34 - Face the Demon

2.9K 94 5
                                    

  
   
   
NAGPALIPAS na ng gabi si Kari kasama nila ni Ryker sa silid. The two spent the night chatting about their life with their mother. Napapangiti na lamang si Mirielle habang pinagmamasdan ang magkapatid na natutulog sa kama. Mahimbing ang tulog ng dalawa. She noticed the peace in Ryker's sleep.

Hihiga na sana siya sa tabi ni Kari nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Ryker. She waited for him to wake up but he didn't. Mukhang malalim na ang tulog nito dahil sa stress at pagod. Kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag.

"Sir, kailangan niyo pong pumunta dito sa bahay ng Mama ninyo. Nag-eempake ng gamit ang katulong at narinig ko na aalis ang inyong ama kasama ang Mama ninyo. Dadalhin ng Dad ninyo sa ibang bansa ang inyong Mama. Kailangan niyo pong pumunta dito."

Pinatay agad ng tauhan ni Ryker ang tawag pagkasabi non. Siya naman ay agad na ginising si Ryker kaya nagising na din si Kari.

"What is it, Cielo? Did something happen?" pupungas-pungas na bumangon si Ryker.

Nag-aalala ang mukha nito na tumingin sa kanya.

"Tumawag si Albert," she paused to see their reaction. Si Albert ang tauhan ni Ryker na tumawag. "Dadalhin ng Daddy ninyo ang inyong Mama sa ibang bansa. They're leaving tonight."

"He will never get away with this!"

Mabilis na tumayo si Ryker at kinuha ang susi ng kotse. Mabilis ang naging kilos nito kaya hindi na nila naabutan ni Kari nang umalis ito lulan ng kotse.

"Pupuntahan niya ang mga magulang ninyo at mukhang magkakaroon ng gulo. We need to follow him." Nilingon ni Mirielle si Kari. " But we don't have a car."

"Not a problem. Let's go!"

Hinila siya nito palabas ng silid patungo sa parking area. Pagdating sa parking area ay iniabot sa kanya ni Kari ang isang helmet saka ito sumakay sa isang motor.

"You can drive a motorcycle?" Hindi makapaniwalang niyang tanong.

Ngumiti lang sa kanya si Kari bilang tugon saka siya sinenyasan na sumakay. Nang makasakay ay agad na pinaandar ni Kari ang motor para masundan si Ryker.

Nang makarating sila sa mansion ay nagmamadali silang bumaba at nagtungo sa loob ng kabahayan. Nadatnan nila si Ryker na yakap ang kanyan ina na nasa wheelchair.

Nabaling ang tingin niya sa matandang lalaki na nasa di kalayuan at nakatanaw kina Ryker. Bakas ang galit sa mukha nito. When he saw them mas lalong nagalit ang mukha nito.

"What are you doing in my house?!" angil nito.

Napapitlag siya sa lakas at tapang ng tinig ng ama nina Ryker at Kari.

She noticed how Ryker clenched his fist as he stood up and looked at his father.

"Your selfishness ends here, Dad. Hindi mo na mailalayo sa amin si Mama. You've already took her away from me once! I won't let that thing happen again and let my sister experience the loneliness that I've been when you took her away from me!" Nakipagtagisan si Ryker ng titig sa ama habang si Kari ay kumubli sa likuran niya.

Nakita niya ang takot sa mukha ng kapatid ni Ryker kaya niyakap niya ito upang iparamdam dito na hindi niya ito pababayaan.

"Walang sinuman ang magsasabi sa dapat kong gawin, Ryker! Anak lang kita! Sa akin lang si Ryka!"

Hindi siya makapaniwala sa pagiging makasarili ng ama ni Ryker.

"Anak mo lang ako na naging bunga ng panggagahasa mo kay Mama! At inulit mo ulit yon na naging bunga si Kari!" Umalingawngaw ang sigaw ni Ryker sa buong kabahayan. "Hindi gamit si Mama na pwede mong babuyin kung kailan mo gusto!! Kukunin ko siya sa ayaw mo at sa gusto."

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon