CHAPTER THIRTY-FOUR

71 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

LJ'S POINT OF VIEW

"Let's get out of here fast!" Utos ni Roland na kaagad naming sinunod.

Tumakbo kami patungo sa gate kung saan kami unang pumasok. Sinubukan naming makipagsiksikan sa mga taong lumalabas pero bigo kami sa dami nila. Sa gulo ng mga ito ay halos magkaroon na ng stampede. Mas lalo silang nagkagulo nang biglang magsibalikan ang mga guwardiya.

"Sa kabila. May daan doon," turo ni Kelly sa kabilang parte ng kulungan na may hagdan pataas.

Hindi na namin magawang kwestyunin kung totoo ba ang sinasabi ni Kelly dahil malapit nang magsara ang mga lagusan palabas. Si Kelly ang nagturo sa amin ng daan.

Inakyat namin ang hagdan na papunta sa bukas na ikalawang palapag nitong underground prison. Hanggang doon ay may mga tao pa ding nagkakagulo. Nakipagsiksikan kami para lang makadaan. May mga nanghihila sa amin para sila ang mauna kaya ay todo tulong kami sa mga kasama namin na nahuhuli. Pagkarating namin sa gate ay kakaunti lang ang tao kaya hindi na ito naging problema pa. Kinailangan lang naming magpadulas sa ilalim ng papababang gate para lang makalabas. Hindi na kasi aabutin kung gagapang kami palabas.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Zalder matapos akong tulungan tumayo.

"Puntahan natin si Christian. I need to know what happened," saad ni Zoe. Sinang-ayunan ito ng lahat maliban sa akin. Although I want to go with them, I can't because I need to find Reese too.

I was about to raise the matter, but Desirene did it first. "How about Reese?" She asked.

"Oh yeah, the kid. Kasama niyo nga pala siya nung na-kidnap kayo," sabi ni Zalder.

"Hindi natin pwedeng pabayaan si Reese. Who knows what they will do to her? She's powerless," pagsingit ko.

"Let's split up then," suhestiyon ni Roland.

"Maghihiwa-hiwalay na naman tayo? Isn't it a bit absurd given that we just met? At isa pa, mas madali nila tayong ma-a-outnumber kung gagawin natin 'yon," may halong pag-aalala sa boses ni Zalder nang sabihin niya iyon.

"And I'm guessing that they also don't know where that kid is," pagsasalita ni Zoe.

"We don't, but maybe we can—" I was interrupted when Zalder flicked his fingers as an idea entered his mind. Napayuko na lamang ako.

"Pa'no kung puntahan muna natin si Christian. Since nasa control room/surveillance room siya, pwede nating hanapin sa mga CCTV cameras kung nasaan si Reese. Ano sa tingin niyo?" Tanong ni Zalder.

"Sounds good to me," was Roland's response. "Is it okay with both of you, Desirene and Lj?"

"As long as we can save her after then it's fine with me," ani Desirene.

"I'm okay with it," pagsang-ayon ko kahit hindi na ako mapakali dahil sa pag-aalala kay Reese.

It took me days to finally pick myself up which means Reese suffered days of torture inside that crammed place. I can't imagine how hard it was for her to be there and I don't know how I can compensate to her for letting her suffer for that long.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon