CHAPTER TWENTY-FIVE

143 7 0
                                        

CHAPTER TWENTY-FIVE

ROLAND'S POINT OF VIEW

"Bitawan mo ako! Bitaw!" Pilit bumibitaw si Lj sa pagkakahawak ko. Sa tingin ko ay hindi niya pa ako namumukhaan dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak kahit nakalayo na kami sa katawan ni Johnder. It seems like she's on a trance.

Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kay Johnder. Kung mas maaga lang siguro akong dumating ay baka naagapan pa siya. Shit, they're getting rid of us one after the other. If this continues, we will all be helplessly wiped out here.

Tumigil ako sa paghila sa kaniya at hinarap siya. "Lj, pull yourself together. We are not safe yet. Kailangan na nating makaalis sa islang 'to sa lalong madaling panahon," marahan ko siyang niyugyog. "Lj, please! Don't waste Johnder's sacrifice."

"J-Johnder... Jennie..." Wala sa sariling sambit niya. Patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kaniyang mukha.

"Lj, please come back to your senses. Don't you recognize me? It's me, Roland. Nandito pa ako. Hindi kita iiwan," sabi ko.

Hindi siya sumagot. She just keep on mumbling Johnder and Jennie's names like her life depends on it. Ilang sandali pa ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa pagod.

Pinunasan ko ang pawis niya at inayos ang buhok niyang dumikit sa kaniyang mukha saka ko siya binuhat. "Oh damn," mura ko nang mapansin ang sugat niya sa likod ng binti. I'm so stupid to drag her while she's badly wounded.

Patakbo kong tinunton ang daan papunta sa kuwebang nakalagay sa mapang hawak ni Lj kanina. Zoe already told me about the key and the map so I know what to do. Mukhang mauuna kami nitong umalis kesa sa kanila dahil ayon kay Zoe ay may kailangan pa silang gawin doon sa hideout.

The sandy land became rocky as I continue walking. Maingat akong naglakad sa itaas ng mga nilulumot na bato hanggang sa marating ko ang dulong bahagi ng isla kung saan matatanaw ang mga naglalakihang tumpok ng mga bato na nasa paanan ng bangin. Ayon sa mapa ay nando'n ang kuwebang sinasabi nila.

Mabuti nalang ay naiwala namin ang mga kalaban kaya ay madali lang akong nakalapit doon sa mga bato. Lumiko-liko ako sa pagitan ng mga ito at sinilip kung nasaan ang lagusan papasok sa kuweba. Sa bahaging may parang maliit na daluyan ng tubig papunta sa dagat ay nakita ko ang aking pakay. Maingat kong ibinaba saglit si Lj habang ginagawa ko ang dapat gawin.

Surprisingly, on the mouth of the cave is a locked wooden door. Medyo may kalumaan ito at mukhang kaya ko namang sirain ngunit hindi ko ginawa. The noise might catch our enemy's attention who are still looking for us as of the moment. I didn't compromised and just poured my trust on the key I'm holding. Fortunately, it's the right key so I was able to peacefully enter the cave with Lj.

Medyo may kadiliman ang loob ng kuweba pero may mga lampara at kandila namang nagkalat kaya nagawa ko pa ring makita kung ano ang nasa loob. Inside the cave is like a mini harbor. May tatlong bangka ang naroon: dalawang bangkang de-sagwan na ang isa ay sira na at isang motorboat na may kalumaan pero mukhang gumagana naman. I chose the motorboat because it is just what we need.

Kaagad akong umakyat dito habang karga ko si Lj. I let her rest while I figure out how to operate the motorboat. Good thing I can still remember how my dad used to do it back then when we go fishing on the lake.

"Now let's get you out of here," bulong ko bago pinaandar ang motorboat. Dumaan kami doon sa maliit na subterranean river na nakakonekta sa dagat na papunta sa kabilang parte nitong isla, malayo sa hideout.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon