23 - Sight of the Past

2.7K 102 1
                                    

  
   
   
   
   
SHE was full of confidence as she stepped out of the plane and breath the not so fresh air in the airport. Nasa Pilipinas na talaga siya.

Nakakapanibago dahil sa Switzerland ay halos berde ang kadalasang makikita ngunit sa Pilipinas hindi maitatago ang polusyon sa paligid lalo na sa mga siyudad.

"The car is waiting downstairs, Miss." Sinundan niya ang tinuro ni Westley.

Isang puting limousine ang naghihintay sa dulo ng hagdan ng eroplano. There she saw her father and Francin with the twins awaiting for her.

Nakasundress siya dahil expected na niya ang mainit na panahon sa Pilipinas kaya naman maingat siyang bumaba ng hagdan. Mahirap na baka may makasilay ng makinis niyang mga legs.

Dumiretso sila sa bahay na ipinagawa ng ama nang minsan itong umuwi ng Pilipinas. Nasa Cavite ito kaya kailangan nilang magtravel ng ilang oras bago makarating doon. With the current traffic situation baka abutin sila ng mahabang oras sa byahe. She can't stand the boredom.

"Ruskin, dropped me off in that mall. I'll do some shopping first."

"Isn't it too early for a shopping, Mirielle?" kontra kaagad ng kanyang ama.

"Dad, hindi mo na nga ako pinapayagan na magshopping sa Zurich, hanggang dito ba naman?" Yumakap siya braso ng ama para maglambing.

Wala naman itong nagawa kundi pumayag.

"Fine but be home before lunch and let Westley come with you."

Binalingan niya si Westley na lihim na napapangiti. Alam niyang namimiss na ni Westley ang bonding nila tulad dati na nakakainuman niya ito sa mga bar at nakakasama niya sa pagsashopping kaya nga napagkamalan silang magkasintahan. But the truth is.. Westley is not the guy who will like a woman.

"Sure, Dad."

Masaya siya sa dahil sa wakas makakapagshopping na siya as in totoong shopping. Sa Zurich kasi ay ang mga products ang dinadala sa bahay nila at doon siya namimili. Minsan naman ay itinatawag niya ang mga gusto niyang bilhin sa secretary ng ama. Hindi sila basta pinapalabas ng bahay ng ama dahil ayaw nito na mapahamak sila. Mainit ang mga mata ng mga taong may masasamang balak sa kanila kaya kailangan nilang mag-ingat.

Iba naman ang case dito sa Pilipinas dahil hindi naman alam ng mga tao na anak siya ng CEO ng Pelures.

Nasa mall na sila ni Westley pero hindi muna siya dumiretso sa dapat niyang puntahan. Inaya niya si Westley sa car dealers.

"You're buying a car?" tanong sa kanya ni Westley.

"Yes, I think I'll be needing that since I am now in the Philippines." Naglakad siya patungo sa car shop sa tapat ng mall kung saan ang mga latest at expensive cars at makikita.

Nakasunod naman sa kanya si Westley na may kausap sa phone nito. She bet it's her father. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo lamang nang ibaba ni Westley ang cellphone ay tumunog naman ang sa kanya. It's her dad calling.

"Yes, Dad. Did Westley told you about the car?" bungad niya kaagad sa ama.

"Yes, he did told me. Buying cars is not a problem, Mirielle. You can buy anything you want but please be safe. I'll send more men there."

She rolled her eyes at his Dad's words. Lagi itong nagwoworry sa kaligtasan niya as if may masamang mangyayari sa kanya.

"Okay, Dad."

Hindi na siya nagreklamo sa pagpapadala nito ng mas maraming bodyguards niya. Okay lang naman sa kanya 'yon as long as they will stay invisible to her. Westley's presence is enough with her.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon