CHAPTER SIX

284 12 1
                                        

CHAPTER SIX

LJ'S POINT OF VIEW

"Ang sama mo," dinig kong sinabi ni Desirene na nasa tabi ko na pala.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko. Did she read my mind or something?

"Narinig ko yung sinabi mo..." Tinuro niya yung tainga niya. "with my ears."

Napagtanto kong nasabi ko pala ito ng malakas. It was supposed to be on my mind only but it escaped out of my lips. Kaasar!

"Move on na, besh," malakas niyang tudyo sa akin na sanhi para mapatingin sa amin yung iba pati yung isa. Hahablutin ko na sana siya pero nakalayo siya kaagad sa akin. Argh!

Sinong kailangan mag-move on? Me? Duh, I already moved on. I wouldn't waste my time again with that jerk. He isn't worth my time. Past is past kagaya ng sinabi ni Christian. I just wondered why he is still alive. Not that I am being rude. I'm just wondering, that's all. Like why the heck am I thinking?! Pake ko ba sa kaniya?

I glared at her but she didn't took it seriously. She just giggled. Hindi ko na siya pinansin at nakinig na lang sa pang-i-interview ng mga kasamahan ko dun sa ugok na nasa sahig. "Johnder, how did you get here?" Tanong Christian.

"Some people chased me while I was riding my bike on my way to school. They tried to attack me so I run and took refuge here. Kayo, bakit kayo nandito?" Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon na suot.

Ipinakita ni Jennie yung mga dalang mineral water. "Kumukuha kami ng supplies na kakailanganin namin sa byahe papunta sa ES."

"ES?" Naguguluhang tanong niya.

"Oo. Evacuation site ang ibig sabihin noon. Maraming evacuation sites na pwede likasan ng mga tao. Ang pinakamalapit na ES sa atin ay ang UBEC evacuation center at doon ang punta namin," sagot ni Alice.

"Safe ba do'n? Ano bang nangyari at bigla na lang nagkaganito? T-those people outside, tao pa ba sila?"

"Sa tingin mo tao pa sila? May tao bang nangangain ng kapwa tao? Itapon kita sa labas e, tingnan natin kung matawag mo pa silang tao." Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi ko 'yon masabi sa kaniya. Ang slow e. Nakakapikon.

Inakbayan siya ni Zalder. "So far, yun ang pinakaligtas na lugar na pwede nating puntahan. Mula sa supply ng pagkain, matutulugan at seguridad ay nandodoon kaya wala ng dapat pang isipin. Tungkol naman dun sa mga nilalang na nasa labas, no, hindi na sila tao. They're zombies. Rawr!" Itinaas pa niya ang dalawang kamay na parang mangangalmot. Abnormal.

"Nakakatakot malaman kung ano ng nangyayari sa bansa natin. O, sa bansa lang ba natin?" Makahulugang sabi ni Alice.

"But if you insist, I will tell you later," dugtong ni Zalder. Johnder just nodded.

"Why don't you come with us? Hindi ka ligtas dito," Jennie suggested.

Ano?!

"Pero wala ng space. There is only one seat left which is for Izelle's mother," Kelly opposed.

"Saka na tayo mag-isip kapag kasama na natin ang mama ni Izelle. Atsaka, hindi naman mahaba ang byahe papunta sa pantalan kaya kakayanin naman yata ni Johnder na sumiksik na lang sa sulok. Not that I want him to do that, pero wala ng choice. We can't leave him here," giit ni Jennie.

"Look like the situation left us no choice. Sige, isasama natin si Johnder. Leaving him here is like killing him with our own hands. Okay lang naman yata iyon sa kaniya. Diba, Johnder?" Zoe looked at Johnder questioningly.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon