CHAPTER ONE
LJ'S POINT OF VIEW
Kumuha ako ng isang fish cracker sa mga groceries namin saka nagsimula itong lantakan habang nagpapalipat-lipat ng channel. Tumigil ako sa pagpindot sa remote nang mapunta ako sa animax.
Kanina pa nakauwi yung mga kaibigan namin. Nag-sleepover party kasi kami kagabi. Siguradong ilang minuto na lang ay papasok na kami kaya sinusulit ko muna ang bonding time namin ng baby TV ko.
Napatigil ako sa pagsubo nang magsalita si Desirene.
"Lj, hindi mo ba napapansin na parang sobrang tahimik naman yata ngayong umaga?" Tanong niya sa akin. Nagpapalakad-lakad siya sa tabi ng bintana tapos sisilip makaraan ang ilang segundo.
Napakunot-noo ako. "Ha? Wala naman. Hoy, tumigil ka nga sa pagpapabalik-balik mo dyan. Maaga pa kaya siguro ganyan. Atsaka, piyesta kaya kahapon kaya paniguradong pagod ang mga tao," sagot ko saka binalik ang tingin sa telebisyon.
"E parang ang creepy lang kasi e. Iyon bang feeling mo may kakaibang nangyayari tapos wala man lang tayong kaalam-alam?"
Hindi na siya nakatiis kaya sumilip na ulit siya sa bintana.
Parang tanga 'tong isang 'to.
"Alam mo, masiyado kang praning. Umupo ka na lang kaya? O manood ka na lang din?"
Umismid siya pero umupo din naman sa tabi ko. "No way! Makapang-invite ka wagas, puro anime naman ang pinapanood mo," buwelta niya na nakapagpa-irap sa akin.
"Palibhasa ang gusto mong panoorin ay yung mga baby mo! What are they called again? Tommorow walang forever?" Pang-aasar ko.
Humalukipkip siya at sinamaan ako ng tingin. Nagalit yata kasi nilait ko yung idols niya.
Gusto ko tuloy matawa kaso pinigilan ko. Overprotective pa naman siya sa mga iniidolo niya, e ang alam lang naman ng mga 'yon ay magpa-cute.
"Palibhasa bitter ka."
Napalingon ako sa kaniya nang bumulong siya bago sagutin ang nag-iingay niyang cellphone.
Bitter? Hah! Sinong bitter, yung ampalaya?
"Oo, bihis na kami," sagot niya sa kausap. Pakiwari ko ay si Zoe yung nasa kabilang linya.
Patay, baka nag-aalburoto na 'yon dahil nasa bahay pa kami!
"Okay. Magkita na lang tayo sa waiting shed." Pinatay niya ang linya tapos ay tumayo na.
"Si Zoe yung kausap mo? Pinapalabas na tayo?" Tanong ko.
"Malamang, sino pa ba? Hinahanap na nila tayo kaya tara na."
Inambahan ko siya ng batok kaya umiwas siya habang natatawa.
Pilosopong unggoy.
Pinatay ko ang TV saka sumunod na sa kanya pababa ng apartment na tinutuluyan namin.
Paglabas namin ay nagtaka ako.
Nanonood ako kanina kaya hindi ako sumali sa ginagawa ni Desirene kaya hindi ko alam na sobrang tahimik pala talaga dito sa labas. Akala ko nag-o-overacting lang siya pero hindi pala. Kahit sinong makakakita sa lugar namin ngayon mangingilabot sa katahimikan ng lugar.
Habang naglalakad kami ay napalingon ako nang may marinig na napakatinis na ingay na parang galing sa isang pusang nasasaktan. Mukhang hindi ito naririnig ni Desirene dahil naka-earphones siya.

BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorrorLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.