30 - Unexpected Visitor

2.7K 105 5
                                    

  
  
   
   
NAGISING si Mirielle sa tunog nang pumapatak na tubig sa sahig. Bumangon siya at hindi na siya nagulat nang makita kung nasaan siya. Nakatulog nga pala siya sa kwarto ni Ryker at katabi niya ito buong magdamag. Nothing happened except for the cuddles all night.

Hindi na niya inabala ang lalaki na naliligo sa loob ng banyo, nagtungo siya sa kwarto niya para magshower na rin.

It took her almost an hour bago natapos sa kanyang morning routine. Syempre maraming kaartehan sa katawan. Mabuti na lang naibili siya ng mga gamit sa katawan ng kasambahay ni Ryker. Hindi pa rin kasi siya nito pinapabalik sa Manila. Hindi na din siy nag-abala na tingnan ang cellphone niya dahil alam naman niyang walang signal sa lugar na ito.

Lumabas siya ng silid. Sumalubong naman kaagad sa kanya ang mabangong amoy ng pinipritong tuyo at sinangag na kanin na may luya. Bigla siyang nakaramdamn ng gutom.

Nagtungo siya sa kusina para batiin si manang ng magandang umaga.

"Magandang umaga, manang!" hiyaw niya s bungad pa lamang ng komedor. Dumiretso siya sa island table kung saan nakahain ang mga pagkain. "Mukhang masarap po ang niluluto ninyo ah."

Dumampot siya ng isang piraso ng hiniwa na kamatis, sinubo ito at nginuya ngunit nahinto ang bibig niya sa ginagawa nang mapadako ang tingin sa tapat ng lutuan. Nakatayo roon si Ryker hawak ang isang plato na may sunny side up na itlog at sa isang kamay ay hawak nito ang siyanse. Nakangiti ito sa kanya.

Ang gwapo! Hiyaw ng kanyang isipan habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Ryker.

"Breakfast is ready. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya niluto ko na lang kung ano ang usual na niluluto ni manang sa akin. Do you want rice or not?"

Nilapag nito sa mesa ang hawak na plato.

"I want rice.." halos bulong na lamang niyang wika dahil hindi pa rin maalis ang tingin niya rito.

Agad naman siyang ipinagsandok ni Ryker ng kanin. Nakamasid siya sa kilos nito na tila isang milagro na makita itong nagluluto at pinagsisilbihan siya.

"Dagdagan mo pa," aniya nang mapansin na kaunti ang inilagay nito na kanin sa plato niya.

"Aren't you on a diet?" Nagtataka nitong tanong habang dinadagdagan ang kanin niya.

"No, I'm not." Umupo siya sa isang stool at hinintay na ilapag ni Ryker ang pinggan ng kanin sa harap niya.

Naakagat siya ng labi nang ilapag pa ni Ryker ang iba nitong inihanda para sa almusal. Mayroong kinilaw na pako, pritong bangus, itlog, hotdog, vegetable salad, tuyo at hiniwa na kamatis. Lahat ng mga ito ay sariwa.

"Let's eat." Pagkaupo ni Ryker ay agad siyang kumuha ng kinilaw na pako at tuyo.

"Dahan-dahan baka ka masamid." Ipinaglagay siya nito ng tubig sa baso.

Pagkatapos nila kumain ay niyaya siya ni Ryker sa taniman.

"You'll need this." Inabot nito sa kanya ang isang malapad na sumbrero.

Tinanggap niya ito at inayos ang suot na ankle pants at t-shirt.

Lulan ng pick-up truck nito ay tinahak nila ang daan patungo sa taniman. Napahanga siya sa lawak ng lugar at sa mga pananim na nakatanim doon. Ang una nilang nadaanan ay ang taniman ng mga nagtataasang mga niyog sumunod ay ang palayan na napakalawak at napakaganda  dahil sa berde nitong mga dahon.

Huminto ang sasakyan ni Ryker sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

"Nandito na tayo," anunsiyo nito saka bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon