33 - Unfolds

2.9K 106 6
                                    

"KARI?" mahinang usal ni Ryker.

Naguguluhan na tumingin sa kanilang dalawa si Kari.

"Opo, bakit po?"

"Kilala mo ba si Ryka? Ryka Marquez?"

Mas lalong naguluhan ang dalaga sa tanong ni Ryker. Gumuhit ang takot sa maamo nitong mukha.

"Sino kayo? Bakit kilala ninyo ang Mama ko? Tauhan ba kayo ni Papa?" May takot sa tinig nito.

Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito.

"Wala kang dapat ikatakot, Kari. Hindi mo kami kaaway. Ang totoo niyan, narito kami para ilayo kayo ng Mama mo kay Rivan," aniya saka nilingon si Ryker na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

Kasama nila ngayon ang kapatid nitong itinago sa kanya ng ina.

RYKER STOOD THERE SPEECHLESS. Hindi niya maalis ang tingin sa babaeng katabi ni Cielo. Hindi siya makapaniwala na may kapatid siya. Paano ito nailihim sa kanya ng kanyang Mama? It was just three years since she died in front of him pero narito sa harap niya ngayon ang isang babae na anak nito sa ama niya. Nagtataka man ay kailangan niyang maging matatag.

"Paano ninyo nakilala ang Mama at Papa ko? Sino ba kayo?"

Inilahad ni Cielo ang kamay nito sa harap ni Kari.

"I'm Mirielle," tinaggap ni Kari ang kamay ni Cielo na pinipilit na ang bago nitong pangalan na Mirielle. "Siya naman si Ryker Von Allmen, ang Kuya mo."

Kari was shocked when she looked at him. Siya naman ay kinakabahan sa magiging reaksiyon nito.

"Tama si Mama. May kapatid nga ako. Akala ko ay dala lamang iyon ng kanyang sakit na dementia." Humakbang si Kari palapit sa kanya. "Matagal ka nang hinihintay ni Mama. Ikaw ang lagi niyang bukambibig kapag nagsasalita siya. Akala ko dahil lang sa sakit niya ang mga sinasabi niya na kailangan siya ng anak niya. Kailangan daw siya ng superman niya."

Superman. Iyon ang tawag sa kanya ng Mama niya noong bata pa siya hanggang sa magbinata.

"That's me. I'm her superman." Bakas sa mukha niya ang pagkabigla ngunit napalitan ito ng saya pagkalipas ng ilang sandali. "I can't believe this. For four years I believed that she's gone and now you're here tell5me that she's alive. This is insane."

Nahimas niya ang sentido dahil sa tila sirko na nalaman niya tungkol sa ina.

"How did all this happen?" tanong ni Cielo kay Kari.

Ito rin ang nais niyang malaman. Paano nangyari ang lahat ng ito?

"I don't know. Si Mama lang makakasagot sa mga tanong ninyo. Pero sa ngayon hindi muna natin siya pwedeng puntahan. Nasa bahay ngayon si Papa." Nabasa niyaa ng takot sa mukha ng nakababatang kapatid. "Pinapaalis ako ni Mama sa bahay sa tuwing naroon si Papa. Sa totoo lang, isang beses ko pa lang nakikita si Papa at ayoko nang maulit pa 'yon."

Kari sat on the side of the bed while Cielo walked towards the small kitchen to grab some food.

"Simula n'on nauunawaan ko na kung bakit ayaw ni Mama na lumapit ako kay Papa. He's obsessed with Mama. Ayaw niya na may ibang nakakakuha sa atensyon ni Mama maliban sa kanya. And if someone did, siguradong magbabayad siya katulad nang nangyari sa akin nang minsan na makuha ko ang atensyon ni Mama habang nasa bahay si Papa."

Ryker noticed how Kari gripped her arms as if protecting herself from someone.

"What did he do to you?"

"I was just a kid then. He hit me with his cane."

Naikuyom ni Ryker ang kamao. Naranasan din pala ng kanyang kapatid ang naranasan niya sa kamay ng ama.

"Ilang araw akong hindi nagpakita non kay Mama dahil sabi ni Papa na hindi daw dapat malaman ni Mama ang nangyari. Kapag nalaman daw ni Mama ay ilalayo niya si Mama sa akin. Si Mama lang ang alam kong pamilya ko kaya tiniis ko ang lahat hanggang sa masanay na rin ako. Pero hindi nakaligtas kay Mama ang lahat. She knew everything at ayaw niya na magkalayo kami kaya pinapaalis na muna niya ako sa bahay kapag naroon si Papa. Ayaw niya daw na maulit 'yong dati na nagkalayo sila ni superman." Kari looked at him. "What did he do to you and Mama?"

Sa halip na sagutin ay tinanong niya si Kari sa kanina pa gumugulo sa isip niya.

"How old are you?" Sa tinging niya kasi ay napakabata pa nito para sa mga ginawa ng kanilang ama.

"I'm 16."

"Mama just died four years ago, how come you're already 16?" Naguguluhan niyang tanong.

"I don't know. Ang alam ko lang ay hindi ako lumaki na kasama si Mama. I grew with Manang Helen, siya 'yong caretaker ng bahay, pero kilala ko si Mama dahil tatlong taon ako bago niya ako iniwan kay manang. Lagi naman siyang tumatawag sa akin noon kaya hindi ko siya nakalimutan. And four years ago, she came here and stayed with me. I don't know the story behind that. Yon lang ang alam ko."

Binalikan ni Ryker sa alaala niya kung kailan matagal na nawalay sa kanya ang ina. A memory flashed before him when he was 15 and his Dad enrolled him to a business school. Nagpaalam sa kanya ang ina na mawawala ng ilang taon para sa treatment nito sa America. Sa pagkakatanda niya ay mahigit na tatlong taon na nasa America noon ang ina. Lagi naman itong tumatawag sa kanya.

"I remember now. Mom had you when she was in America," wika niya.

Kumunot ang noo ni Kari sa sinabi niya.

"We've never been in America. Dito niya ako pinanganak at dito din ako lumaki."

It's his turn to creased his brows.

"That's impossible. Ang tanging panahon na nawalay lang ng matagal si Mama sa akin ay noong dalhin siya ni Papa sa—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang may mapagtanto.

"Sh*t! That old man lied about everything!"

Nagsinungaling sa kanya ang ama para pagtakpan ang pagsilang ng ina sa kanyang kapatid. Napakamakasarili talaga nitong matanda.

"Kagagawan na naman ba ni Papa ang lahat?" Inosenteng tanong ni Kari sa kanya.

Siya namang labas ni Cielo mula sa kusina dala ang tray na naglalaman ng sandwiches at tatlong baso ng kape.

"Lahat naman ay kagagawan ng ama ninyo. If only we could choose who are parents would be, nothing like these sh*ts would happen."

His lips formed a curved line as Cielo handed him his cup of coffee. Salita pa lang talaga nito ay napapangiti na siya.

"Are you my sister-in-law? Asawa ka ng kapatid ko?"

Nagkatinginan sila ni Cielo sa tanong ni Kari. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Cielo habang nakatingin sa kanya saka bumaling sa kanyang kapatid.

"As much as I wanted to be your sister-in-law, your father won't allow me. Magpapayaman muna ako ng bongga para mapili ng Papa mo na maging asawa ng kuya mo." Cielo gave her a faint smile. He saw the sadness in her eyes as she looked at him. "Huwag kang mag-alala, Kari, marami ka namang sister-in-law. Hindi nga lang kasing ganda ko pero mapagtiya-tiyagaan na."

Kari laughed.

"I want you to be my sister," wika nito na nakapagpahinto kay Cielo.

Napatingin ito sa kanya.

"Me too, Kari. I want to be part of your family and to be with your brother." Malungkot nitong wika habang nakatingin sa kanya.

Kung alam lamang nito kung gaano niya kagusto na makasama ito habang buhay. Ngunit kahit gustong-gusto niya, nagdadalawang-isip siya dahil sa sitwasyon ng kanyang pamilya. Aayusin muna niya ang tungkol sa kanyang mga magulang para mapagtuunan niya ito ng atensiyon. Ayaw niya na may maging kahati ito sa kanya.
  
   
   
Just wait, Cielo. I'll make you mine whatever it takes.
   
   
   
   
   
~  ~  ~  ~  ~  ~  ~  ~  ~  ~  ~  ~ ~  ~  ~  ~  ~
To be continued...

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon