CHAPTER TWENTY-TWO
LJ'S POINT OF VIEW
"G-Gwen?" Gamit ang kakarampot na liwanag galing sa labas ay sinubukan kong siyang aninagin para makumpirma kung siya nga ba talaga iyon. "Bakit ka nandito? Diba hinatid ka namin sa pamilya mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Gwen is the girl that we found on the side of the road while we were on our way to CDCP. She asked us for help because the bus that she was riding got into an accident due to a sudden zombie attack. Naawa kami sa kaniya kaya sinunod namin ang pakiusap niyang ihatid namin siya pabalik sa pamilya niya. Nang maihatid namin siya ay hinikayat namin silang mag-evacuate pero tumanggi sila. Ayon sa kanila ay wala silang planong mag-evacuate dahil hindi kakayanin ng may sakit na kapatid ni Gwen ang pagbyahe. Kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito.
Did something happened that made them change their mind? Kung gano'n nga ay bakit sila nandito? Hindi ito ang Evacuation Site na itinalaga ng gobyerno kaya imposibleng makarating sila dito ng hindi sinasadya maliban nalang kung may nagdala sa kanila dito o 'di kaya naman ay kung sinadya nilang puntahan ang islang ito ng kusa.
Pero bakit? Bakit sila pupunta rito ng kusa?
Ang gulo! Mas gumulo ang isip ko nang makita ko si Gwen dito. Para na ngang puputok ang ulo ko sa mga tanong na umiikot sa isip ko pero wala naman akong makuhang sagot. Jumping into conclusions with just the suspicions and opinions that I have won't help me answer it all. I need to seek for the truth behind the lies but seeing Gwen here with a gun on her hand is a sign that I already found the key to the truth because I can feel that she knows something, even everything that I want to know.
Ngunit gusto ko mang malaman ang totoo, alam ko sa sarili kong may parte sa akin na takot malaman kung ano ito dahil nararamdaman kong ikakadismaya ko ito.
"Refrain from speaking, they'll hear you," she coldly glanced at me using her now lifeless eyes before peeping again from the small gap between the door and the wall. It feels like she's not the person that we met back then.
Idinikit ko ang isang tainga ko sa manipis na pintuan para pakinggan kung ano ang nangyayari sa labas.
"Bakit kailangan pa nating mag-ronda, eh wala namang papasok dito? Kakatapos lang kaya natin hindi ba pwedeng magpahinga muna?" Reklamo ng isang tinig.
"Alam mo, ang ingay mo. Magpasalamat ka nalang na buhay ka pa hanggang ngayon dahil sa kanila," suway ng pangalawang tinig doon sa nauna. "Ayan na si Boss. Ayusin mo yung postura mo. Baka hindi ka abutan ng umaga kapag narinig niya ang pagngawa mo."
"Good evening, bossing!" Masiglang bati nung dalawa sa kung sino.
Bossing?
"How's the work that I told you to do?" His voice is intidimating.
"Ah tapos na po, boss. Nailibing na namin ang mga bagong dating na hindi kinaya ang experiment samantalang yung iba na buhay pa ay ibinalik na namin sa kulungan."
"Good. You may now go back to your work."
Tumahimik na pagkatapos ng ilang Segundo kaya sa palagay ko umalis na sila.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
TerrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.