CHAPTER FIVE
LJ'S POINT OF VIEW
Nang makalabas kami sa garahe nina Izelle na automatic bumubukas ang roller door kapag pinindot ang remote control ay kumapit na kami ng mahigpit. Tumatalbog ang van sa tuwing may nagugulungan itong zombies. Ramdam din namin ang malakas na pagkakabundol ng mga nilalang sa harap nito. It took only seconds bago kami nakalabas sa gate nina Izelle na inararo ng sinasakyan namin. Mabuti na lang ay kahoy ito at hindi bakal kasi kung gano'n, kailangan ng isa sa 'min na lumabas para buksan ito. In short, para maging pain sa mga gutom na nilalang. We are finally off to the port. Dadaaanan lang namin yung mama ni Izelle and we're done.
Inilagay ko sa likod ko yung bag kong wala nang laman. Alice suggested na iwan na lang namin yung mga gamit naming hindi kailangan at dalhin lang yung mga importante. Ang bag namin ay magsisilbing lalagyan namin ng mga supplies na makukuha namin sa tindahan mamaya. Ang matitira naman ay sa likod ng van ilalagay.
Kahit parang aning yung si Alice minsan, may utak pa din naman 'yon kahit paano.
I heard a shuffling sound on my side. Tumagilid pala paharap sa akin si Desirene. "Lj... Sa tingin mo ba... makakaalis tayo ng buhay dito?"
I gave her a reassuring smile. "Oo naman. Bakit mo naman natanong?"
"Ang mga taong 'yon, no, ang mga halimaw na 'yon ay malalakas. We're just teenagers, Lj. They might overpower us. Wala tayong katiyakan sa paglalakbay na 'to. Hindi natin alam kung anong naghihintay sa atin pagdating natin sa pantalan. Will we make it out of this? Our families, may mababalikan pa ba tayo? Pa'no kung... Pa'no kung mamatay tayo dito? Natatakot ako, Lj. The thought makes me shiver. Hindi ko pa gustong mamatay. I still want to live and fulfill my dreams but how?"
I can see uncertainty in her eyes. The same thing that I have here in me. Natatakot din ako, sobra. Her thoughts was the same thoughts as mine or maybe as ours. Kahit na sino sa loob ng sasakyang ito ay nangangamba. Kahit si Zoe na madaling uminit ang ulo o si Christian na maloko ay gano'n. Walang pili. Mahirap harapin ang maaaring mangyari gayong hindi mo tiyak kung ano ang kahahantungan mo. Kahit ganoon, may nakikita pa rin akong pag-asa. The thought na nasa loob kami ng van at bumabyahe was a relief. As long as we are breathing, hope won't stop coming. Marami pang rason para hindi kami panghinaan ng loob and I want Desirene to realize it.
So I said, "don't worry about the future first, let's worry about the present. Alam kong hindi basta-basta ang kinakaharap natin ngayon pero alam kong malalampasan natin itong lahat. Hangga't buhay tayo, Des, may pag-asa pa. All we need to do is to fight. Fight not only for our sake, but for the sake of our companions and our families. They are waiting for us on the other island. Buhay sila kaya 'wag kang mangamba. We will comeback to them, safe and sound. We will continue reaching out dreams when this cataclysm ends."
Sumilip si Jennie sa amin na nakikinig pala sa amin. "Fight, fight, fight. Don't lose hope, Desirene. We will face it side by side. Walang maiiwan. Sama-sama tayo hanggang sa malampasan natin 'to. Kapit lang, alam kong kaya natin 'to."
Hinawakan ko ang kamay ni Desirene. "Don't let fear conquer you, insan. Nandito lang kami. Hindi ka namin iiwan."
"Thank you sa inyo. Hindi ko alam kung paano ako tutuloy kung wala kayo," she smiled her tears away.
"No probem, insan. Tahan na. Mas lalo kang pumapangit n'yan, e," biro ko na ikinairap niya. "Hiyang-hiya naman ako sa ganda mo."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.