NAKATAYO sila ni Cielo sa harap ng closet kung saan may maliit na pinto na kasya lamang ang isang tao para makapasok. That door leads to a room that nobody ever have a chance to see except now. He'll be showing it to Cielo."Wala pa kahit na sino ang nakakapasok sa silid sa likod ng pinto na 'yan. Ikaw pa lang," wika niya habang hinahagilap sa bulsa ang susi.
"Should I be flattered, Ryker?" Napailing na lang siya sa tanong nito.
"No, you should be happy to see this." He inserted the key. "Are you ready?"
Cielo rolled her eyes. "May halimaw ba sa loob niyan para maging handa ako?"
"No but there's something inside that will tell you who I am."
Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.
Ryker swung the door open.
CIELO'S jaw dropped when she saw what's inside the hidden door."What the f*ck!" anas niya.
Hindi siya makapaniwala na may ganitong silid sa loob ng mansion. She went inside the room when Ryker opened the door for her.
Hindi niya napigilan na humanga sa mga koleksiyon nito ng iba't ibang uri ng miniature airplanes.
" Where did you get all of these?" tanong niya rito habang isa-isang tinitingnan ang iba't ibang modelo ng eroplano. "I didn't know that the owner of the largest shipping lines and cargo vessels in the country hides a collection of airplanes. That's a bit weird." She chuckled.
She did some research about Ryker last night. Wala masyadong impormasyon ang nakita niya tungkol dito maliban sa business background nito. Doon niya nalaman na si Ryker Von Allmen ang chairman ng pinakamalaking shipping lines sa Pilipinas. Nag-ooperate ang shipping lines ng mga ito sa halos lahat ng sulok ng mundo kahit wala namang sulok ang mundo. Maraming mga pag-aari na cargo vessels din ang mga Von Allmen. Maliban sa shipping lines ay marami din stocks sa iba't ibang kompanya ang pamilya ni Ryker. Every business people were dying to be the chairman's ally.
"Yeah, that's really weird."
Napatingin siya rito dahil may lungkot sa tinig nito. Kinuha ni Ryker ang isa sa mga modelong eroplano sa estante at pinagmasdan ito na tila isa iyong diyamante.
"We own a huge shipping lines all over the world and yet here I am collecting airplanes." Ryker chuckled, "I love airplanes since I was a child but because I am a Von Allmen who owns a shipping lines, I was not allowed by my father to deal with anything related to planes. There was this time when I was in middle school, my mother bought me a toy plane. I was so happy that time because that was my very first toy airplane. When my Dad saw that toy he broke it into pieces in front of Mama and me. He said that the next time he will see things related to planes in his house, he will kick us out. That's the reason why I build this room in my house."
"So this is your secret huh?"
Ibinalik nito ang modelong eroplano sa dati nitong lagayan, he walked towards a cabinet with pictures in it. It was his pictures when he was a child.
"Is she your mom?" Nakita niya ang litrato ni Ryker kasama ang isang babae.
"Yeah, she's my mom. She's Ryka Marquez."
"Filipino?"
"Half Italian. My father is half Swiss and half Filipino. That makes me half Filipino, quarter Swiss and quarter Italian. But I'm considering myself Filipino because my mom raised me as one." Filipino pero panay ang English nito. Ano daw 'yon?
Napansin niyang may kakaiba sa mga pictures na nasa cabinet. Isa-isa niyang tiningnan ang lahat ng litrato at tama ang napansin niya.
"Bakit wala kang picture na kasama ang Dad mo?"
Natigilan ito sa tanong niya. Was that below the belt question? Agad naman siyang nag-isip ng ibang bagay para hindi na nito masagot ang tanong.
"You don't have to answer that question." She gave him a smile, trying to avoid her own question. "Gumagana ba ang—"
"Anak ako sa labas."
Napahinto sa ere ang kamay niya na dadamputin sana ang isang modelong eroplano. Tama ba ang narinig niyang sinabi ni Ryker? Baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Pero hindi siya maaaring magkamali dahil malinaw niyang narinig ang sinabi nito.
"Anak ka sa labas? Ibig mong sabihin..." Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Anak ako ni Dad sa dati nitong sekretarya. Wala na sanang balak si Mama na ipaalam ang tungkol sa akin sa aking ama. Tahimik na kaming namumuhay dito sa probinsiya nang isang araw may mga lalaking dumating sa bahay namin at kinuha ako. Walang nagawa si Mama dahil alam niya na mga tauhan ni Dad ang mga iyon. That's when I learned that my father searched the country to find mom just to give him an heir. Hindi sila magkaanak ng asawa nito kaya wala itong ibang choice kundi hanapin si Mama at maging paanakan pero nang malaman nito na nagkaanak pala sila noon ni Mama, kinuha niya ako at ipinakilala na anak nito sa buong mundo. Nagkahiwalay kami ni Mama at doon na nasira ang buhay at pangarap ko. Hindi matanggap ng asawa ni Dad na nagkaanak ito sa ibang babae kaya naghiwalay sila." Ryker paused for a second to glanced at her.
"He took my mother in his house to live with us. I was so happy that time because I will be living with Mama again. Just when I thought everything was fine, my father started to control me, my dreams and my life. Lagi nitong ipinapantakot na palalayasin si Mama kapag hindi ako sumunod sa kanya. Mama is my only ally in this world kaya sumunod ako sa kanya. I don't want my mother to get hurt but she already left me three years ago."
Kapwa sila tahimik nang huminto sa pagsasalita si Ryker. That was one hell of a revelation. She didn't expect that the man who's with him has a dark past. Akala niya katulad ito ng ibang mayayaman na easy go lucky sa buhay. Ryker is different. Alam niyang maraming itong pinagdaanan na hindi niya kailanman naranasan.
"I shouldn't have asked about that. I'm sorry," she said with guilt in her voice.
Masyado na siyang nanghihimasok sa buhay nito na hindi naman dapat.
"It's fine. We're here to know each other, might as well share my secrets with you. And besides, I heard that women don't like men with secrets. Kaya sinasabi ko na sa iyo ngayon ang mga sekreto ko." Napangiti siya sa sinabi nito.
"Talagang seryoso ka sa getting to know each other na yan. Manliligaw ka ba?" she kidded, trying to hide her kilig. Ayaw niya munang mahalata ni Ryker na gusto niya rin ito. Maybe this is not yet the right time and place.
"Pwede ba?"
Okay. Kinilig siya sa part na 'yon.
"I'll think about that but first show me how these things work." Tukoy niya sa mga RC model planes nito.
Malapad na ngiti ang itinugon nito saka kinuha ang isang RC plane.
Ryker maybe has a past that made him feel mad towards his father. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang may galit ito sa ama nito. Just like her.
Bakit naman kasi napa-control freak ng mga ama nila?
They belong to the World of the Controlled People.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...