WEEKS have passed and her mother hasn't woken up yet. Although stable na ito at wala na din ang blood clot na binabantayan ng mga doktor, hindi pa rin ito nagigising.Hindi pa rin nahuhuli si Vida pero hawak na ng mga pulis ang ama nito at kasalukuyang nakakulong. Binisita nila ito ng kanyang ama para kausapin sa kinaroroonan ni Vida. Sa kasamaang palad, hindi ito nagsasalita tungkol sa pinagtataguan ni Vida.
"Huwag mong hintayin na ang mga tauhan ko ang maghanap sa anak mo, Cesar. Dahil isa lang ang matitiyak ko sa iyo kapag nangyari iyon," bumaba sa lebel ng tenga ni Cesar ang kanyang ama para ibulong ang sunod nitong mga salita. "Baka hindi mo na siya masilayan na humihinga."
Dinig niya ang sinabing iyon ng ama dahil halos magkalapit lamang sila. Nanlaki din ang mga mata ni Cesar sa winika ng kanyang ama.
"It's your choice Cesar. Ituturo mo ang anak mo sa mga pulis o ang mga tauhan ko ang pupunta sa pinagtataguan niya ngayon at iparanas sa kanya ang ginawa niya kay Mara." Umayos ng tindig ang ama niya. "Bibigyan kita ng limang oras para ikanta sa mga pulis ang nangyari ng gabing iyon at kung saan mo tinatago ang tunay na gumawa nito kay Mara."
Napatayo siya sa kanyang kinauupuan nang tawagin ng ama ang pangalan niya.
"Limang oras lang, Cesar."
Pagkasabi ng kanyang ama ng mga katagang iyon ay naglakad na ito paalis. Siya naman ay hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa takot at pag-aalala na nabasa niya sa mukha ng kinilalang ama.
"Mirielle, let's go."
Nagmamadali siyang sumunod sa ama nang muli siyang tawagin.
Sa sasakyan ay hindi siya nakatiis na magtanong sa ama.
"Dad, do you really mean what you said earlier? Sasaktan mo ba talaga si Vida kapag nakita ito ng mga tauhan mo?"
Ngumiti sa kanya ang ama.
"Hindi ako ganoong klaseng tao, Mir. I wanted to do that to get our revenge to what happened to your mom but I am not like Cesar. At kung ganoon akong klaseng tao, sana ay noong isang araw pa naibalita sa TV na palutang-lutang sa ilog Pasig ang bangkay ni Vida." Humalakhak ang kanyang ama sa sarili nitong biro.
"What do you mean by that?" Napaisip siya sa sinabi nito.
Huminga ng malalim ang ama niya bago tumingin sa kanya.
"Noong isang araw ko pa alam kung nasaan si Vida."
Nagulat siya sa inamin ng ama. Ilang araw nang ngahahanap ang mga pulis sa kinaroroonan ni Vida pero hindi man lang sinabi ng ama niya. For wjat reason?
"And you didn't even bother to report to the police para mahuli na siya at mapagbayaran ang ginawa niya kay mommy?!"
"Vida is just an accessory to the crime, Mirielle. Ginamit siya ni Cesar para maisakatuparan ang plano nito and I want him to confess all of his sin. Hindi ko hahayaan na pagbayarin niya ang sarili niyang anak sa krimen na siya ang nagplano."
"Pero malinaw sa CCTV na si Vida ang tumulak kay mommy. She did it. She hurt mom."
"Yes, I know. She committed the crime but it's her father's plan. Alam ni Cesar ang tungkol sa CCTV noon pa at ginamit niya ang galit ni Vida sa mommy mo para maisakatuparan ang plano niya na mamatay ang mom mo na hindi nadudungisan ang kamay niya. In that way, madaling maililipat sa kanya ang lahat ng ari-arian ng mommy mo. May isang bagay lang siyang hindi naisip ng gabing iyon. "
Ngumisi ang kanyang ama na tila nanalo ito sa lotto.
"What is it, Dad?"
"Nakalimutan niya na bawat kwarto sa bahay ng mommy mo ay may naka-install na audio recorder as well as hidden camera. Kaya nairecord ang panglalason ni Cesar sa isip ni Vida para gawan ng masama ang mommy mo."
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...