NAKANGUSO na humarap sa full body length mirror sa kanyang silid. Ayaw niyang sumama sa auction ball na pupuntahan ng ama pero pinilit siya nito dahil nais din daw nito na makilala siya ng lahat bilang anak niya at hindi ni Cesar. His father's reason is valid, it her own reason that is not.
Ayaw niyang magtungo doon dahil alam niyang naroon din si Ryker. Ayaw na niya itong makira dahil sa tuwing nakikita niya ito nakakalimutan niya ang galit rito. Pakiramdam niya ay may kasalann siya rito. Hindi niya pinakinggan ang paliwanag nito noon.
"You look lovely and yummy on that dress."
Tiningnan niya ng masama si Francin. Hindi ito makakasama sa auction dahil sa kambal kaya naman sigurado siya na wala siyang makakakwentuhan doon. Nakikita na niya ang posibleng mangyari sa auction na iyon.
"Do I look like a food to be yummy?" Muli siyang umikot para makita ang kabuuan sa salamin.
She's wearing a red sequined sparkling sexy backless cocktail evening long gown that reveals her bare back and shows her sexy curves especially her hips. She's sexy on that gown. Isa iyon sa mga nagustuhan niya sa mga gowns na pinadala ng isang kilalang fashion designer. May tatlo pa siyang gown na sinukat ngunit ito lamang ang nagustuhan niya. Tamang-tama ito para mang-akit.
Wait! Mang-akit? Sinong aakitin ko?
Ipinilig niya ang ulo para alisin sa isipan ang pang-aakit na iyon. Pero sa likod ng kanyang isipan ay naroon ang imahe ni Ryker. This is not right!
Don't commit the same mistake twice, Mirielle. Saway niya sa isipan. Don't be his mistress for the second time. Ikakasal na siya!
She rested her thoughts and focused on herself. Naupo siya sa harap ng vanity mirror at hinayaan ang kanyang make-up artist sa trabaho nito.
FLASHES of cameras greeted her as she came out of her brand new Ferrari. Yes, she used her Ferrari. The condition she asked her father in exchange of her presence in the auction.
Hindi naman siya artista pero kung magkislapan ang mga camera sa harap niya ay para siyang isang sikat na Hollywood star. Mabuti na lang to the rescue ang mga bodyguards niya. Pumalibot ang mga ito sa kanya hanggang sa makapasok siya sa hotel na pinaggaganapan ng auction.
Hindi niya kasabay ang ama dahil sa mga business people ito nakasama samantalan siya ay nakalista sa mga bisita.
She scanned the hall for a familiar face and she spotted Tracey wearing a blue night gown. Nakita siya nito kaya agad itong lumapit sa kanya.
"I didn't know you would come. Who's with you?" Sinilip nito ang likuran niya.
"I came with my Dad pero nasa kabilang hall pa siya kausap ang ibang mga business men."
Tumango si Tracey saka siya sinabayan sa paglalakad patungo sa reserved seat nilang mag-ama. Nang marating ang table ay agad silang naupo at uminom ng wine na naroon.
"I'm so excited to meet your Dad. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na Daddy mo ang may-ari ng isa sa mga mamahaling brand sa mundo." Naikwento niya kasi kay Tracey ang tunay na dahilan ng kanyang pag-alis patungong Switzerland.
"Noong una hindi rin ako makapaniwala pero unti-unti natanggap ko na ang katotohanan na isa talaga akong elite." Kinindatan niya si Tracey.
Inilibot niya muli ang paningin at nahagip ng mga mata niya si Angelique. She's wearing a very revealing dress na parang kinulang sa tela.
Nakita rin siya nito ngunit inirapan lang siya. Siya naman ay itinaas ang wine glass para makipagtoast dito sa hangin pero ang totoo ay para asarin ito lalo.
"Akala ko ba sa kabilang hall ang mga business men. Anong ginagawa niya rito?" Sinundan niya ang tinitingnan ni Tracey.
Nakita niya sa bungad ng hall si Ryker na nakaputi ng tuxedo at napaka-neat ng mukha nito. Wala na ang beard and mustache nito na nakita niya noong nakaraang araw. Napakalinis ng gwapo nitong mukha kaya naman nagwawala na naman ang puso niya.
Napaayos siya ng upo nang magtama ang kanilang mga mata. Their eyes met and locked for a minute. She can feel her heart wanting to explode as he locked his eyes on her.
It's been a year since the last time his eyes were fixed on her like this. The only difference is that his eyes now were emotionless. She couldn't see even hatred or sadness.
Nawala ang pagkakatitig nito sa kanya nang may babaeng lumapit dito. The woman looks young and beautiful.
Masakit sa mata ang paglalandian ng mga ito kaya binalingan na lang niya ang kanyang iniinom na wine.
"Is that Axel am seeing right now?"
Napatingin siya sa direksiyon ng tinitingnan ni Tracey. A man with eyeglasses who wears black tuxedo was busy talking to other men. She looked intently at the guy. She gaped when she realized it was really Axel.
"What is he doing here?" Naiinis niyang tanong.
Sinadya niya na sa ibang direksiyon tumingin oara hindi magtagpo ang kanilang mga landas.
"Ang alam ko ay naimbitahan siya rito dahil sa negosyo niya abroad. I think it's a condominium business or something. I'm not sure."
Kaya naman pala nandito ito. Mukhang hindi maganda na umuwi siya ng Pilipinas. It seems like her past were haunting her.
"Cielo? Is that you?"
Hindi niya alam kung haharapin at kakausapin niya ang lalaking lumapit sa kanya. Until now, hindi pa rin niya ito napapatawad sa nagawa. Wala na siyang nagawa nang maupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya.
She secretly cursed that night.
"It's been a long time. How have you been?" Magiliw nitong tanong na parang walang atraso sa kanya.
Humarap siya rito at pilit na ngumiti.
"I'm perfectly fine, Axel. You can go to your table now because as you can see, this is our spot and I don't want any stranger in here." She said politely as possible.
"Matagal tayong hindi nagkita tapos ganyan lang ang sasabihin mo sa akin? C'mon, I am still your first boyfriend—"
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil may sumagi sa braso niya dahilan para mataponang wine na iniinom sa coat ni Axel. Mabilis itong napatayo at masama ang tingin na ipinukol sa kanya.
"Are you that mad to spill that wine on me?! F*ck! I need to change!" Galit itong nagmartsa paalis sa mesa nila.
Sila naman ni Tracey ay napatanga habang sinsundan ng tingin ang papalayong si Axel. Hindi nila inaasahan ang nangyari. Somebody intently bumped her arm so that her wine would spill to Axel.
Inilibot niya ang paningin sa paligid para hanapin ang sumagi sa kanya. Lahat ay abala sa kani-kanilang buhay except for one person standing near their table.
It's Ryker, sipping his wine while talking to a guy.
Ito kaya ang may gawa no'n? Bakit naman nito gagawin ang bagay na 'yon? Imposible! Ibang tao siguro ang nakasagi sa kanya. Pero imposible din ang bagay na iyon dahil napakalaki ng hall para magsiksikan at magkasagian.
Ibinalik niya ang tingin kay Ryker at nagtama ang kanilang mga mata. Nasagot lahat ng katanungan niya nang ngumisi itonat itinaas ang baso ng wine para sa toast.
Kinunutan niya ito ng kilay saka inalis ang tingin rito. Nagwawala na naman kasi ang puso niya na hindi naman dapat nangyayari.
Her heart still beats for him and only him. This is not what her expecting.
Her heart has a mind of her own because it doesn't follow her brain. She needs to be more careful now.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...