CHAPTER TWENTY-EIGHT

77 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Parang isang bomba ang balitang ibinahagi ni Kelly sa kanilang lahat na halos hindi nila kayang paniwalaan.

"W-Wait, what? What did you say happen to Alice?" Tanong ni Christian kay Kelly. Hindi niya mawari kung nabingi lang ba siya o totoo ang narinig niya.

"She died and it's your fault!" Dinuro ni Kelly ang mga itinuring niyang mga kaibigan na ngayon ay labis pa sa galit ang nararamdaman niya para sa kanila. She still blame them for what happened even though no one really wanted it to happen in the first place.

"A-Alice died," wala sa sariling sambit ni Lj. "Alice died because of..." Mariin siyang napapikit habang nakatakip ang palad sa kaniyang mukha. Her guilt is resurfacing.

Kaagad namang niyakap ni Desirene si Lj dahil alam niyang makokonsensya na naman ito sa nangyari. "No, no, no. Don't listen to her, Lj. H-Hindi niyo kasalanan ito. Kami lang ang may kasalanan nito dahil iniwan namin sila sa barko ng walang paalam. Please, Lj, listen to me," pilit niya ipinaharap ang mukha ng pinsan niya sa kaniya pero hindi ito hinayaan ng huli.

"Bakit kailangan mangyari ulit iyon? At first it's Jennie, then Johnder, and now Alice? Bakit naman gano'n?" Nakayuko lang si Lj habang nakapatong ang ulo sa kaniyang palad. Ramdam niya ang muling pagbigat ng kaniyang damdamin.

"Lj..." Maging si Roland ay lumapit na dito upang pagaanin ang loob nito. He doesn't know why but can't stand looking at her like and he feel like he wants to be the one who will comfort her. Hinawakan na lamang niya ang kamay nito para iparamdam na hindi siya nag-iisa.

Sa kabilang banda naman ay galit na hinarap ni Zoe si Kelly. "Eh ang gago mo naman pala eh! Akala mo ikaw lang ang nawalan?! Ganiyan ka umasta dahil namatayan ka ng isang tao, pa'no naman kaming dalawa ang nawala sa amin? Our life is constantly in danger dahil hindi lang mga zombies ang humahabol sa amin dahil pati na din yung letseng mga kalaban na 'yon!" Marahas na kinuwelyuhan niya ang kaharap. Sinubukan siyang pigilan ng kapatid niyang si Christian pero hindi siya nagpatinag.

"Zoe, calm down," pag-awat ni Zalder sa nagpupuyos na sa galit na si Zoe. Hinila niya ito sa braso papalayo kay Kelly. "Wala tayong mapapala kung mag-aaway away tayo. She's not our enemy here."

"No, hindi ko kayang kumalma hangga't nakikita ko ang mukha ng taong iyan. Ang kapal ng mukhang pagsalitaan tayo ng ganiyan ng wala naman siyang alam kung anong hirap ang naranasan natin," halos pasigaw na saad ni Zoe. Maya-maya pa ay hinila niya ang buhok ni Kelly. Nanlaban ang huli pero mas malakas si Zoe sa kaniya.

"Bitawan mo ako!" Bulyaw ni Kelly dito. She shriek in pain.

"Zoe!" Halos magkapanabay na sigaw ni Christian at ni Zalder. Kaagad nilang pinaghiwalay ang dalawa.

Tumabi si Izelle kay Kelly. Halos hindi niya malaman kung ano ang gagawin.  She wants to stop Zoe from harassing her bestfriend but she is very aware who is at fault here.

"Anong karapatang mong traydurin kami, ha? Ha?! Sagutin mo ako!" Patuloy ang pagwawala ni Zoe kahit nahawakan na siya ng kapatid niya. It seems like her emotions are already at the brim.

Hindi na nakatiis si Desirene kaya ay nagsalita na din siya. "Stop! Will you all stop fighting?!" Saway niya sa kanila. "Please lang Zoe, huwag dito. Lj's emotion is currently unstable. Kaya huwag niyo nang palalain pa ang sitwasyon. Kung gusto niyong magpatayan ay sa labas niyo gawin. Just don't do that here."

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon