2 - A New Day

5.1K 137 1
                                    


 
 
 
SUMALUBONG kay Cielo Mari ang init ng araw nang bumaba siya ng bus na sinakyan patungong Mindoro. Ngayon niya ay narito na siya sa lugar na sinabi ni Tracey. All she has to do is to look for that woman.

Sabi ni Tracey sa text ay hihintayin daw siya ni Francin sa babaan ng mga pasahero. Inikot niya ang paningin sa lugar na kinaroroonan. Nasa gilid siya ng kalsada at palinga-linga para hanapin ang kamukha ng babae na nasa picture na hawak niya.

She looked around her until her eyes landed on the woman who had just gotten off a tricycle. Nakita siya nito at nang makilala siguro siya ay agad itong kumaway.

Napailing siya rito. She's late.

Tumawid siya upang makarating sa kinaroroonan ni Francin.

"Ikaw ba si Cielo Mari?" Tumango siya rito. "Ako si Francin. Inihabilin ka sa akin ni Mam Tracey. Halika na."

Kinuha nito sa kanya amg dalang bag at hinila siya pasakay sa tricycle. May sinabi si Francin na lugar sa driver bago ito tumalilis ng andar.

Nakarating sila sa isang barangay na malayo sa bayan. Ngayon siya naniniwala na nasa probinsiya nga talaga siya.

"Narito na tayo." Huminto ang tricycle sa tapat ng isang malaking bahay. "Baba na."

Bumaba naman siya at pinasadahan ng tingin ang malaking bahay na hinintuan nila.

"Kaninong bahay ito? Sa inyo ba ito?" Di hamak na mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay nila sa subdivision sa Manila.

"How I wish!" Francin exclaimed. "Ito ang magiging bahay mo. Pumasok na tayo dahil kanina pa tayo hinihintay ni Manang Devi."

Bahay niya ang malaking mansiyon na ito? Seryoso ba si Francin? Napakayaman naman ni Tracey para bigyan siya ng bahay na ganito kalaki. Nakakalula sa laki.

Mas lalo siyang nalula nang makapasok sila sa loob ng kabahayan. Mula sa main door ay sumalubong sa kanya ang napakalawak na hallway kung saan may mga naka-hang na paintings. Hindi niya kilala ang mga paintings pero magaganda ang mga ito. Mula sa malawak na hallway ay kumaliwa sila at nadaanan nila ang isang conversation pit na mas mababa ang level sa sahig. Pagkalampas doon ay pumasok sila sa isang hallway na patungo sa dining area na halos mamahalin ang mga kubyertos na nasa mesa maging ang chandelier. Dumiretso sila ni Francin patungo sa kitchen kung saan mahihiya ang mga langgam at langaw na tumambay dahil sa sobrang linis. Pumasok sila sa isa pang hallway mula sa kusina at dinala sila nito amsa isang malawak na silid. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa dirty kitchen sila ng mansion.

May isang babae na sumalubong sa kanila. Nasa katanghalian na ang edad nito at mukhang masungit ito ayon sa mga tingin nitong ipinukol sa kanila ni Francin.

"Mabuti naman at narito na kayo. Bakit ba ang tagal ninyo?" Naiinis nitong tanong. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito sa kanila ni Francin kaya hindi na lang siya umimik. "Ito na ba iyong sinasabi mo na bagong katulong, Francin?"

"Opo, manang. Siya po si—"

"Ciel. Ako si Ciel." Pinutol niya ang pagsasalita ni Francin dahil ayaw niya na may ibang makaalam ng tunay niyang pagkatao. Baka mahanap siya ng mga magulang kapag may ibang nakaalam sa buo niyang pangalan.

Tumaas ang isang kilay ng ginang sa kanya. Tila hindi ito naniniwala sa kanya kaya tinabig niya ang balikat ni Francin para saklolohan siya.

"Siya po si Ciel, manang. Mariciel Del Mundo."

Nginitian niya si Francin para pasalamatan ito sa pagtatakip sa tunay niyang pangalan.

"Oh siya sige na. Ciel na kung Ciel. Ako si Manang Devi, ang mayordoma at caretaker ng bahay na ito. Dalhin mo siya sa kwarto ninyo, Francin. Ibigay mo na din ang uniporme niya. Kailangan ko kayo sa ikalawang palapag para maglinis. Paparating na si sir Ryker mamayang gabi kaya kailangang maging malinis ang buong bahay." Umalis na ang ginang pagkasabi non.

Sila naman ay nagtungo sa maid's quarter.

"Hindi naman ako ininform ni Tracey na katulong pala ang magiging trabaho ko dito," reklamo niya habang nagbibihis ng uniporme ng katulong.

"Ang totoo hindi alam ni Tracey na katulong ang trabaho na nahanap ko para sa iyo. Ang sinabi lang naman kasi ni Tracey ay ihanap kita ng trabaho dahil kailangan mo kaya ito. Huwag kang mag-alala, maayos magpasweldo ang may-ari ng bahay na ito. Kailangan lang ay maayos ang trabaho mo." Saglit na huminto si Francin at tumingin sa kanya. "Anak ka ng mga Del Noche 'di ba? Ibig sabihin, mayaman ka. Teka, marunong ka ba ng mga gawaing bahay?"

She smirked at her. "You don't know how much I hate living that life. Inaral ko ang lahat ng gawaing bahay para sa araw na ito kaya wala kang problema sa akin."

Iniwan niya si Francin na nagbibihis pa. Dumiretso na siya sa ikalawang palapag para hanapin si Manang Devi. Nakita niya ito na nagpapalit ng mga kobrekama sa isa sa mga silid.

"Manang, saan po ako maglilinis?" pukaw niya rito.

Napapitlag ito sa gulat kaya pinanlisikan siya nito.

"Dios mio kang bata ka! Papatayin mo ako sa gulat." Sapo nito ang dibdib nang humarap sa kanya. "Doon ka sa master's bedroom. Pangalawang pinto sa kanan."

Kinindatan niya ang ginang saka nagtungo sa silid na tinutukoy nito.

Tinulak niya pabukas ang pinto. Her jaw dropped when she saw the inside. The room was like a house inside a house. May dining area sa sulok at may  small kitchen adjacent rito. Mayroon ding entertainment area kung saan may malaking TV at mga kung anu-ano pang aparato para sa music. Sa isang sulok naman ay naroon ang king size bed na halos kasya ang limang tao sa laki nito.

"Wow!" she exclaimed in amusement. "Ang gara naman nito. Ikaapat lang yata nito ang kwarto ko sa bahay."

Buong paghanga niyang nilinis ang bawat bahagi ng silid. Mula sa mga mamahaling muwebles, sa mga silya, couch, mesa, cabinet, frames, TV, vases at bintana. Ultimo kasuluk-sulokan ng kama ay nilinis niya para hindi mapahiya sa may-ari ng bahay.

Mahigit dalawang oras din pala ang ginugol niya sa paglilinis. Nakontento naman siya sa kanyang ginawang paglilinis dahil kulang na lang ay shining effects para masabi na sobrang linis na ng silid.

Lalabas na sana siya nang may mapansing bahagi ng silid na hindi pa niya nalilinisan.

"Muntik ko nang makalimutan ang walk-in closet."

Nakangiti siyang naglakad patungo sa walk-in closet. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang sandamakmak na mga damit. Karamihan sa mga ito ay pangpormal.

Sinimulan niyang ayusin ang cabinet na may mga naka-hanger na suit. She was busy removing dust on each suit when she noticed a door like shape behind the suits.

Hinawi niya ang mga suit para makita ng malinaw ang pinto. Marahan niya itong itinulak.

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may kamay na pumigil sa kamay niya buksan ang pinto.

"Tu chi sei?" Who are you?

 
 
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Thank you for reading.

Keep on voting.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon