay Francin.
"Siya ba si sir Ryker?"
"Oo, medyo napaaga ang dating niya dahil naka-helicopter siya. Kaya ngayon mas dapat tayong maging mabilis at maayos ang kilos." Mas binilisan naman ni Francin ang mga hakbang kaya ganoon din ang ginawa niya.
Nagtungo sila sa kusina at tumulong sa paghahanda ng tanghalian ng amo. Habang naghahanda ng pagkain ay saka siya nakaramdam ng gutom. Hindi pa nga pala siya kumain kahapon bago bumyahe patungong Mindoro. Noodles lang ang kinain niya sa barko at wala pa siyang kahit na anong kinakain simula kaninang umaga.
Kanina habang naglilinis ay hindi niya ininda ang pagod at antok sa biyahe para matapos ang trabaho. Wala pa siyang maayos na tulog at pahinga pero sumabak kaagad siya sa trabaho.
Ngayon niya nararamdaman ang lahat ng iyon. Pagod, antok at gutom.
"Ciel, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Francin.
Manang Devi glanced at her just like the other maids. Maliban pala sa kanila ni Francin ay mayroon pang anim na ibang katulong doon at halos kasing edad niya ang mga ito o hindi nagkakalayo ang mga edad nila.
"Ayos lang ako." Nagpatuloy siya sa ginagawang paghihiwa ng mga gulay. "Ouch!"
Hindi niya napansin na nahiwa na pala niya ang daliri. Lutang na naman siya dahil sa pagod. Kailangan niyang magpahinga pero hindi pwede dahil may trabaho pa sila.
"Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sa iyong bata ka?!" Angil sa kanya ni Manang Devi kaya agad niyang itinago ang daliri na nasugatan.
"Ayos lang po ako, manang." Ngumiti siya rito at nagkunwaring may inaasikasong bukod.
Nang hindi na nakatingin ang ginang ay pinunasan lamang niya ang dugo sa sugat saka muling nagpatuloy sa ginagawa. Sinisiguro niya na hindi napapasama sa kanyang hinihiwa ang kanyang dugo. That's eewee!
NAPASALAMPAK ng higa sa kama si Ciel nang gabing iyon. Pagod na pagod siya sa maghapong paghahanda para sa amo. Kung alam lang niya na ganito pala kahirap maging isang katulong hindi na sana niya pinahirapan ang mga katulong nila dati sa bahay.Hindi na magawang bumangon ni Ciel dahil sa sobrang pagod ngunit napabalikwas siya nang bangon nang biglang pumasok si Francin sa silid. Humahangos ito na tila ilang kilometro ang tinakbo.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya rito.
"Si sir Ryker.." Habol nito ang hininga at sapo ang dibdib. "Pinapatawag ka.. Mukhang galit at mainit ang ulo."
Saglit siyang napaisip. Was it still because of what she did earlier? Hindi naman niya binuksan 'yong pinto. Wala siyang nakita. Ni hindi niya alam kung ano ang nasa likod ng pinto na ' yon.
"Ciel!"
Napapitlag siya sa sigaw ni Francin.
"Pumunta ka na sa master's bedroom bago pa maging dragon si sir."
Naiinis siyang tumayo at napahilamos.
"Oras na ng pahinga ko eh!" Naiinis siyang lumabas ng silid at tinungo ang kwarto ng amo.
Huminga muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako," wika niya sa nakapinid na pinto.
Wala siyang tugon na narinig. Muli siyang kumatok ng tatlong beses.
"Sir?" tawag niya ngunit wala pa ring tugon mula sa loob. "Sir, papasok na po ako."
Pinihit niya pabukas ang seradura. Maingatvat tahimik siyang pumasok sa loob ng malaking silid. Sumalubong sa kanya ang naoakabangong amoy na bumabalot sa buong silid. If she's not mistaken, that's one of Clive Christian scents. One of the most expensive perfume for men in the world.
"What the f*ck are you doing here, lady?!"
Gulat siyang napalingon sa pinanggalingan ng galit na tinig. Nang makita ang amo ay tila namula siyang kamatis. Mukhang katatapos lamang nito maligo dahil sa basa pa nitong buhok. Napako ang mata niya sa tubig mula sa buhok nito. Dumadaloy ang tubig mula sa balikat pababa sa dibdib nito, sa anim na abs nito hanggang sa..
Napalunok na lamang siya ng laway nang mapadako ang mga mata sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya napigilang mapakagat labi. Eng sherep nemen!
"Eyes up here, lady."
Napatayo siya ng tuwid nang magsalita ang amo. She fixed her eyes into his green eyes. Kailangan niyang gawin iyon para hindi mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito na mukhang masarap sambahin. Oh God. She felt hot and wet down there.
"Pinatawag niyo daw po ako, sir."
"Oh yeah." Naglakad ito palapit sa kanya.
Napaatras naman siya hanggang sa bumunggo ang likod ng kanyang mga paa sa isang cabinet. Wala na siyang maaatrasan. Mas lumapit pa ito at dumukwang sa kanya.
Napapikit siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin. Naghintay siya na magdikit ang kanilang katawan leronwala siyang naramdaman. When she opened her eyes, she saw him spraying something on his masculine body.
Nang lingunin niya ang mesa sa likuran ay lagayan pala iyon ng mga pabango at mga personal hygiene things nito. Kaya pala lumapit sa kanya.
Gusto niyang sapakin ang sarili sa naging reaksyon.
"May kailangan po ba kayo—"
"About earlier." Putol nito sa kanya. "You saw what you weren't allowed to see."
Mauubos na yata ang laway niya kakalunok dahil sa nerbiyos at kaba. Mabuti na lang exposed ang katawan nitong nakakapaglaway.
"Hindi ko po sinasadya na makita 'yon, sir. I was just cleaning your room and it caught my attention. Malay ko ba na bawal pala iyon tingnan or buksan na hindi ko naman nabuksan dahil dumating ka. Sana nilagyan mo ng karatula na nagsasabi na bawal buksan or what. Hindi naman kasi magsasalita ang pinto na 'yon para sabihin sa akin na bawal siyang buksan. Do you get my point, sir?" she stated trying to express her point.
"You're a natural talker, aren't you?" Tumaas ang sulok ng labi nito.
Pakiramdam ni Ciel ay isang anghel ang ngumiti sa kanya. Hindi niya maitatanggi na gwapo at malakas ang karisma ng kanyang amo.
I might fall.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...