32 - Lies Untold

2.9K 104 8
                                    

NAPAHIGPIT ang hawak ni Mirielle sa seatbelt nang tapakan ni Ryker ang gas para bumilis ang takbo ng kotse na sinasakyan nila. Kasalukuyan nilang sinusundan ang kotse ng ama ni Ryker ayon na rin sa sinabi ng stepmother nitong si Lilian. Naniniwala si Ryker na buhay pa nga ang kanyang ina at dadalhin sila ng ama nito sa kinaroroonan ng nito ngayon.

"Can't you slow down? Baka tayo maaksidente sa pagmamaneho mo." Bakas ang takot sa mukha niya habang nakapako ang tingin sa nasa unahan nila.

"Do you trust me?"

Kunot-noo siyang tumingin rito. Nakangisi ito kaya nabasa niya ang kapilyuhan sa isip nito.

"I trust you but not your driving skills so slow down."

Tumalima naman ito sa sinabi niya. Sakto naman na bumagal din ang takbo sinusundan nilang sasakyan ng ama nito. Lumiko ito sa kaliwa kung saan maraming mga puno na makikita. They're outside Manila at sa pagkakaalam niya ay nasa Batangas sila. Medyo dumidilim na din ang paligid dahil malapit nang sumapit ang gabi.

Ryker stopped the car as they entered the road. Sinuri nito ang lugar. May iilang kabahayan sa lugar na iyon at ang kalsada na tinahak ng kotse ng ama nito ay isang lugar lamang ang tutunguhan. A big white house was at the end of the road.

May nakita silang ginang na may dalang isang basket ng mga gulay na patungo sa kinaroroonan nila or should she say dadaan sa kinaroroonan nila.

"Manang, mawalang galang na po. Maaari po bang magtanong?" magalang ka tanong ni Ryker sa ginang.

Tumango ito bilang tugon.

"Sino ho nakatira sa bahay na iyon?" Tinuro ni Ryker ang puting bahay sa dulo ng kalsada.

"Ah.. iyong malaking bahay ba na iyon?" the woman asked pertaining to the huge white house.

Ryker nodded.

"Sina mam Ryka at sir Rivan ang nakatira doon pero madalas umaalis si sir Rivan dahil sa negosyo daw nito sa Maynila. Sa katunayan, naroon sa malaking bahay ngayon si sir Rivan bukas ng umaga ay aalis na ulit ito pabalik ng Maynila. Naiiwan lamang doon si mam Ryka kasama anak nito."

Natigilan si Ryker sa sinabi ng babae.

"Anak?"

"Oo, may anak sina mam Ryka at sir Rivan. Napakaganda ngang bata ni Kari." Sandaling natigilan ang ginang at napatitig sa mukha ni Ryker. "Kamag-anak ka ba nila? Kamukha mo kasi si Kari."

Mas lalong napuno ng katanungan ang isipan ni Ryker sa mga sinabi ng ginang. Bigla na lamang itong natahimik at napadako ang tingin sa malaking bahay.

"Medyo naliligaw lang po kami. Mali po yata ang napasukan naming kalsada. Salamat po, manang," aniya saka isinara ang bintana ng kotse.

Agad namang umalis ang ginang pagkasabi niya na naliligaw sa kanila. Ngunit bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa pagkakahawig ni Ryker sa sinasabi nitong si Kari.

Pinagmasdan naman niya si Ryker na nakapako ang tingin sa bahay na kinaroonan ng kanyang ina.

"I need to see her. She has lots of things to explain." Naguguluhang wika ni Ryker. "Sino si Kari? Paanong nagkaanak ulit sila ng hayop na iyon kung noong una pa lang ay ginahasa na si Mama ng ama ko?"

Hinuli niya ang kamay ni Ryker at marahan itong pinisil.

"Naroon pa ang ama mo baka mas lalong gumulo ang lahat kapag nalaman niya na alam mo na ang kinaroroonan ng iyong ina. Maghintay tayo na umalis ang iyong ama. Sabi ni manang ay bukas ng umaga ay babalik na sa Maynila ay iyong ama."

Nahampas ni Ryker ang manibela sa sobrang inis. Hindi na lamang siya umimik pa para kumalma ito. Ilang sandali nga lang ay pinaandar nito ang kotse at bumalik sila sa highway. Tinatahak na nila ngayon ang daan patungo sa bayan.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon