CHAPTER TEN
DESIRENE'S POINT OF VIEW
Tinitigan ko ang bracelet na binigay ni Lj kanina. Maganda ang pagkakagawa nito. Kulay violet ito na may halong puti at itim, may strings sa magkabilang gilid na nagsisilbing lock, at may naka-engrave na pangalan niya sa gitna.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ipinagkatiwala (o sabihin na lang nating ipinahiram) siya sa aking ganito ng kusa. Sa sobrang damot niya kasi sa mga gamit niya ay kailangan pa naming pag-awayan iyon bago niya ibigay sa akin. Matutuwa sana ako kung hindi ko lang alam kung anong ibig sabihin nito.
"Babalik ako ng buhay, Des. Kompleto kaming babalik. We just need to give the items to PH CDC and after that, susunod kami. You don't have to worry. I have the best companions you could ever ask for, you know that. Alam kong hindi nila ako pababayaan." I can recall what she said loud and clear na parang ngayon niya pa lang iyon sinabi at nasa tabi ko lang siya.
Sa totoo lang ay masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Kasi pwede naman niya akong pasamahin pero hindi niya ginawa kasi delikado daw. Yeah, I clearly understand the situation. It's dangerous out there and even though she has Zoe and our friends with her, we can't still assure that they'll be fine. Kaya nga gusto kong sumama para maprotektahan siya sa abot ng aking makakaya kahit alam ko sa sarili kong hindi ako gano'n katapang tulad niya. Kasi kung hindi ay mamamatay ako sa pag-aalala sa kaniya.
Isa pa sa dumadagdag kong alalahanin ay sina Tita. Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag sa kanila kung bakit hindi ko kasama si Lj. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na, "hindi ko kasama ang anak niyo kasi may balak yata siyang sundan ang yapak ni Dr. Jose Rizal." Syete lang. Lagot ako nun, hindi lang sa kanila kun'di pati na din kela Mama kapag gano'n.
Napatingin ako kay Kelly nang magsalita ito. "Sigurado ba kayong kaya nila 'yon?" Tukoy niya sa gagawin ng mga kaibigan namin. Hindi siya mapakaling nagpapabalik-balik sa harapan namin ni Alice.
Nasa loob na kami ng barko ngayon. Hindi pa ito nakakaalis sa may pantalan dahil hindi pa ito gaanong puno. Hinihintay pa kasi nila ang pagdagsa ng ibang mga survivors. Pero ang dinig ko ay aalis na din naman ito mamayang ala-sais, puno man o hindi.
"Hoy, upo, upo. Sumasakit ang ulo ko kakatingin sayo e," saway ni Alice dito.
Pabagsak na umupo si Kelly sa ilalim ng double deck na sakop. Maswerte kami kasi may natira pa kaninang mga double deck para sa aming apat na magsisilbing tulugan namin habang lumalayag ang barko. "Ano nga? Tama lang bang pinabayaan natin sila?"
"Says who?" Walang gana ko siyang tiningnan. I suppress the urge to glare at her. This is the reason why we don't get along with each other even though she is my cousin's friend. I don't hate her. Hindi ko lang talaga feel magpaka-friendly sa kaniya. "Hindi natin sila pinabayaan, Kelly. Ginawa lang natin ang dapat gawin. They're different."
"Oo nga! Kaya ano pang ipinuputok ng butsi mo dyan? E wala din naman tayong maitutulong dun sa kanila kung sa sakali mang magkalokohan na. Hindi literal na makalokohan. Alam niyo yun? Magka-aberya, makanda-letse-letse," she made gestures using her hands as if trying her best for us to not misunderstood what she said. "Ah, basta, 'yon na 'yon. At isa pa, wala na nga tayong silbi ay mamatay pa tayo ng hindi oras do'n. Mas mabuti na 'to 'no," kumakamot sa ulong dagdag niya pa.
"P-pero----" aalma pa sana si Kelly kaso inabutan siya nito ng isang supot ng chichirya.
"Ehhh, gutom lang 'yan! Ito oh, kainin mo. Kung hindi ay ako mismo ang magpapasak niyan sa bunganga mo kapag hindi ka tumigil." Nanlaki ang mata ni Kelly dahil sa sinabi niyang iyon. Natakot yata kaya wala itong nagawa kun'di tanggapin ang pagkain at tumahimik, na ikinatawa ng may sayad na si Alice. "Joke lang! Ito naman, hindi mabiro." Mas lumuwag yata ang turnilyo ng isang 'to ngayon.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.