NAGSIMULA ang auction sa isang pagpapakilala ng mga bagong miyembro ng Business Elite Organization. Ito ay isang organisasyon ng mga malalaking negosyo sa loob at labas ng bansa na pag-aari ng isang Pilipino o may lahing Pilipino.Doon niya nalaman na ang mga isinusubasta sa event na iyon ay kahit na anong galing sa mga negosyante. It could be a limited edition shoes, a car or even a personal things. Ano naman kaya ang isusubasta ng ama niya.
Napupunta ang 70 percent ng bid sa chosen foundation ng may-ari ng gamit at ang 30 percent naman ay mapupunta sa employees' fund ng kompanya ng negosyante.
"Tonight's auction will be different from the last year's auction. Tonight the business men agreed on this new program to gain more funds for the foundation. We will announce the changes later but for now let's start with the auction itself."
May pagababago sa auction? Ano kaya 'yon? Nilingon niya ang ama para tanungin ngunit nakatuon ang pansin nito sa mga isinusubasta. Nakontento na lang din siya sa panonood.
Nagsimula na kasi ang subasta at ang unang bagay na isinubasta ay isang antique wrist watch. Marami pang mga bagay ang sinubasta at malalaki ang mga nagiging bid dahil sa background ng mga nagmamay-ari sa mga ito.
"What did you bring for the auction, Dad?" tanong niya sa ama.
"You'll know it later after this one." Napanguso siya sa tipid na sagot ng ama.
Hinintay na lamang niya matapos ang pagsubasta sa isang scaled model ng bahay. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang sunod na isusubasta.
"Dad! That's my work!" bulaslas niya sa ama na ngumisi lang sa kanya.
"This painting is from our new member, Mr. Danures. Her daughter Mirielle Danures painted this nature inspired painting."
Gusto niyang itago sa bulsa ang mukha dahil lahat ng tao sa hall ay nakatingin sa kanya.
"Maganda naman pala ang painter kaya maganda ang work niya," komento ng emcee na nginisian na lang niya.
Palihim naman niyang inaway ang ama na tatawa-tawa lang sa tabi niya. That painting was her favorite. Her inspiration on that was the place she stayed in when she ran away. The place where she met Ryker. May sentimental value sa kanya ang painting na iyon.
"Let's start with a 100 thousand for this beautiful painting," anunsiyo ng emcee.
May nagtaas ng card sa kabilang sulok ng hall ibig sabihin bibilhin niya iyon sa nasabing halaga.
"100 thousand for Mr. Axel. Higher than a hundred?"
She glared at Axel at the right end of the hall.
"500 thousand!"
Sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan ng tinig. It was Ryker.
"500 thousand for Mr. Ryker. Do I hear 600 thousand?"
Again, Axel raised her card.
"650 thousand."
What the f*ck! Nagkokomoetensiya ang dalawa dahil lang sa painting niya. Hindi niya napigilan na mapa-face palm sa nangyayari.
"650 thousand for Mr. Axel. Any higher bid?" The emcee solicited answers from the crowd until Ryker raised his card again.
"One million pesos cash for that painting." The crowd gasped at him.
One million para lang sa kanyang painting na kung tutuusin ay napakasimple lamang nito kumpara sa ibang painting sa mundo.
"One million from Mr. Ryker! May tataas pa ba sa bid ni Mr. Von Allmen?" The emcee waited for another card to raise but nobody dared. "Nature inspired painting by Ms. Mirielle Danures sold to Mr. Ryker for a million pesos cash!" The sound of the gavel on the wooden table echoed in the hall followed by a round of applause from the crowd.
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...