CHAPTER SEVEN
LJ'S POINT OF VIEW
"No! Tita! Don't leave me! Nooo!!!"
I watch as Izelle cry while hugging while Ms. Claiborne's corpse. The way she talked to her with full of respect, the way she cared for her, how eager she is to save her and now, how hard she's crying for this person, it says everything. She's important to her that's why she looks devastated, and it's hard for her to see this important person, lying there and any minute from now, she'll turn into a mindless beast, hungry for a humans' flesh.
I looked away, tear escaped from my eyes. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal dahil naramdaman ko din yun nang mamatay ang lolo't lola ko na simula pagkabata ay kasama ko. That's why I can't help but mourn too. Ang isipin palang na hindi mo na sila makakasama ay sobrang sakit na. The thought of being not able to see them when you woke up is like torture. It's hard and painful. Hindi mo mawawaglit sa isipan mo ang kagustuhan na sana ay iba na lang, na sana hindi na lang nangyari iyon sa kanila, na sana hindi ka nila iniwan.
Nagsisimula pa lang ang byahe namin pero may isa nang namatay. Hindi man isa sa amin pero kakilala at malapit naman ng isa sa amin. As much as I or we want, hindi namin gustong may mamatay sa byaheng 'to kahit na mukhang imposible. Pero paano? Paano namin 'yon maiiwasan kung maski si Ms. Claiborne na mas matanda pa sa amin at ang isa sa mga siyentistang mas may alam sa kung anong nangyayari ay nandidito, nakabulagta't bangkay na? I don't want to be a pessimist right now but I can't help it. Sino ba naman ang hindi makakapag-isip ng masama kung ganito ang nangyayari? Alam kong hindi lang ako dahil maging ang mga kasama ko ay gano'n din. Nagsisimula na naman tuloy umusbong ang matinding takot sa dibdib ko. Kapag kasi kaharap mo na si kamatayan o nasa bingit ka na ng kamatayan ay wala ng atrasan. Dying is inevitable. It's written in every humans' fate.
"Izelle..." Kelly called. She hugged her bestfriend, trying to comfort her with all her best. "I'm sorry. Alam ko kung gaano 'to kahirap para sayo pero kailangan na nating umalis."
"She's dead. My mom is dead. Mag-isa na lang ako," Izelle uttered. Nakatulala siyang nakatingin sa bangkay. It's as if she's talking to herself and not to Kelly.
"Nandito pa ako, Iz. I won't leave you. Stop crying," puno ng awa ang boses ni Kelly.
Izelle broke out of her reverie and wiped her tears but it kept streaming down her face. Ibinaling niya ang atensiyon kay Kelly. "Nakakatawang isipin na kung gaano mo sila katagal iningatan ay ganon-ganon na lang sila mawawala," tumawa siya, isang tawang puno ng kalungkutan. "Ironic. I have no one now."
"You still have me, Izelle, your bestfriend. Don't say that, please. Please, umalis na tayo. It's not safe here," kinuha niya mula kay Izelle ang mga gamit na hawak nito at tinulungan itong tumayo. Imbes na tanggapin ang tulong ni Kelly ay hinawi nito ang kamay na nakahawak sa kaniyang braso't tumayo mag-isa. With her face wet with tears, she turned her back on us, looking disappointed for I don't know what the reason was. Hindi naman yata pwedeng maging dahilan ay ang pagtulong ni Kelly sa kaniya, 'di ba? Maybe it has something to do with Ms. Claiborne's death and her mom's too.
Tahimik kaming lahat na sinundan siya papasok sa van hanggang sa pagsara nito. Tanging ang paghinga lang namin ang maririnig. Para bang nagpapakiramdaman pa kami. Matapos ang maikling sandali ay bumuntong-hininga si Christian bago pinaandar ulit ang van. Siguro ay pagod na siyang maghintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan.
Sinulyapan ko ang kinaroroonan ng bangkay ng babaeng parang kanina lang ay buhay pa. I saw her body convulse like she's dancing gimme-gimme on the cemented road. Tumigil din naman ito kaagad. After a second, the corpse stood unsteadily, it staggered trying to compose it's balance. Luminga-linga siya na parang sinusuri ang buong lugar bago napunta sa van namin ang tingin niya. Pinagmasdan niya ang van namin gamit ang mga mata niyang walang buhay na ngayo'y may bahid na ng mga itim na ugat. Pero hindi niya ito sinubukang habulin, imbes ay parang hinahatid niya pa kami ng tingin at sinasabing mag-iingat kami na parang nakikilala pa niya ang mga nakasakay dito. She became smaller and smaller as the vehicle drove further until I can't see her anymore.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HororLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.