CHAPTER TWO

227 18 0
                                    

CHAPTER TWO

LJ'S POINT OF VIEW

"Putspa, Tian!"

"Oh my gosh, Christian!"

Umani ng iba't-ibang sigaw ang nangyari mula sa amin.

Natutop ko ang bibig at malaman kung ano ang gagawin ng dahil sa pagkagulat. Wala kaming nagawa kun'di ang magsisisigaw at tawagin ang pangalan ng kaibigan nami.

Natumba yung dalawa nang sunggaban si Christian nung babae na parang gusto siyang kagatin. Hawak niya sa isang kamay ang buhok nito habang ang kaliwa naman ay nasa braso nito upang pigilan ito sa balak nitong gawin.

"Zalder, Roland, anong ginagawa niyo diyan?! Tulungan niyo si Christian!" Utos ni Zoe na naghi-hysterical na.

Walang sumunod sa kaniya ni-isa sa dalawa. They were dumbfounded like us, wide eyes and mouth gaping.

Christian gave the girl a hard punch on the face. Tumabingi ang mukha nito pero parang walang nangyaring inatake ulit siya nito. Sinuntok niya ulit ito at malakas na sinipa sa tiyan dahilan para tumalsik ito palayo sa kaniya.

Kinuha niya iyong pagkakataon para lumapit sa amin.

"Anong ginawa mo sa babaeng 'yan para bigla ka na lang sunggaban?!" Tanong ni Alice kay Christian na hinihingal pa.

"I don't know! Nakita niyo naman yatang kakalabitin ko pa lang sana pero dinamba kaagad ako diba?" Inis na sagot ni Christian.

Bumalik ang tingin namin sa babaeng ngayon ay tumatayo na. Tumutunog ang buto niya kapag iginagalaw niya ang kaniyang katawan. Hindi na maayos ang tindig nito hindi kagaya kanina. She looked at us hungrily and rattled.

Unti-unti kaming umatras.

"Ano bang talagang nangyayari, ha?!" Jennie was panicking. "She is eyeing us like some kind of prey. Parang gusto niya tayong kainin!"

"Hindi lang parang. Talagang gusto niya tayong kainin!" Sambit naman ni Desirene.

Kaniya-kaniya kaming ngawa habang patuloy pa ring umatras kada hahakbang palapit sa amin yung babae. A loud growl escaped from her throat. Bumilis ng bumilis ang lakad niya na hindi kalaunan ay naging takbo na.

"Run!" Sigaw ni Zalder.

Kaagad kaming tumakbo papalabas ng room namin hanggang sa gate. Nakasunod sa amin yung babae na gumagawa ng kakaibang ingay habang nasa likod namin. Huli na nang makalapit ito sa amin dahil naikandado na ni Roland ang gate mula sa labas.

Walang habas na inihampas nung babae ang kaniyang katawan sa gate upang hablutin kami. Ang ilan sa amin ay napapatalon kapag umuuga ang gate ng dahil sa takot baka makawala ito.

Napahawak ako sa dibdib ko. I was gasping for air, knees trembling, and heart is beating faster.

"W-what did just happened?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I can't believe na muntik na akong gawing brunch ng t-taong 'yan," marahas na napahilamos si Christian sa kaniyang mukha.

"Tao pa ba 'yan? She does not look one for me," komento ni Roland. He bent over catching his breath.

"Mukhang hindi na nga siya tao. She's like a zombie— no, she must be a zombie," ani Zalder habang kinikilatis yung babae. Siniguro niyang hindi siya mahahablot nito.

The creature was clawing at us, trying to snatch us like it was very eager to eat human flesh.

Napamaang si Kelly. "Zalder, hindi magandang biro iyan."

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon