10 - Avoid The Feeling

3K 122 2
                                    


 
 
 
HALOS magdamag na gising si Cielo dahil sa sinabi ni Ryker sa kanya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. She should be happy because their feelings were mutual. They both like each other. But she's a little worried dahil hindi pa nila kilala ang isa't isa.

Maybe a get to know each other moments won't be bad. Sinang-ayunan naman niya ang naisip. Pwede nilang kilalanin ang isa't isa habang nasa mansion sila. The sad part is that, she's planning to move out. Hindi naman pwede na manatili siya sa bahay ni Ryker lalo na at hindi naman sila magkaanu-ano.

Then put a label on it or go to the next level of relationship. Gusto niyang tuktukan ang sarili sa naisip na iyon. That idea is so absurd.

Ciel blew out a sigh and went off the bed. Kailangan niyang harapin ang lalaking umamin sa kanya kagabi. Kailangan niya na rin maghanap ng matutuluyan malibannsa mansion ni Ryker.

Nagshower lang siya saka nagbihis. Ibabalik niya sana ang mga damit na binili nito pero sayang naman. Magaganda at mukhang bagay sa kanya. Pinili niya ang isang floral sun dress that lays just above her knees. Not bad.

"May taste din naman pala sa damit ang loko."

She couldn't help but smile when she saw her reflection on the whole body mirror. Pinares niya ang binili niyang floral slippers. Parang magbebeach lang ang peg which is bagay sa panahon ngayon dahil summer.

Paglabas niya ng silid ay sakto din na lumabas ng silid si Ryker. Their rooms were not adjacent neither across the hall. Nasa dulo kasi ng hallway ang master's bedroom habang ang guest na kung tawagin ay green room ay nasa may hagdan. Dalawang dalawang silid ang layo ng silid nilang dalawa.

"Good morning." Nakangiti nitong bati sa kanya.

Mukhang maganda ang gising ng loko ah. Abot-tenga ang ngiti.

"Good morning. Salamat sa dress, bagay ba?" Umikot siya para ipakita rito ang kabuuan ng damit na suot.

Mas lalo namang lumapad ang ngiti nito na hindi nakaligtas sa paningin niya. Tama ba yong nakita niya? Did he just bit his lower lip while looking at her?

"You look gorgeous as always, Cielo."

Sh*t! Puso niya ba 'yong naririnig niyang kumakabog? Paano nagagawa ni Ryker na pabilisin ang tibok ng puso niya?

"Thank you, Ryker. That's a nice word to start my day." She grinned at him.

Naririnig kaya nito ang puso niya? Katulad nga kaya ito ng naramdaman niya kay Axel noon? Naalala na naman niya ang lalaking 'yon.

Nagtungo silang dalawa sa dining area kung saan nakahain na ang kanilang breakfast. Naupo silang dalawa saka tahimik na kumain.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay nagsalita si Ryker.

"Ayaw mo bang pag-usapan ang nangyari kagabi?"

Pinandilatan niya si Ryker dahil hindi ito nag-iingat sa mga salita. May kasama silang katulong sa dining area, baka kung ano ang isipin ng mga ito sa sinabi ni Ryker.

"Wala namang nangyari kagabi na dapat pag-usapan maliban sa inamin mo ang nararamdaman mo sa akin. Wala akong magagawa kung gusto mo ako, Ryker. The question here is do you want me to feel the same way or do you want me to stay away?"

Kinunutan siya nito ng noo." What do you mean by that?"

"Narinig kita na may kausap ka sa cellphone mo kagabi bago ako pumasok sa silid mo. Hindi ko naman sinasadya na marinig ang mga sinabi mo pero base sa narinig ko you are in a complicated situation right now. You said that you're in hell making friends with Satan. I don't know what that means but if your in a mess right now, don't drag me with you because I have my own mess to clean." Isinubo niya ang huling kutsara ng pagkain saka uminom ng tubig.

She accidentally heard Ryker talking to someone on his phone last night. Based on the tone of his voice, she can tell that he was stressed and angry. Siguro kailangan pa niyang kilalanin ang lalaki.

Umahon siya sa kinauupuan dahil tapos na siyang kumain.

"Lalabas ako ngayon para maghanap ng bahay na matitirhan." Hindi naman sa nagpapaalam siya rito. Gusto lang niyang ipaalam ang balak niya bago pa may damdamin na lumalim.

Wala naman siyang narinig na tugon mula rito kaya umalis na siya sa hapag kainan.

She shuffled back to her room to get her bag and to put on a light makeup.

"You're leaving."

Tiningnan niya sa kanyang vanity mirror ang repleksyon ni Ryker na nakatayo sa pinto ng silid. Sumunod pala ito sa kanya. Nakasandal ito sa hambang pinto at nasa bulsa ng suot na cargo shorts ang mga kamay.

"Kakasabi ko lang 'di ba? Aalis ako para maghanap ng bahay. I can't stay here forever, Ryker. You know that." She combed her hair and tied it back. Nag-spray lang siya ng pabango saka umalis sa harap ng vanity mirror.

"You can stay here as long as you want, Cielo. This house is too big for me."

Nginitian niya si Ryker. "That's so kind of you, Ryker. Pero hindi ba parang hindi magandang tingnan na magkasama tayo sa iisang bahay na wala naman tayong kahit na anong relasyon. We're both stranger to each other."

"Let's know each other then." Ngumisi ito na tila may magandang bagay na naisip.

She chuckled. Talagang gagawa ito ng paraan para hindi siya umalis sa bahay nito. She admire how Ryker wanted her to stay.

"And how will you do that?"

"Let's spend time with each other."

Sang-ayon naman siya sa sinabi nito. Makikilala nga nila ang isa't isa kung lagi silang magkasama. They will know what each other's likes and dislikes.

Ngunit may isang bagay na pumasok sa isip niya na gusto niyang malaman noong unang beses na tumapak siya sa silid ni Ryker. The door inside his closet, she wants to know what's behind that door.

"I agree to that." Nginisian niya ito. "But let's start with the door inside your closet. What's behind that door, Ryker?"

Ryker was stunned at her question. Matagal ito bago nakaimik ngunit nang matauhan ay napangiti na lang ito.

"Come with me." Nakangiti nitong wika saka naunang maglakad patungo sa silid nito.

She can't help smiling while staring at his back. She's now looking at the man who chose to open his secret to her. She felt special in some way.

Pinagkakatiwalaan siya nito at natututunan na din niya itong pagkatiwalaan. I like him.

Napangiti siya sa pag-amin sa sarili ng nararamdaman para kay Ryker.

"Why are you still standing there? Ayaw mo bang malaman kung ano ang tinatago ko sa likod ng pinto na iyon?"

Napakurap siya, hindi pala siya gumagalaw sa kinatatayuan at nakatingin lamang kay Ryker.

"Susunod na po," aniya na may ngiti sa mga labi.
 
 
 
 
 
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Keep on supporting my stories.
Thank you.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon