40 - Couple Of Trouble

3.6K 84 6
                                    


 
  
TULALA si Mirielle habang nakatunghay sa dinaraanan nila patungo sa bahay nina Ryker sa Quezon. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal nga sila ni Ryker. She is now a Von Allmen.

The problem now is how will she tell her mother about the wedding and marriage. Alam na din ng Dad niya ang nangyari at sa awa naman ng Diyos at sobrang pagmamahal sa kanya ng ama ay hindi ito nagalit. Pero sinabi nito na dapat nilang sabihin ni Ryker sa mommy niya ang lahat.

"Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo? I bet you're thinking right now how stupid your idea was. Pretending to be pregnant?" Ryker scoffed.

Sinamaan naman niya ito ng tingin na agad namang sumeryoso nang makita siya.

"Nakakapangsisi talaga na pinigilan ko ang kasal niyo ng maarteng babae na 'yon kanina. Kung alam ko lang na aasarin mo ako ngayon sana hinayaan na lang kita na makasal doon." Naiinis niyang wika rito.

Ryker pulled her closer to him.

"Don't say that. Alam mo naman na ikaw lang ang babae na gustong-gusto kong pakasalan. Hindi nga lang katulad ng kasal natin kanina. I dreamed of a perfect romantic wedding for us. Babawi na lang ako kapag okay na tayo sa Mommy mo."

Napangiti na lang din siya sa sinabi nito. She hugged him tight until they reached their house.

Sinalubong sila ng ina at kapatid ni Ryker.

"I learned what happened from Papa. Is it true? You two are married?"

Nag-aalangan siyang ngumiti kay Kari para sagutin ang tanong nito.

"She stopped the wedding kaya siya ang pinakasalan ko. She said she's pregnant even though the last time we had sex was a year ago."

Kinurot niya sa tagiliran si Ryker sa sinabi nito. Napatawa naman ang kanyang Mama.

"Oh my God. Thank you, Ate Mirielle. Akala ko mapapangasawa na talaga ni Kuya ang Ashana na 'yon."

"Wait, you know her?" Ryker asked Kari.

"Hell, yeah! She's the famous b*tch in social media. Pinahiya lang naman niya ang isang waitress sa isang coffee shop. It so happened na this waitress is doing a social experiment and the whole panghihiya thing was caught on cam. It spread online pero dahil sa pera ng Daddy ni Ashana, madali nilang napatahimik ang issue."

Tiningnan siya ni Ryker na may ngiti sa labi.

"Than you for saving me from that woman. I owe you a sperm." Nagtaas-baba ang kilay nito. Umandar na naman ang kapilyuhan ni Ryker at sa harap pa talaga ng Mama nito.

Hinampas niya ang braso nito.

"Umayos ka nga. Hindi ka na nahiya sa Mama mo," saway niya rito.

"Sanay na si Mama sa akin." Binalingan nito ang ina na natatawa sa kanilang dalawa. "Hindi ba, Ma?"

"Sanay na ako sa anak ko na 'yan, Mirielle. Masaya ako na makita siyang masaya ngayon. Salamat sa iyo."

Niyakap siya ng Mama ni Ryker.

"Now that you're part of the family now, sabayan mo kami kumain. Nagluto ako ng alam kong mga paborito ninyo."

"Hindi po ba natin hihintayin ang Papa ni Ryker?" tanong niya rito.

Ngumiti lamang ang ina ni Ryker at si Kari. Nagkatinginan naman sila ni Ryker.

"Is the dinner ready?"

Napalingon sila ni Ryker sa pinagmulan ng tinig. It was Ryker's father descending from the stairs.

"Yes, dear. Nandito na rin sina Ryker at Mirielle," sagot ng Mama ni Ryker. Sinalubong din nito ang asawa sa dulo n gn hagdan. "Kamusta ang pakikipag-usap mo board?"

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon