"HINDI MO PA BA AKO IUUWI?"Nakayakap siya sa katawan ng lalaki habang nakasakay sila sa duyan. Tanaw nila mula sa kinaroroonan ang papalubog na araw.
"We're already home."
Tinapik niya ang tagiliran nito dahil hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin.
"Kailan tayo babalik ng Manila? That's what I am talking about."
Nag-angat siya ng tingin rito para makita ang reaksiyon nito.
"That's a toxic place. Ayaw mo ba dito?"
Ibinangon niya ang kalahati ng katawan para mas matingnan ito ng ays.
"I love this place!" she exclaimed with so kuch happiness. "Pero alam mong may mga dapat tayong ayusin sa Manila. You're getting married next week."
Bigla siyang nalungkot nang maalala ang nalalapit nitong kasal kay Thyra Del Martin, anak ng may-ari ng Del Martin Architectural Services.
Hindi umimik si Ryker sa halip ay may kinuha ito sa bulsa na isang maliit na puting kahon. Parang slow motion ang pagbukas nito sa harap niya ng kahon hanggang sa tumambad sa kanya ang isang singsing na napapalamutian ng diamond.
"Just say yes and I will not marry her."
Natigilan siya at hindi nakaimik sa sinabi nito. Palipat-lipat sa singsing at sa nakangiting mukha ni Ryker ang mga mata niya. Naguguluhan siya.
Dapat ba siyang umuo?
"Are you serious?" she asked in disbelief.
Para naman itong pinagbagsakan ng langit at lupa sa tanong niya.
"Sa tingin mo ba maghihintay ako ng mahigit na isang taon sa iyo kung hindi ako seryoso?!" Naiinis nitong tanong.
Umahon ito mula sa pagkakaupo sa duyan dahilan para umugoy ito at muntik na siyang mahulog. Mabuti na lang naitapak niya kaagad ang mga paa sa lupa.
"Bakit nagagalit ka? Nagtatanong lang naman ako kung seryoso ka sa bagay na 'yan. It's marriage that we're talking about here." Maging siya ay napataas na din ang boses rito.
Nakita niya ang pagkabigo sa mukha nito. Did she just break his heart with that question instead of saying yes?
"Mahalaga sa akin ang kasal, Ryker. Unlike you, it is not just a thing for me that I can call off whenever I want too. Malay ko ba na baka idivorce mo rin ako katulad sa mga ex-wives mo." Hindi na niya napigilan na ilabas ang mga nasa isip niya kanina pa.
Her fear on marriage grew stronger because of him. Noong una natatakot siyang magpakasal sa isang lalaki dahil baka maging katulad ito ng kinilala niyang ama. Mas lumala ang takot niya sa pagpapakasal nang malaman niya ang buhay ni Ryker. Kung paano nito ipagsawalang bahala ang sakramento ng kasal.
"Asking you to marry me maybe too much. I'm sorry." Agad itong umalis patungo sa kabahayan pagkasabi noon.
Naiwan naman siyang nakokonsensiya sa mga sinabi. Nasobrahan yata siya sa pagiging prangka sa nararamdaman.
Napasalampak na lamang siya ng uponsa duyan at mag-isang pinanood ang paglubog ng araw.
Hanggang sa pagkain ng hapunan ay hindi siya sinabayan ni Ryker.
"Manang, nasaan po si Ryker?" tanong niya sa kasambahay na naghahanda ng mesa.
"Sino po?"
Oo nga pala, hindi nga pala kilala ang pangalang Ryker sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...