CHAPTER ELEVEN

111 7 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Marahan ngunit alertong pumasok si Lj sa loob ng malaki't natitiklop na pintuan ng talyer kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Christian, Zoe, at Roland. Habang ang iba naman nilang kasama ay naiwan sa kanilang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan. Nandodoon sila upang humanap ng ekstrang gasolina. Sa kasamaang palad kasi ay malapit nang maubos ang kanilang gasolina at malayo pa ang susunod na gas station. Sukat ba naman kasing iwanan ni Christian yung extra sa bahay nina Izelle na dapat ipang-re-refill sa van kapag naubusan ito.

Ang talyer na kung nasaan sila ngayon ay kilala hindi lang sa pagiging car repair shop nito kun'di pati na din sa pagbebenta ng mga spare parts, gamit pang-sasakyan, at iba't-ibang klase ng gasolina. Makikita sa pinakabungad ng shop ang garahe kung saan nakahanay ang mga sasakyang nasa proseso pa ng pag-aayos na halatang iniwan na lang basta-basta. Sa likod naman ng mga sasakyang ito ay ang counter kung saan pwedeng bumili ang mga costumers ng mga kailangan ng kanilang sasakyan. The place looked untouched, but the teenagers know the danger that might be lurking inside.

Habang hawak ang kanilang mga armas-pamproteksyon, dumiretso sila sa counter para hanapin ang pakay nila. Pumasok sina Lj at Roland sa isang pinto sa pagbabaka-sakaling may makita silang kapaki-pakinabang doon samantalang ang dalawang magkapatid naman ay pumunta sa likod ng counter.

Lumangitngit ang pintuan nang buksan ito ni Lj. The whole room looks spooky because of the dim lighting. If only the sun was not covered by clouds today, the room would look more lively. It looked like a worker's lounge and partly a stock room with shelves and boxes piled on the other end. The two headed for the nearest shelf, checking things that might be helpful to them.

"Makulimlim ang langit. Uulan pa yata," bulong ni Lj sa sarili nang magawi ang tingin sa bintanang jalousie.

"You know, that girl..." Roland said out of the blue. Tinitingnan nito ang isang maliit na karton.

"You mean, Gwen?" Tukoy niya sa babaeng tinulungan nila kagabi.

Si Gwen ay ang babaeng kasing-edad lang nila na nakita nila sa gilid ng kalsada kagabi. Walang taong nakatira sa lugar na iyon at puro puno lang makikita kung saan nila ito natagpuan. Pinahinto sila nito para hingan ng tulong. Dahil sa kawalan ng lamp post sa daan ay muntik pa nilang akalain na isa itong multo kung hindi lang ito nagpakilala sa kanila. Nakiusap itong ihatid siya sa pamilya niya dahil naaksidente ang sinasakyan nitong bus pauwi dulot ng kaguluhang dala ng biglaang pang-aatake ng mga taong kasama niya doon.

Dulot ng awa ay pinasakay nila ito matapos inspeksyunin ni Izelle ng buong katawan ng babae. Iisa lang naman ang daan na kanilang tinahak papunta sa address na itinuro nito at sa pakay nila kaya'y hindi naging mahirap ang paghatid nila dito. Madaling araw na nang maihatid nila ito sa pamilya nito na labis ang pasasalamat sa kanila.

"Yes, I..." Roland was reluctant at first, but still chose to speak. He was still not convinced that the girl told them the truth. Gusto niyang malaman kung hindi lang ba siya ang nagsususpetya sa babaeng 'yon. "I don't like her. She looks suspicious. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya. May kakaiba sa kaniya."

Humarap siya sa binata. "You mean, you're afraid that she might be an infected and she infected us secretly? Gano'n ba?"

"No! That's not what I mean."

"Oh, e, anong palang ibig mong sabihin?" Lumapit siya sa tambak ng mga piyesa para suriin ito.

Nang walang makitang importante si Roland sa karton ay lumipat ito sa ibang estante. "Ramdam ko na may tinatago siya sa atin. She looks fine. Parang hindi siya nasangkot sa isang aksidente e. The looks on her face told me that she's not afraid of what's happening, more on she's afraid on something. Something that we don't know about. And the way she looked at us, I can see pity."

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon