CHAPTER NINETEEN

84 7 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

LJ'S POINT OF VIEW

"W-what did you say? Namali yata ako ng dinig," hindi makapaniwalang sambit ko. I refuse to believe what she just said, but she didn't answer me. "You're bitten? What kind of joke is that? It's not funny at all, Jennie."

Napayuko siya. "Nagsasabi ako ng totoo, Lj," she said in low voice. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng buhok niya. It seems like she's trying to hide her face from me.

I nervously laughed. "No, you can't be serious. Biro lang ang lahat ng ito, 'di ba?" Lumingon ako sa mga kasama namin bago siya hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog. Baka sakaling matauhan siya sa mga pinagsasabi niya. "Sabihin mong nagbibiro ka lang, Jennie. Please!"

She then finally gathered all her courage and faced me. I was surprised when I saw her face wet with tears. "Mabuti sana kung gano'n lang 'yon kadali, Lj, na nagbibiro lang ako pero hindi! Until when are you going to deny it to yourself? I know that you know that I'm not lying because I would never ever think of pulling a prank like this nor lie to all of you about this," itinuro niya ang paa niya. I felt a tear fell from my eye when I saw her now blood soaked pants which proves her claim.

Nanghihinang nabitawan ko siya. Ni hindi ko nga namalayang nakaupo na pala ako sa lupa dahil sa ginawang pagtulak sa akin ni Zalder para lang makalapit siya kay Jennie. "H-hindi..." It was the only word I was able to say. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan si Zalder na lumapit sa kaniya at tingnan ang sugat niya. Si Christian naman ay inalalayan akong tumayo.

Napailing si Zalder na halos hindi makapaniwala sa nakita. "But h-how come? Papaanong nakagat ka kung kasama mo sila? Bakit ikaw lang?" Sinabi niya iyon na parang wala lang.

"Teka Zalder, parang hindi naman yata tama yung sinabi mo. Ang ibig mo bang sabihin ay kung bakit siya lang ang nakagat at hindi kami kasali?" Pagsingit ni Johnder. I think he felt violated because he is with us that time. He was about to reprimand Zalder but Izelle stopped him.

"Jennie was separated from us after we surveyed the second floor and it looks like she was bitten on that time. That explains why she looks different when she came back," paliwanag ni Izelle.

Zalder brushed his hair harshly out of frustration. "How can you say something calmly like that? Nakagat siya pero parang wala lang sayo. Tapos may napansin na pala kayo sa kaniya pero hinayaan niyo lang? Kaya siguro siya nakagat dahil pinabayaan niyo siya-" hindi ko na napigilang sampalin siya bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya.

"Guys..." Jennie look troubled watching us argue in front of her yet she couldn't do anything about it.

"Anong pinabayaan, Zalder?! Sa tingin mo ba makakaya namin siyang pabayaan, ha? Kung alam nga lang namin na mangyayari 'yan sa kaniya ay sana pala hindi nalang namin siya pinasama," halos manginig na ang buong katawan ko sa pinaghalo-halong emosiyon.

Okay lang naman sa akin kung ano ang sabihin niya o ibintang niya sa amin pero ang sabihan niya kami na pinabayaan namin si Jennie, iyon ang hindi ko matatangap. Kung nahihirapan siya, kung nasasaktan siyang makita si Jennie ng ganyan, aba'y paano naman kami na mismong kasama ni Jennie pero wala kaming nagawa para protektahan siya at ang mas malala pa ay wala din kaming kaalam-alam na nakagat pala siya? It is not easy on our part and he should know that. And maybe I slapped him because I felt guilty, that I think he's right. Na baka tama siya dahil ang isipin palang na hinayaan lang namin siyang mawala ng hindi namin namamalayan ay para na din namin siyang pinabayaan.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon