6 - Cielo The Slut

4.1K 126 2
                                    



PARANG nakawalang ibon si Ciel nang ipaalam ni Ryker sa lahat ng tao sa bahay ang tunay niyang pagkatao. Noong una ay natakot siya dahil baka may magsumbong sa mga pulis na narito siya sa probinsya at makarating sa mga magulang niya. That would be the end of her freedom. But Ryker made sure na walang magsusumbong sa mga ito. How?

Sinabi lang naman nito na siya ay anak ng kasosyo nito sa negosyo at narito lamang siya sa probinsya para mabuhay ng simple. Ryker also said that pretending to be his maid was part of my living a simple life goal.

So that's it. She's not a maid now just what Ryker said,she will lived as her inside his house. And it means that she will be the free and happy Cielo Mari that she ever wanted. Wala ang kanyang Daddy na magsasabi ng dapat na siya in front of other people. Wala ang Daddy niya na sisitahin lahat ng kilos niya. Wala ang Daddy niya na magsasabi kung paano siya magsasalita. And most importantly wala ang Mommy niya na hindi siya pinagtatanggol sa Daddy niya. Sunod-sunuran lamang ito sa asawa nito na ginagawa silang mga robot.

She hates her Dad but she hates her Mom more than her Dad. They had all the chances to escape from the life her father was giving them but her mom always refused to give her freedom. That's why she hates her.

"Get ready. We'll be leaving in 15 minutes."

Napalingon siya kay Ryker na kabababa lamang mula sa second floor. Nakasuot ito ng pants at polo shirt na semi-fitted sa kaatawan nito. Nakakalaglag panty na naman ang kagwapuhan nito.

"Saan tayo pupunta?" Iniwas niya kaagad ang tingin nang tumingin ito sa kanya. Baka mahuli siya nitong nakatingin sa katawan nito.

"We will do some shopping."

"Bakit kasama pa ako?"

Ngumiti ito saka kinuha ang susi ng kotse sa key bowl.

"Kailangan ko ng taga-bitbit," wika nito saka naglakad oalabas ng kabahayan.

"Akala ko ba hindi na ako maid dito sa bahay mo?" Habol niyang sigaw rito pero sinenyasan lamang siya nito na bilisan niya.

Kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa maid's quarter para magpalit ng damit. Ngunit nang buksan niya ang kanyang backpack ay isang pares ng damit lamang ang naroon which was the one she was wearing when she came in Mindoro.

It was a skinny ripped jeans revealing her thighs because of the ripped part and a cropped top showing her navel. Wala siyang ibang choice kundi iyon. Tamang-tama ang pagsama sa kanya ni Ryker sa pag shopping. Mamimili siya ng mga damit niya.

Nanghiram siya ng handbag kay Francin para paglagyan ng kanyang mga alahas na ibebenta. She needs money to buy things kaya kailangan na niyang ibenta ang mga mahal na mahal niyang mga alahas.

Nagsuot na lamang siya ng doll shoes na pinahiram ng isang maid. Agad siyang nagtungo sa garage kung saan naghihintay si Ryker. Abala ito sa pagdutdot ng cellphone nitong mamahalin kaya hindi napansin ang kanyang paglapit.

"Let's go."

Napaangat ito ng tingin at nangunot ang noo nito nang makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Are you really going out like that?" tanong nito.

Napatingin naman siya sa repleksyon niya sa bintana ng kotse nitong mamahalin din.

"What's wrong? Okay naman ang suot ko ah." Umikot pa siya para makita ang kabuuan. "Tamang-tama ang pagiging alalay ko sa pag shopping mo, mamimili din ako ng mga damit ko."

Napailing na lamang ito saka sumakay sa kotse. Siya naman ay mabilis na pumwesto sa front passenger seat.

Habang nasa byahe ay nakita niya ang ganda ng lugar na kinaroroonan nila. Ibang-iba ito sa Maynila na napakaraming tao at sasakyan. Dito ay madalang ang mga sasakyan at ang mga tao ay di nawawala ang mga ngiti sa mga labi. Napakapresko din ng hangin na nalalanghap niya. Hindi mo na kailangang ng aircon sa sasakyan.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon