CHAPTER THIRTEEN
LJ'S POINT OF VIEW
"Hali kayo, mga bata. Pasok, pasok," anyaya nung lalaking tumulong sa amin na nagpakilala sa amin bilang William. Sa palagay ko ay mga nasa edad kuwarenta na siya.
Nag-aalinlangan kaming pumasok sa loob ng bahay at pinagmasdan ang kabuuan nito. May kalakihan ang bahay nila, magaganda at mukhang matitibay ang mga gamit na naka-display, at ang dingding naman ay may wallpaper na nakadikit. It reminds me of the house in the movie The Conjuring, minus the windows nailed with wood slabs and doors with wooden bolts that this house have. But don't get me wrong, the house is very welcoming and cozy. Napakaliwanag din ng lugar na isa sa mga gusto kong katangian ng isang bahay. Para sa akin kasi ay nagiging malungkot ang ambience ng bahay kapag hindi ito gaano kaliwanag.
"Mahal, nandito na ako! May mga kasama ako," tawag ni Kuya William (na gusto niyang itawag namin sa kaniya) sa asawa niya.
"Wil, ikaw na ba 'yan?" Patakbong lumapit sa amin ang isang babaeng mukhang hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Napatigil ito nang makita kami pero nagpatuloy din 'di kalaunan. "Jusko, anong nangyari? Ayos ka lang ba, mahal? Kayo mga bata?" Hinawakan nito ang braso ko at tumingin sa amin. Gusto ko sanang umiwas dahil hindi ako komportable kaso nakakawalang respeto 'yon kaya hindi ko ginawa. Tumango lang kami bilang tugon.
"Huwag kang mag-alala dahil ayos lang ako. Mas alalahanin mo sila dahil muntik na silang mapagpiyestahan nung mga halimaw doon sa labas kung hindi ko lang sila nakita. Mabuti na lang at hindi ako nahuli ng dating," inilagay niya ang raincoat na suot sa rack habang nagsasalita at itinabi ang hawak na baril.
Napatakip yung babae sa kaniyang bibig. "Gano'n ba? Salamat sa Diyos at ligtas kayo. Oh siya, dito na lang muna kayo tumuloy dahil delikado sa labas lalo na't may kasama kayong paslit," tumingin ito sa batang dala ko kaya napatingin din ako doon. Bumaling ito sa asawang lalaki. "Pakihatid sila sa magiging kwarto nila sa taas, mahal. At ako'y babalik sa kusina para dagdagan ang niluluto ko ng sa gayon ay makakain din sila."
Iginiya kami ni Kuya William pataas sa kwartong tutuluyan namin. Katulad sa baba ay maganda din dito sa taas. Binuksan niya ang isang pinto na malapit lang sa hagdan. "Dito ang mga babae, samantalang sa katapat na kwarto naman ang mga lalaki. Pasensiya na at hindi gaanong malaki ang kwartong 'to pero sa tingin ko ay kakasya naman kayo," kumuha siya ng mga tuwalya sa cabinet at ipinatong ito sa kama. "Gamitin niyo 'to para makaligo na kayo. Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang sabihin sa amin." Matapos kaming magpasalamat ay sinamahan naman niya ang mga lalaki sa kabilang kwarto.
Pinaupo ko sa isang upuan ang batang babaeng hawak ko. Inilagay ko naman ang bag ko sa sahig. Lumuhod ako sa harapan nung bata para pinagmasdan ito. "Okay ka lang ba, baby girl?" Pangungumusta ko sa kaniya.
Inilibot niya ang mga mata bago nakalabing tiningnan ako. "Mama... Papa..." Mukhang nataranta siya nang hindi niya nakita ang mga magulang niya. Tumahan na sana 'to kanina e, ngayon umiiyak na naman.
Kinarga ko siya ulit at hinele. "Hey, hey, 'wag ka ng umiyak, baby. Ligtas ka na. Nandito si ate. Huwag kang mag-alala," tinapik ko ang likod niya.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HororLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.