37 - Winning is justice

2.4K 76 1
                                    

  
  
  
   
"I CAN'T BELIEVE THIS." Tanging nasabi ni Mirielle nang mapanood ang kabuuan ng CCTV footage ng nangyari sa kanyang ina.

"Hindi si Cesar ang gumawa nito pero pinagtatakpan niya ang totoong may kasalanan," dagdag pa niya. "We need to find Vida."

"Mahirap hanapin ang nagtatago."

May point si Georgina. Lalo na kung tinatago ni Cesar ang anak nito.

Nasa gitna siya ng pag-iisip nang tumunog ang kanyang smartphone. Si Tracey ang tumatawag. Pumasok kaagad sa isip niya ang kalagayan ng ina.

"What is it, Trace?"

"Mir, kailangan mong bumalik ng ospital. The doctor wants to talk to you about your mother's current condition."

Nabuhay ang kaba sa dibdib niya.

"May nangyari ba kay mommy?"

Matagal bago sumagot si Tracey kaya mas lalo siyang kinabahan.

"Your mom needs you, Mir. Come here quickly."

"I'll be there in a minute." She ended the cal and shifted her attention to Georgina. "Hire a men to find that murderer, Georgina. Do everything in your power to get that woman. Kung hindi siya mapaparusahan ng batas ay ako ang magpaparusa sa kanya."

Mabilis naman na tumango si Georgina.

"Gagawin ko ang lahat pra mahuli si Vida."

Pagkatapos na makausap si Georgina ay agad siyang bumalik sa ospital. Sa lobby pa lang ng ospital ay natanaw na niya ang hindi mapakali na si Tracey.

"Trace, what happened?"

"Thank God you're here, Mirielle. Let's go see your mom and the doctors."

Hinila siya ni Tracey patungo sa elevator na magdadala sa kanila sa private room ng kanyang ina.

Nadatnan nila si Dr. Melendrez, ang doktor ng kanyang ina, na chinecheck ang vitals ng mommy niya.

"How's my mom, doctor?" tanong niya kaagad rito.

"She's fine, Mir." Sa halip na ang doktor ang sumagot ay ang lalaking kasama nila sa silid na hindi niya napansin nang pumasok siya kanina.

"Dad!" She burst in tears as she hugged her father. Ito ang taong pinakakailangan niya ngayon. "Thank God you are here."

"Umuwi kaagad ako rito nang mareceive ko ang tawag ni Georgina tungkol sa nangyari sa iyong ina. I won't let the one responsible for this to be out there and planning of hurting your mom and you. I will everything in my power to find Cesar and Vida."

Napangiti siya sa sinabi ng ama. She won't be fighting this battle alone. Napabaling sila kay Dr. Melendrez nang tumikhim ito.

"Let's pray for her continuous recovery. Sp far, normal naman ang vitals niya pero kailangan pa rin obserbahan dahil sa blood clot niya. Let's hope na hindi ito lumala."

Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng ama. Nag-aalala siya ng sobra para sa ina. Hindi niya kakayanin kapag nawala ito.

"Call me if anything happens," wika pa ng doktor saka umalis.

"She will be fine, anak." Muli siyang niyakap ng ama saka pinagmasdan ang kanyang mukha. "You look so tired. Did you have some rest?"

"I don't need that. Ang kailangan ko ngayon ay hustisya sa nangyari kay mommy." Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya sa galit lalo na at malaya pa rin ang gumawa nito sa kanyang ina.

"I told you not to worry about that. Your father is already. Hindi ko kayo pababayaan ng mommy mo. So ge some rest."

Noon niya naramdaman ang pagod nang iupo siya ng ama sa malambot na couch at lumapat ang kanyang likod sa malambot na sandalan. Hindi niya napigilang mapapikit.

Unti-unti siyang nakaramdam ng antok na hindi niya malabanan. Pagod na pagod nga talaga ang kanyang katawang lupa.

"Nagkausap na ba kayo ni Ryker?" Hindi niya mawari kung panaginip na ba o realidad ang tanong na iyon ng ama.

Hindi niya din alam kung nasagot niya ba ang katanungang iyon ngunit iisa lamang ang tiyak niya, pagod siya at kailangan niyang magpahinga.
 
 
 
  
 
NAGISING siya sa ingay na naririnig. May kausap sa phone ang kanyang ama at tila galit ito dahil sa taas ng tono ng boses nito na nakapagpagising sa kanya.

Sinipat niya ang suot na relo. Medyo nagulat pa siya nang makita na pasado alas sais na ng gabi. Maayos din ang kanyang pagkakahiga sa couch at may blanket din siya. Her father must have took care of her while she's past asleep.

Bumangon siya at chineck ang ina na nakaratay pa rin sa hospital bed. Dinampian niya ito ng halik sa noo.

"Wake up, mom," bulong niya rito ngunit wala itong naging tugon.

Napabuntong hininga na lamang siya saka nagtungo sa CR. Natigilan siya nang maamoy sa loob ng CR ang pabango ni Ryker. Hindi maaaring magkamali ang kanyang ilong. Pabango ni Ryker ang naaamoy niya pero paano mapupunta sa hospital ang pabango ni Ryker. Wala naman ito sa Manila dahil nasa probinsya ito, no unles...

"Dad!" Nagmamadali siyang lumabas ng CR na tinatawag ang ama.

"Anong nangyari? Bakit humahangos ka?"

"Nanggaling ba dito si Ryker? Nagpunta ba siya rito kanina habang natutulog ako?"

Napakunot ang noo ng ama niya sa mga tanong niya.

"Walang ibang nagpunta dito kanina maliban kay Tracey. She's your friend, right?" Tumango siya rito. "Aside from her, wala na. Bakit? Tumawag ba sa iyo si Ryker?"

There's something off in her father's question na nakapagpakunot sa noo niya pero ipinagsawalang bahala na lamang niya.

"Nakulangan lang siguro ako sa tulog. Uuwi muna ako para maligo at magpalit ng damit, Dad. Babalik din ako mamaya."

"You don't have to. Have some good night sleep, Mir. Ako na ang bahala sa mommy mo. Bumalik ka na lang dito bukas ng umaga."

Wala na siyang nagawa sa sinabi ng ama. Pakiramdam din niya ay kailangan niyang ipahinga ang isip at katawan. Kung anu-ano na kasi ang naiisip at naaamoy niya. Baka dahil sa pagod lang.

"Alright, Dad. Call me when Mom wakes up, okay?"

Tumango ang ama saka siya dinampian ng halik sa noo.

She went towards the door but she noticed the flowers on the vase near her mother's bed as she walked. Sa pagkakaalala niya ay tulips ang naroon bago siya makatulog pero ngayon napalitan na ng white roses.

"Dad, did you change the flowers in the vase?" tanong niya sa ama na bahagyang nagulat pa dahil akala nito ay nakaalis na siya.

Napabaling ang tingin nito sa bulaklak na nasa vase. Napakunot ang noo nito.

"Hindi ko pa pinapalitan yan. Bakit?"

Si Tracey siguro ang nagpalit. Wika ng isip niya.

"Wala naman. It's beautiful," aniya saka tuluyan nang lumabas ng silid.

Habang tinatahak ang hallway papalabas ng ospital ay hindi mawala sa isip niya ang amoy ng pabango ni Ryker at ang whitw roses na nasa vase. It's all connected to Ryker.

Hanggang sa makarating ng baha ay iyon ang nasa isip niya. Pagkatapos kumain ng hapunan at magshower ay nahiga siya sa kama habang nakatitig sa kanyang phone.

Wala ni isang message o tawag mula kay Ryker simula nang sabihin niya rito na may inaasikaso siya.

Ayaw niyang mag-isip ng iba pero maraming pumapasok sa isip niya na pilit niyang ipinagpapasawalang bahala dahil sa kalagayan ng ina.

She ended up resting her phone on the night table and went to sleep. Agad naman siyang nakatulog.
 
 
 
 
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon