ILANG beses siyang sinubukang kausapin ni Ryker pero hindi niya ito hinaharap. He even used Francin but it didn't work on her. She's way smarter now."Bakit ba hindi mo muna pakinggan ang paliwanag niya?" Francin was busy helping her packed her things.
She decided to go back to her f*cked up life with her parents than to deal with Ryker's lies.
"Para saan pa? Para magpaloko ulit?" Tiningnan niya si Francin na walang emosyon. "You should know how I am feeling right now because you've been in the same situation like mine. Alam mo ang pakiramdam na maging isang kabet because that was me few days ago."
Napabuntong hininga na lang si Francin.
"Alam ko ang pakiramdam. Alam kong masakit pero hindi naman maaalis ng pag-iwas mo 'yong sakit na nararamdaman mo ngayon."
"Hindi nga pero nababawasan naman." She put the last piece of her personal things in her luggage. "I don't want to see him, Francin. Mas gugustuhin ko pang makasama sa bahay ang control freak kung ama kaysa makasama ang manlolokong 'yon."
"Ikaw ang bahala. Ang sa akin lang naman ay-"
Naputol ang sasabihin ni Francin nang tumunog ang doorbell. Tumayo si Francin para pagbuksan ito ng pinto.
"Kung si Ryker yan sabihin mo ayaw ko siyang makita o makausap kaya umalis na siya."
She heard Francin sigh as she walked towards the door.
Ilang sandali pa ay bumalik si Francin sa kwarto niya. Nagtaka siya nang makita ang pagkabalisa sa mukha nito.
"Si Ryker ba 'yon?"
Umiling si Francin. "Asawa ni sir."
Natigilan siya sa ginagawang pagzizipper ng mga maleta. Hindi niya ito inaasahan. Paano niya haharapin ang asawa ng lalaking minahal niya?
"Finish this up," utos niya kay Francin saka nagtungo sa tanggapan ng bisita.
She saw a woman in mid twenties sitting properly and professionally in the couch. Pinapalibot nito ang tingin sa kabahayan at bakas sa mukha nito ang pandidiri. She knew from there that there will be a war later.
She cleared her throat to catch her attention. Napataas ang kilay nito ng makita siya.
"Are you my husband's mistress?" taas kilay nitong tanong. She noticed how the woman eyed her from head to toe.
"I was with the capital W-A-S. What brought you here, Mrs. Von Allmen?" Hindi siya nagpatinag sa pagtaas ng kilay nito.
She wanted to be nice as much as possible because she doesn't want any trouble with anyone related to Ryker. But if trouble comes to her, she'll welcome it with her bitchy attitude.
" I won't repeat this again so keep this in your twisted brain, woman." Napataas ang kilay niya at napangisi rito. "Stay away from my-"
"I already did. Anything else?" Mapang-asar niya itong nginitian.
Hindi naman sa nagmamatapang siya bilang kabet pero calling her a woman with a twisted brain is not a right words to say. She doesn't know about their marital affair to call her like that. Kaya pa siya papatol sa lalaking 'yon kung alam niyang may asawa ito.
"Iba nga naman na talaga ang mga kabet ngayon. Kayo pa-"
"I already told you that I am no longer your husband's woman so enough with the word 'kabet'. If I were you, I will go back to my husband and be the wife that he deserve." She walked towards the door and opened it widely for her. "Now, if you don't have anything else to say, the door is wide open."
Hindi ito kumilos sa kinauupuan sa halip ay tiningnan lang siya nito ng masama. As if naman matitinag siya. Her gaze is mor deadly than hers.
"Cielo."
Napalingon siya sa labas ng bahay kung saan nakatayo si Ryker. Naiinis niya itong inirapan saka binalingan si Angelique na halatang nabigla nang marinig ang boses ni Ryker.
"Sinusundo ka na ng asawa mo."
A pain struck her heart when Ryker rushed inside her house and grabbed Angelique's hand. It was the same hand who protected her from Rocky.
"I told you to never come here!" He saw the mad side of Ryker while staring at Angelique.
Takot naman ang nakita niya sa mukha ng asawa nito.
"Kung mag-aaway kayo, doon kayo sa bahay niyo. Huwag kayong gumawa ng eskandalo dito sa bahay ko." Umiwas siya ng tingin nang bumaling sa kanya si Ryker.
"Pasensiya ka na, Cielo. Angelique seems to be confused right now." Binalingan ni Ryker si Angelique. "Know your place, woman. I've already told you were done!"
Hindi niya napigilang mapatingin sa dalawa. Tama ba ang narinig at pagkakaintindi niya? Nakipaghiwalay na si Ryker kay Angelique? A part of her heart started to hope again but her brain stopped that hope immediately by reminding her how Ryker lied to her.
"Umalis na kayo bago pa maubos ang pasensiya ko sa inyong dalawa." Pinanlisikan niya si Ryker. Napansin niya ang pag unting-huninga ni Ryker at bagsak ang balikat na hinila palabas ng bahay si Angelique.
Ang sunod niyang narinig ay ang pag-andar ng makina ng kotse at papalayo nitong tunog. Nanghihina ang mga tuhod niyang napasalampak sa sahig. Kumawala ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan upang hindi makita ni Ryker na nasasaktan siya.
"Ate, ayos ka lang ba?"
Inabutan siya ni Francin ng isang basong tubig na agad niyang tinanggap at ininom. Kinalma niya ang sarili.
"I can't do this any longer, Francin. I need to leave this place." Umiiyak niyang wika saka nagmamadaling kinuha ang mga maleta niya sa kwarto.
Sumunod naman agad sa kanya si Francin para tulungan siya.
"Get your things, Francin. Sasama ka sa akin."
Pagkasabi niya non ay agad na nag-empake si Francin. She called her mother while Francin was busy.
"Cielo, thank God you called. Nag-aalala ako sa'yo. Tracey told me what happened. Come home, anak." She heard her mother sobbed.
"I will, mom. I'm ready to face Dad's wrath." Alam niya kasi na galit ng ama niya ang sasalubong sa kanya sa kanyang pagbalik.
"You don't have to worry about your father, anak. I will protect you from him. Just come home."
Hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi ng ina ngunit ito lang ng tanging tao na magiging kakampi niya sa napakagulo niyang mundo.
Siniguro lamang niya sa ina ang mga susundo sa kanila bago niya ibinaba ang tawag. Her mother sent a helicopter to fetch them. They just need to wait for a couple of hours.
Habang naghihintay ay hindi niya naiwasang balikan ang mga alaala nila ni Ryker. How they met. How she was able to trust him. And how he treated her differently. It was almost a perfect relationship but he lied. Muling bumalik ang sakit kasabay ng masasaya nilang alaala. Ang alaala kung paano niya isinuko ang sarili rito na sana ay hindi niya ginawa.
Ngayon, haharapin niya ang masalimuot na buhay sa poder ng ama kaysa manatili sa lugar na magpapaalala sa kanya ng kanyang katangahan sa pag-ibig.
She better make herself ready because she doesn't knkw how mad her father is.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...