13 - Suzanne Robles

2.8K 96 0
                                    

"SIGURADO KA NA BA SA DESISYON MO, CIEL?" Pang-limang beses na yata itong tanong sa kanya ni Francin habang nag-eempake siya ng mga gamit.

Kanina pa kasi ito nakabuntot sa bawat galaw niya. Kulang na lang ay ibalik nito sa closet ang mga gamit niya para hindi siya makaalis.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo? May ginawa na naman ba sa iyo si sir Ryker?"

Tiningnan niya si Francin, agad naman itong tumigil sa pagtatanong.

"Francin, sa kabilang barangay lang ako lilipat hindi sa ibang planeta. Magkikita at magkikita pa rin tayo. Saka bakit ba lagi mong iniisip na may ginawa sa akin si Ryker? Ryker is a nice guy, okay?"

"Alam ko namang mabait si sir kaya lang kasi..."

Napansin niya na balisa si Francin na tila may nais na sabihin ngunit hindi nito masabi.

"What is it, Francin? Is there something you want to tell me?"

Umupo si Francin sa gilid ng kama niya saka malalim na bumuntong hininga at tumingin sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mga tingin nito kaya nagtaka siya.

Nakakapanibago si Francin ngayon.

"I have no powers to read your mind so better tell me what's bothering you."

Muling nagpakawala ng buntong hininga si Francin.

"Isa pang buntong hininga mo d'yan, tatamaan ka na," pagbabanta niya rito, hindi pa kasi sabihin kung anong gumugulo sa isip nito.

"Eh, kasi 'yong boyfriend ko, si Miguel..."

"Oh?!" gulat siyang tumingin rito, "May boyfriend ka?"

Tiningnan siya nito ng masama.

"Sabi ko nga may boyfriend ka. Oh anong problema sa boyfriend mo?" Umupo siya sa tabi nito.

Francin is two years younger than her and that makes her the 'ate'. Bilang ate tungkulin niya na damayan ito sa kung ano man ang pinagdadaanan nito.

"May asawa na pala siya." Pumalahaw ng iyak si Francin pagkasabi non.

Siya naman ay hindi agad nakaimik dahil inuunawa pa ng utak niya ang sinabi nito.

"Kabit ka, Francin?!" She blurted out, making Francin frown at her.

"Hindi ko alam na kasal na siya. Nalaman ko lang kahapon nang sugurin ako nong asawa niya sa bahay. Nakakahiya sa mga kapitbahay namin. Galit na galit din ang tatay at nanay sa akin." Lumungkot ang mukha ni Francin. "Pinalayas ako ni tatay kaya itong mansyon lang ni sir Ryker ang matatakbuhan ko tapos aalis ka pa."

She let out a sigh.

"Bakit ba naman kasi pumatol ka sa may asawa?"

Francin looked at her, frustrated.

"Hindi ko nga alam na may asawa na ang gagong 'yon. Ang sabi niya ay wala siyang sabit. Katangahan ko naman nagpadala ako sa kalandian ng hayop na 'yon!" Humihikbing wika ni Francin.

"Mabuti na lang nalaman mo ng mas maaga ang tungkol sa asawa niya."

Nagulat siya ng biglang pumalahaw ng iyak si Francin.

"Yon na nga ang problema ko at dahilan kaya pinalayas ako ni tatay. Buntis ako at ang Miguel na 'yon ang ama!" Hindi na niya ito pinigilan nang mas lalo pang umiyak.

Niyakap na lamang niya ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.

"Nariyan na 'yan, Francin. Kasalanan sa Diyos kapag ipinalaglag mo 'yan," aniya habang hinihimas ang likod nito.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon