CHAPTER SIXTEEN
LJ'S POINT OF VIEW
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Wala akong nagawa kun'di tumayo na lang doon at gulat na pagmasdan ang zombie na nasa harap ko.
There is a frigging caged zombie inside this basement! And the worst part? It is beneath the very floor where we wanders and spends our time with! We were oblivious of the danger, believing that the one that's making all of those noise underneath us was just a harmless rat, but no! Mahimbing kaming natutulog sa gabi ng walang kaalam-alam na ang pilit naming iniiwasang halimaw sa labas ay kasa-kasama lang din pala namin dito sa loob. Na kaunting pagkakamali lang ay maaari kaming mamatay lahat dito. This is just so fricking insane!
I am really confuse right now. Madaming tanong ang nabuo ko sa isip ko dahil sa natuklasan kong ito. If this zombie is an intruder or something, they could've killed it before when they had the chance to, especially when Kuya William has a gun, but they didn't. They chose to keep it. Why? Why keep a zombie when you know that you are risking your life? What for? It's not that they'll gain something from it anyway.
At isa pa, bakit nila inilihim sa amin ito? Alam kong hindi dapat lahat alam namin pero kung ang mismong mga buhay namin ang nakasaalang-alang, aba'y ibang usapan na 'yon! Alam ba nila kung gaano kadelikado ang ginawa nilang 'to? Kapag aksidenteng nakawala ang zombie na ito ay paniguradong mauubos kaming lahat! Naisip ba nila iyon? Do they know the risk? Kasi kung ako ang tatanungin, sa tingin ko hindi. Dahil kung alam nila ay dapat simula pa lang sinabi na nila sa amin na may itinatago pala silang ganito dito, para naman handa kami kung saka-sakali mang may nangyaring masama o kaya naman ay sana pinatay na lang nila ito noong una pa.
There was a constant grumble escaping from the zombie's throat. It was salivating like a rabid animal. Kapag nagsasawa ito sa pag-alog sa mga rehas ay ilalabas naman nito ang kaniyang kamay para abutin ako. Nakakapagtaka lang na sa lahat ng mga ingay na ginagawa nito ay kalabog lang ang naririnig namin sa taas. And as I gaze at it, I slowly realize something. The male zombie's face looks familiar. Even though it's almost rotting, I couldn't be mistaken. I am sure I've seen it before but I just couldn't pinpoint where.
"May tao ba dito?" A male voice echoed on the staircase. Pababa dito ang taong iyon base na din sa paglangitngit ng hagdan.
Shit! I forgot to close the door!
Dali-daling kong ibinalik ang tela sa dati. Nataranta pa ako kung saan ako magtatago bago ko nagpiling doon na lang magtago sa likod ng kulungan. Siniguro kong hindi ako mahahablot nung zombie. Lumipat din kasi ito nang pwesto nang lumipat ako kaya magkaharap kami ngayon. Hindi ko nga lang ito makita dahil sa tela.
Tuluyan nang nakababa ang taong pinaggalingan ng boses. Kumunot ang noo ko nang makita kong si Kuya William iyon. Lumilinga-linga siya, siguro ay nagtataka kung bakit bukas ang ilaw. Hindi kalaunan ay lumapit siya sa kulungan.
Ipinatong niya sa ibabaw ng kulungan ang telang nakatabon sa harap para makita niya yung zombie. "Liam, kamusta? Maayos ka lang ba dito?" Rinig kong pagkausap niya sa kung sino. Even the name was familiar. Hindi ko alam kung sino yung tinatawag niya pero dahil dalawa lang naman kaming tao dito tapos ay may isang zombie then he must be talking to... the zombie?! The eff?!
"Miss na miss na namin kayo. Alam mo ba, tuwang-tuwa ako noon dahil matapos ang matagal nating hindi pagkikita ay bumalik kayo dito para sa Fiesta. Ngunit dahil sa akin ay napahamak kayo. Kung sana ay hindi ko kayo hinayaang lumabas para mamasyal ay sana magkakasama pa rin tayo. Iyon na yata ang pinakamaling desisyong ginawa ko. Labis-labis kong pinagsisisihan iyon." Walang kahit isang takot ang nakikita ko sa kaniya. I can see gladness and longing on his face mixed with sadness. "Pero huwag kang mag-alala dahil hinahanap ko na yung mga kapatid mo sa labas. Alam kong nasa malapit lang sila. At kapag naibigay na namin sa mga lalaki yung box na hinahanap nila ay tutulungan nila kayong maibalik sa dati. Magkakasama ulit tayo at malapit na. Patawarin mo ako. Kaunting tiis na lang, anak."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorreurLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.
