HINDI NAPIGILAN NI RYKER amg sarili nang sugurin ang babaeng isa sa sinisisi niya sa nangyari sa kanyang ina. Buong pwersa niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito.Tama yan, masaktan ka! Katulad ng ginawa mo kay Mama. Galit na galit ang isipan niya habang nakatingin sa nasasaktang mukhang babae.
"Ano pa bang kailangan mo sa akin?! Ano na naman bang kasinungalingan ang sasabihin mo?!" Puno ng galit niyang tanong rito habang hawak pa rin ang balikat nito.
"Nasasaktan ako, Ryker," daing nito pero wala siyang pakialam.
"Ryker! Bitiwan mo siya. Nasasaktan na 'yong tao!" Parang tinig ng anghel ang narinig niya nang magsalita si Cielo.
Napakurap at napailing siya nang makita ito na nakahawak sa kanyang braso at pinipilit na alisin ang pagkakahawak niya sa babae. Para siyang natauhan at biglang binitiwan ang ginang.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Cielo sa babae. Nakita niyang tumango ito habang hinahaplos ang parte na hinawakan niya kanina. "Ano bang nangyayari sa iyo, Ryker? Nagpunta 'yong tao dito dahil may kailangan siyang sabihin sa iyo. Bakit kailangan mo siyang saktan? "
Noon lamang niya napagtanto ang nagawa.
"Pasensiya na. Nadala ako ng emosyon. I can't control my emotions when it comes to my mother," aniya at pasalamapak na naupo.
"Ayos lang. Naiintindihan kita." Umayos ng upo ang babae habang nakaalalay pa rin ssa tabi nito si Cielo. "Tama lang na kamuhian mo ako. Kasalanan ko ang lahat."
Napatunghay siya rito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ako ang dahilan kaya nangyari ang lahat ng iyon kay Ryka. Ako ang nagdala sa kanya sa demonyong iyon." Nakita niya ang guiltness sa mukha nito. "I should be punished to what I have done to her."
"The law will take care of that. Paanong ikaw ang may kasalanan ng lahat? Tell me everything." Mas kalmado na siya ngayon.
"Ryka was my college friend. Magkaklase at naging magkagrupo kaminsa isang subject. Napakabait ni Ryka kaya naman nang makagraduate kami ay inalok konsiya ng trabaho sa kompanya ni Dad. Actually, hindi naman niya kailangan magtrabaho dahil may kaya naman ang kanyang pamilya pero pinilit ko siya. Madali siyang natanggap dahil sa maganda niyang scholastic records. A month after that I was forced to marry Rivan. I was against with the marriage kaya lagin akong nasa ibang bansa noon. Alam ko naman kasi na ang kompanya lang ni Papa ang habol ni Rivan kaya siya pumayag na makasal sa akin. I was in Canada when Ryka called and told me that Rivan assigned her to be her secretary. Hindi naging maganda ang kutob ko sa bagay na iyon kaya inayos ko ang pagbabalik ko ng Pilipinas. I got back a week after Ryka called me and I was too late." Bigla itong humagulhol ng iyak na agad namang dinaluhan ni Cielo.
" Too late for what?!" May inis sa tono niya dahil tila hindi tumutugma sa mga sinabi ng kanyang Mama ang kinukwento nito.
"Ryker, tell me the truth," tumingin ang babae sa kanyang mga mata. "What did your mother told you about Rivan and how you came into this world?"
Hindi siya kaagad nakasagot sa babae. Sandali siyang natigilan at nag-isip. Malinaw sa alaala niya ang mga sinabi ng ina tungkol sa kanyang ama.
"Nagkaroon sila ng relasyon habang nasa ibang bansa ka. They fall in love with each other and that's when they made me." May kaba sa tinig niya habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
The woman laughed. "That was all a lie!"
May kinuha ito sa bag at inilapag sa center table na yari sa kahoy. It was a tape recorder. She pressed the play button and the voice of her mother echoed inside the house.
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...