CHAPTER EIGHT
LJ'S POINT OF VIEW
Napakaingay ng paligid. Nakakapangilabot ang ingay ng pinaghalong mga sigaw ng mga galit na tao, ang pagpalahaw at iyak ni Mayor at ng sekretarya niya na pawang mga takot, at ang nakakapanindig balahibong palitan ng putok. Ngunit sa kabila ng mga ito, mas nanaig ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Halos para na nga itong naka-volume dahil sa lakas nito.
Kahit kailan ay hindi ko inisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon: ang makakita ng mga taong harap-harapang nagpapatayan. Para sa isang taong kagaya ko na sa kauna-unahang pagkakataon makakita at makaranas ng ganito, masasabi kong kahit gaano ka pa kaadik sa mga action films at gustong makaranas nito, kapag nandoon ka na mismo, walang pinipiling tao ang kakapitan ng takot.
Lahat kami ngayon ay nakadapa, crouching on the carpeted floor of the van, hands on our heads like we're on a freaking earthquake drill, and not moving a bit, afraid that if we did, we will get hit by a bullet, get wounded or even die. Masiyado kaming malapit sa pinangyayarihan ng shootout kaya magiging madali para sa mga ligaw na balang tamaan kami.
Napapaigtad kami kapag naririnig ang mga putok ng baril. Nanatili kaming tahimik ngunit ang iba'y hindi na napigilan ang kanilang impit na pag-iyak dahil sa emosiyong nararamdaman, katulad ni Desirene na nasa may gilid ko lang. Gustong-gusto ko man siyang yakapin para aluin ay hindi ko magawa dahil maging ako ay nilalamon rin ng kaduwagan. Ang nagawa ko na lang ay hawakan ang nanginginig niyang kamay at bigyan siya ng makahulugang tingin.
I flinched when a bullet pierced through the van's side (on the part where we are sitting), an inch above our head. Mas lalo ding lumakas ang iyak ni Desirene at mas umigting ang takot ko. Gusto ko mang sumigaw pero parang nawalan ako ng kakayahang magsalita. Nakarinig ako ng daing sa likod pero hindi ko iyon pinansin dahil halos malagutan ako ng hininga nang biglang nabutas at muntik nang mabasag ang bintana sa gilid ni Christian dulot ng balang lumusot sa nakabukas na bintana sa may side ni Zoe. Hindi yata iyon naisara kanina dahil sa pagpapanic. Nagsimula nang magkagulo ang mga kasama namin.
"Nyetang 'yan!" Hindi makapaniwala si Christian na nakatingin doon sa bintana habang nakahawak sa ulo niya na parang pinoprotektahan ito.
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "C-Christian, u-umalis na tayo dito! Dalian mo!" Utos ko sa kaniya na parang nagmamakaawa na. Sinunod naman niya ito kaagad kahit gaano pa siya natataranta.
Umayos na kami ng upo nang makalayo na, checking our comrades for any possible injuries. I didn't let the chance to check on my cousin slip from my hands. I inspected her body for any wound that may have brought by the bullet that pierced its way inside our van a while ago. "Des," I called her, trying to get her attention. "Des, okay ka lang ba? Hindi ka ba natamaan nung bala? Des."
Tumingin siya sa akin. Ang kaniyang mukha ay basa ng luha, namumula ang ilong, at medyo nanginginig pa. "D-don't worry about me. I'm fine," matapos no'n ay nagpunas na siya ng luha pero sumisinok-sinok pa rin. Naawa ako sa kalagayan niya kaya niyakap ko siya habang hinihimas ang kaniyang likod.
"Lj, ikaw, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Alalang tanong ni Roland sa tabi ko. In-inspeksiyon din niya ako kagaya nung ginawa ko kay Desirene.
Umiling ako. "Ano ka ba, okay lang ako 'no. Ikaw? Baka ikaw ang hindi okay diyan, ha?"
His lip curved up a little, giving me a small smile. Amusement is evident in his eyes. "Nope, okay lang din ako."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.