Love In Between Hate

3K 87 2
                                    

 
 
 
ILANG ARAW na ang nakakalipas mula nang paalisin si Ryker ng ina ni Mirielle sa pamamahay nito. Nakakamusta lamang niya ang asawa kapag tumatawag ang ama nito at binabalitaan siya. Hindi nakakalabas ng bahay si Mirielle sa kahit na anong dahilan. Kung makaalis man ito ay kapag kasama nito ang ina sa therapy nito para makalakad muli.

Wala siyang magawa ngayon para sa asawa dahil sa kalagayan ng ina nito. Alam niyang nasa proseso ito ng pagpapagaling at ayaw niya na lumala ang kalagayan nito dahil sa kanila.

Napabuntong hininga na lamang siya habang hawak ang cellphone at hinihintay ang tawag ng ama ni Mirielle.

Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala ay hindi na niya namalayan ang paglapit ng ama sa kanya.

"Anak, may maitutulong ba ako para sa inyo ni Mirielle?"

Palihim niyan inirapan ang ama. At some point, sinisisi niya ito sa nangayayari sa kanila ngayon ni Mirielle. Kung hindi lang sana siya nito ipinakasal sa kung sinu-sinong babae ay hindi sana siya magkakaroon ng masamang imahe sa ina ni Mirielle.

"I don't think so, Pa. Hindi ako gusto ng mommy ni Mirielle para sa anak nito."

Hindi niya din maibaling ang lahat ng sisi sa ama dahil alam ginusto din naman niya ang mga nangyari sa buhay niya.

Marami siyang pinaghuhugutan sa buhay noon para gawin ang mga bagay na 'yon. Ni hindi sumagi sa isip niya na darating si Mirielle sa magulo niyang buhay.

"Pwede ko siyang kausapin na hindi mo ginusto ang lahat ng iyon. Ako naman talaga ang may gawa ng lahat ng 'yon. Ipinakasal kita kahit na labag sa kalooban mo. It was all my fault." Ramdam niya ang pagsisisi sa tono ng boses ng ama.

"Ginusto ko din naman ang lahat, Pa. I did all of those for the company and for our family."

Tila hindi nakumbinsi ang ama sa sinabi niya dahil umiling ito.

"To be honest, anak, ginawa ko ang lahat ng iyon hindi lang para sa kompanya kung hindi para kontrolin ang buhay mo. I wanted you to be tough but I made the wrong choices in making you one. I am sorry for everything, anak."

May nabuhay muling galit sa dibdib niya ngunit kinontrol niya ito nang maalala ang ina.

"It was all in the past. Let's forget about it and move on," aniya.

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ng ama sa kanang balikat niya. Marahan nitong pinisil ang kanyang balikat. Sa simpleng gawi na iyon ay alam niyang seryoso ang ama sa paghingi nito ng tawad. He tapped his father's hand to say that it's all okay.

Napatingin siya sa cellphone nang tumunog ito at rumehistro ang pangalan ng ama ni Mirielle.

"Hello po, Tito. Kamusta po si Mirielle?" bungad niya rito.

"She's missing, Ryker." Parang may bombang sumabog sa tenga niya nang marinig iyon.

"Anong ibig ninyong sabihin na nawawala siya, tito. Tumakas po ba siya? I will go and find her." Ibaba na sana niya ang tawag nang muling n magsalita ang ginoo.

"Kinidnap siya, Ryker. Papauwi na sila ng Mommy niya mula sa therapy session nang may humarang sa kanila na dalawang van. Sugatan ang apat na bodyguard na kasama nila at nasa emergency room ngayon ang mommy niya dahil sa mga galos na natamo mula sa pangingidnap. I don't know anyone who could do this to my family, Ryker. Kaya kung may alam ka sa may kagagawan nito at sa dumukot sa anak ko, sabihin mo na sa akin dahil ayokong lumipas ang oras na wala akong ginagawa para sa anak ko. Baka may mangyari sa kanya na masama kapag hindi tayo kumilos. Help us, Ryker. Save my daughter. Save your wife."

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon