15 - Sweet Gestures

2.6K 97 0
                                    

 
  
   
   
WEEKS have passed, Cielo has now a new job. She got hired as a cashier in a restaurant in town. Ilang araw pa lang simula ng matanggap siya doon habang si Francin naman ay hindi na stay-in sa bahay ni Ryker. Nalaman na din nina Ryker ang pagbubuntis nito kaya mas magaan na ang trabaho nito sa mansyon.

Masaya siya sa buhay niya ngayon bilang isang simpleng probinsiyana. Wala rin siyang naririnig na balita tungkol a magulang, kung hinahanap ba siya ng mga ito o hindi. Minsan naiisip niyang tawagan ang ina ngunit sa tuwing naiisip niya na kakampi ito ng ama ay ayaw na niya itong makausap.

"Cielo, mauuna na ako sa iyo. Nariyan na ang aking sundo." Tinanguan niya si Weng na katrabaho niya.

Tapos n ang trabaho nila ng araw na iyon kaya naghahanda na siya para umuwi. Kailangan niya pa umarkila ng tricycle para ihatid siya dahil alas otso na ng gabi at bihira na ang mga bumabyahe ngayon. Hatid-sundo dapat siya ni Ryker ngunit lumuwas ito kaninang madaling araw dahil may conference meeting ito. Marami na rin itong trabahong naantala dahil napahaba ang bakasyon nito sa Mindoro dahil sa kanya. Ayaw man niya itong paalisin ay kailangan din naman ito ng kompanya.

Nang maiayos ang mga gamit ay lumabas na siya ng restaurant para maisara ito ng guard. Hinintay niya sa harap ng restaurant si Manong Bert, ang tricycle driver na inarkila niya para maging service niya.

Mukhang late nitong nabasa ang text niya dahil wala pa ito. Naupo siya sa pwesto ng guard at doon naghintay.

Kumunot ang noo niya nang may kotse na huminto sa tapat niya. Bumaba ang bintana ng kotse at nakita niya ang kanyang employer.

"Cielo, wala pa ba ang sundo mo?" tanong nito sa kanya.

"Wala pa po sir, pero paparating na daw po," pagsisinungaling niya kahit hindi pa niya alam kung nasaan na ba si Manong Bert.

"Ganoon ba, hihintayin na kitang makasakay bago ako umalis." Bumaba ito ng kotse at lumapit sa kinaroroonan niya. "Larry, ikuha mo nga ako ng isa pang upuan," utos pa nito kay Kuya Larry, ang gwardiya ng restaurant.

Mabait naman sa mabait si Rocky pero hindi lang kasi maganda ang kutob niya rito. Sabi ni Weng ay hindi naman daw ito madalas na magpunta sa restaurant dahil ayaw nga nito sa business ng mga magulang. Napakasungit pa nito sa mga empleyado nito dati ngunit simula raw nang ma-hire at magtrabaho siya roon ay madalas na itong makita sa restaurant. Naging mabait na din daw ito sa mga empleyado.

Napatingin siya sa cellphone nang may dumating na mensahe galing kay Manong Bert. Hindi daw ito makakapagsundo dahil nasira daw ang tricycle nito.

Napabuntong hininga siya nang mabasa ang text na iyon. Paano siya uuwi nito ngayon?

"Hindi daw makakarating ang sundo mo?" Napalingonsiya kay Rocky na nakasilip sa cellphone niya. Agad niyang itinago ang cellphone at hinarap ito.

"May mga tricycle pa naman sa kanto, sir. Doon na lang ako maghihintay." Kinuha niya ang gamit at akma nang aalis nang pigilan siya ni Rocky. Hawak nito ang kamay niya.

"Ihahatid na kita," alok nito na nakangisi na parang may masamang balak.

Naalarma naman siya kaya agad na hinila ang kamay para mabitiwan nito.

"Huwag na po, sir. Kaya ko naman po umuwi." Naglakad na siya palayo ngunit hinabol siya nito at hinawakan ulit ang kamay niya.

Hinila naman niya ulit ito para bawiin.

"C'mon, Cielo. Alam naman natin na wala ka ng masasakyan. Ako na nga itong nagmamagandang loob na ihatid ka. Ayaw mo pa ba? Wala naman akong gagawing masama sa iyo." Muli itong ngumisi na parang isang demonyo ang nasa hara niya.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon