CHAPTER FIFTEEN
LJ'S POINT OF VIEW
"Sa inyo po ba talaga 'to?" Namamanghang tanong ni Jennie kay Kuya William. Nag-uusap sila tungkol doon sa rifle na ginamit nito para iligtas kami.
Pinunasan ni Kuya William ang salaming bubog na pinaglalagyan ng armas. "Oo, ipinamana sa akin ito ng yumao kong tiyuhin. Mayroon kasi siyang tindahan ng mga baril noon na nagsu-supply sa mga pulis ng iba't-ibang klase ng mga armas," he looked dreamily at it like he was reminiscing those days.
"Mabigat po ba talaga 'yan kapag hinawakan?" Si Desirene ang sumunod na nagtanong.
Sumandal ako sa hamba ng pintuan papunta sa kusina, katabi ni Zalder na kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap kay Jennie. Pinagmasdan ko ang mga kasama naming nakatambay sa may sala.
Mag-a-anim na araw na kaming stranded dito dahil sa bagyo. Medyo maayos na ang panahon ngayong umaga kaya siguro ay aalis na kami mamaya lang din. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dito. Marami na kaming nasayang na araw kaya dapat ay kumilos na kami bago pa malaman nung mga kalaban na nasa amin ang hinahanap nila. We need to finish this as soon as possible, because as the days pass with the things in our hands, we became more expose to danger.
I gathered my courage and tried to talk to Zalder. "Ang ganda ng view 'no?" Baling ko sa kaniya.
Napaayos siya ng tayo. Hindi ko alam kung nagulat ba siya na kinausap ko siya o dahil nahuli ko siya sa ginagawa niya. "H-hoy, yung v-vase yung titingnan ko, hindi si Jennie." He was like a criminal caught on the act.
Napatawa ako. "Ang defensive mo naman. Kaya ka napaghahalataan e."
Nanlaki ang mata niya. "Alam na nila?! Siya, alam na ba niya?" Tumulo ang pawis niya dahil sa nerbiyos.
I rolled my eyes at him. "Halos lahat yata ng tao sa school natin ay alam na may gusto ka kay Jennie. Siya na nga lang yata ang walang alam. Bakit hindi mo pa kasi sabihin?"
Matagal na niyang gusto si Jennie, hindi ko na nga maalala kung kailan iyon nagsimula. Hindi nga lang masabi-sabi ng best friend kong 'to, hindi dahil torpe siya pero dahil natatakot siyang ma-basted. Alam kasi ng lahat na hindi tumatanggap ng ligaw si Jennie, magsasalita ka pa lang turn down ka na agad. Hindi siya nagpapa-hard to get o bitter kaya gano'n. Kun'di ay dahil nagpo-focus siya sa pag-aaral niya. She wants to reach her dreams without distractions.
"Mabuti sana kung gano'n kadali 'yon pero hindi e. Sobra na nga akong nalilito kung anong gagawin ko. Gusto kong sabihin pero natatakot pa rin ako. Paano kung gano'n pa din? Paano kung hindi niya ako gusto?" Tugon niya. Halatang na-fu-frustrate siya.
I shrugged. "Kung hindi, edi hindi. Problema ba 'yon? At least nasabi mo kesa patuloy mong kikimkimin iyan. Alam mo Zal, normal lang ang matakot pero ang patuloy na pagpapalamon mo sa takot na iyan ay hindi. Paano mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan? Hindi susulat ang lapis hangga't hindi mo ito pinapagalaw. Atsaka pag-aaral ang reason niya dati, 'di ba? Then she might give you a chance now. Wala nang pag-aaral ang magiging hadlang sa lovestory niyo," pangungumbinsi ko sa kaniya.
"Kingina, ewan ko ba," napabuntong-hininga siya. Ilang segundo kaming tahimik bago siya tumingin sa akin at nagsalita. "Tungkol nga pala doon sa nangyari nung mag-a-anim na araw na ang nakalipas, gusto kong mag-sorry kasi alam kong mali kami. Sorry kung nagpadalos-dalos kami at hindi sinunod ang plano."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HororLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.
