CHAPTER THREE
LJ'S POINT OF VIEW
"Ow!" Hinimas ko ang pwet kong sumakit dahil pagbagsak ko.
Nahulog kami sa tambak ng mga kutson ngunit hindi ito gano'n kalambot para i-minimize ang sakit ng pagkakabagsak namin mula sa itaas.
Saglit umingay ang paligid na dulot ng pagrereklamo ng mga kasama ko pero hindi nagtagal ay tumahimik din nang biglang sumara ang trapdoor na pinanggalingan namin.
Nang maka-recover ay isa-isa naming pinulot ang mga armas namin upang ihanda ang aming sarili sa kung ano mang pwedeng mangyari.
Umalerto kami nang makakakita ng aninong papalapit sa amin.
"Sino ka? Show yourself!" Lakas-loob na wika ni Alice.
Hindi ito sumagot kaya ay nabahala kami. Itinaas namin ang aming mga armas bilang paghahanda sa maaaring pag-atake nung anino.
"Izelle? Is that you?" Imbes na matakot ay humakbang si Kelly papalapit sa anino.
As if on cue, the room suddenly bathed in white light. Saglit kaming nasilaw sa biglang pagbaha ng liwanag ngunit kaagad din namin nakita kung sino ang anino kanina.
It was indeed, Izelle or Izellerin Rodriguez, one of our school's esteemed student. Siya ay may golden brown na buhok at kulay light brown na mga mata. Hawak niya ang isang remote na sa tingin ko ay pinindot niya kaya umilaw.
Nginitian niya kami. "I thought you were looking for me?" Tumingin siya kay Kelly. "I'm glad you're safe, Ke."
Ngumuso si Kelly pero dinamba din siya ng yakap. "Thank goodness! Akala ko may nangyaring masama na sayo."
"Wait, looking for you?" Sabad ni Zoe. "Sa pagkakaalam namin ay ikaw ang unang nag-text sa kaibigan mo. You told her to come here despite knowing the danger that she may face."
Izelle's brows furrowed. "How will I do that when my phone is borrowed by my mother this morning?"
"Sigurado ka bang hindi ikaw ang nagpapunta sa amin dito?" Tanong ko.
"Of course, I am. I won't risk my best friends life even if I need her help."
"Ang ibig mo bang sabihin ay ang mama mo ang nagpapunta sa kaniya dito para lang i-check ang lagay mo?"
"Iyan ang hindi ko alam."
"Alam niyo, hindi importante kung sino man ang nag-text kay Kelly. All it matters is that we safely arrived here," ani Jennie saka bumaling kay Izelle. "By any chance, do you know what's happening in our Town?"
Umiling si Izelle. "Everything is not confirmed yet, but I have some information that you may find useful in understanding the situation."
Tinalikuran niya kami saka lumapit sa multiple screens sa gitna ng silid. Mataman kaming nakamasid sa kaniya habang tumitipa siya ng mabilis sa keyboard. Ngayon ko lang napansin na para palang isang tech room sa loob ng bunker ang buong silid.
Mayamaya pa'y may lumabas na litrato ng isang puting building na may modernong disenyo. It is located at the outskirt of the town.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
TerrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.