CHAPTER THIRTY-THREE
LJ'S POINT OF VIEW
Is it really him?
May parte sa akin na gustong-gusto siyang puntahan at kumpirmahin kung totoo ba siya pero hindi ko magawa. It's just too impossible. I saw him took his last breath. I've witnessed how he drop dead on the sand. And now he's here? Nababaliw na yata ako.
Tinalikuran ko ang kung sino man ang taong iyon na nakikita ko bilang si Johnder. I shouldn't get my hopes up because this is not a movie. The only thing that can possibly rise from the dead right now is a zombie. Not him.
Saglit akong natuod nang biglang may tumawag sa akin. It came from the direction where I saw Johnder. He's calling me.
"Lj!" Sigaw nito. Ramdam ko ang mga yapak na papalapit sa akin. "Teka!"
Sinubukan kong maglakad palayo pero hindi nakayanan ng tuhod ko. Dala ng pagod at gutom kaya bumigay ang mga ito. Bago pa man ako tuluyang matumba ay may sumalo sa akin.
"Are you okay?" Mahahalata ang pag-aalala sa boses niya. Hindi ako sumagot kaya tinapik niya ang mukha ko. "Stay with me, Lj. Please."
Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko. With my head spinning and slightly blurry vision I was able to say his name. "Johnder?"
"Oh god, I thought I've lost you." Niyakap niya ako. "It's me, Roland," sagot niya.
"Roland?" Bulong ko.
Kanina si Johnder, ngayon naman si Roland? What's happening with me?
"Yes," sagot niya.
Mabilis akong lumayo sa kaniya. "But you're dead," nauutal na sambit ko. "How come— am I imagining things?" Bulong ko sa sarili ko.
Mahina siyang napatawa sa reaksyon ko. "Look, I'm here with you. I'm alive," dumipa siya para ipakita ang kabuuan niya. Puno siya ng sugat at pasa pero mukha naman siyang totoo.
"You're alive, but they said..." Hindi ko natapos ang dapat ay sasabihin ko. Nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"It seems like they've lied to you too," he concluded. "Hey, what's wrong?" Tanong niya nang mapansin na umiiyak ako.
Yumuko ako. Inis na inis ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa mga kasinungalingan nung taong 'yon. Sa ginawa ko ay para ko na din sinabi na wala akong tiwala sa mga kaibigan ko. I am such fool. Fool!
"I'm sorry," I murmured repeatedly. Hindi ko siya matingnan sa mata.
"Why are you saying that? May ginawa ba silang masama sayo?" Tanong niya pa na hindi ko sinagot. I remained silent. "You don't need to tell me. Whatever they did to you, I will never forgive them."
Except it's about what I did.
"Tahan na," sabi niya. "It's really hard for me to see you cry."
Pinunasan ko ang luha ko bago siya hinarap. "What do you mean?"
Siya naman ngayon ang hindi makatingin sa akin. "Let's go. Kailangan na nating makaalis sa lugar na 'to," sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko
"I can't go with you yet. I need to find Desirene and Reese first," pigil ko sa kaniya.
"Sasamahan kita," saad niya. Bago pa man ako maka-hindi ay nagsalita siya ulit. "I insist."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
TerrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.