PROLOGUE

462 22 2
                                    

PROLOGUE

Pinagmasdan ko ang imahe na nasa screen. It's an image of a virus, Ax1 virus to be exact. This virus was made to make a dying person live longer. It did, but the side effect was beyond what we expected. It can turn anyone into a mindless cannibalistic being.

Hinalughog ko ang bunton ng mga papel na nakakalat sa lamesa ko. Lahat ng ito ay tungkol sa experiments na ginawa namin, the tests, the outcomes, lahat. Ilang taon na namin itong ginagawa pero laging may mali. It's as if the side effect is inevitable. Maging ang lunas ay hindi namin mahanap.

"Bakit hindi namin mahanap kung ano ang mali? Ano ang mali?" Napahilamos ako sa mukha ko. One wrong move ay maaaring kumalat ang virus. It will surely bring humanity to it's end. Damn!

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. I browse all the files tungkol sa experiment na pwedeng tingnan. Ilang araw na kaming walang maayos na tulog dahil kailangan na naming mahanap kung ano ang mali o kung hindi man ay kailangan naming mahanap ang lunas. Hindi din nakakatulong ang laging pagwawala ng A1 experiment na siyang tinurukan namin ng virus. It is contained in a thick glass tube pero hindi pa rin namin masasabing hindi ito makakawala. It's bloodlust grows stronger as the time pass by.

Naalerto ako nang pumula ang paligid. Isang palatandaan na may nangyayaring hindi maganda sa labas.

"Warning! The A1 experiment has been emancipated," a computer voice announced. Pagbalik-balik ito. Maririnig din ang ingay ng mga taong nagkakagulo sa labas.

Shit! This is not happening! Hindi pwedeng makawala iyon! It will bring havoc to everyone.

Dali-dali kong kinuha ang baril na nakatago sa cabinet ko. We have this for emergency purposes and it's the right time to use it. Kailangan kong protektahan ang sarili ko sa maaaring mangyari. I need to go to the main room para kuhanin ang mga files and documents tungkol sa experiments at ang possible antidote ng virus na hindi pa namin nasisiguro ang one hundred percent effectiveness. I need to secure it, kung hindi ay masasayang ang pinaghirapan namin.

Hindi soundproof ang kuwartong kinalalagyan ko kaya ay maririnig talaga ang sunod-sunod na sigawan ng mga tao at ang patuloy na pagsasalita ng computer voice. Makaraan ang ilang minuto ay nawala ang lahat ng ingay. An eerie silence insued in the whole laboratory. Mukhang alam ko na ang nangyayari.

"Kung tumahimik na, isa lang ang ibig sabihin nito: kaunti na lang kaming natitirang buhay," bulong ko sa sarili ko. Sana mali ang iniisip ko.

Nagmamadaling lumabas ako sa silid. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa kuwarto kung nasaan ang pakay ko. I discreetly slid down the corridor. Nagkalat ang dugo na sa tingin ko ay galing sa mga siyentistang nabiktima ng A1 experiment. The walls are not an exception. Blots of red adorned the once pure wall as if presaging an ill fortune. Guts and corpses with missing limbs are scattered on the white tiled flooring. Gusto kong maduwal sa mga katawang halos hindi na makilala dahil sa pagkakakagutay-gutay nito pero hindi ito ang tamang oras para mag-inarte.

Nang malapit na ako sa mismong kuwarto, I saw a horde of bloody scientists swaying back and forth while walking in an unstable pace. Tumago ako sa isang sulok. There was too many of them. Hindi ko sila kaya. Siguradong pagtutulungan nila ako. I need to distract them. Dun ko naalala ang perfume na lagi kong dala-dala. I can distract them with it.

Kinapa ko ang perfume sa bulsa ng lab coat ko at sa kabutihang palad ay nandoon naman iyon. Kinuha ko ito at inihagis sa kabilang banda ng corridor malayo sa akin. Ang maingay na pagbagsak nito ay naging sanhi ng marahas na pagbaling ng atensyon ng mga cannibals doon. Nag-unahan sila sa paglapit kung saan napunta ang bote. I sighed in relief. Ngayon pwede na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

I was hurriedly running for the door when I heard a gurgling sound almost a growl not far from me. "Shit!" I cursed in disbelief.

Nang maabot ko na ang pinto ay nagmamadali ako sa pag-enter ng passcode. Dala na rin siguro ng pagkataranta ay laging mali ang napipindot ko. Sinabi ko nang palitan na nila ang lock at gamitin ang biometric scanning para mas madali pero hindi sila nakinig! Ayan tuloy, ako ang namomroblema!

I nervously glanced at the cannibal. I saw it sniffing around. Patay, naamoy niya ako! Nang mapansin niya ako ay mabilis itong tumakbo papunta sa akin. Sinubukan ko itong barilin pero walang lumabas na bala. Nakalimutan ko pala itong lagyan ng bala kanina. Naiinis ko itong isinilid sa bulsa ko bago tinuloy ang pag-enter ng passcode.

"Shit! Shit! Shit! Bumukas ka na!" Hindi ko na mabilang ko maka-ilan ako nagmura. Papalapit na ito sa akin at segundo na lang ang bibilangin para gawin ako nitong pagkain.

Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang marinig ko ang pag-click ng pintuan bilang palatandaan na bukas na ito. Nagmamadali akong pumasok. Sinarado ko ito pero hindi umilaw ang green na light, ibig sabihin lamang na hindi pa ito naka-lock. Sira na naman ba 'to?

Kumalabog ang pintuan mula sa labas. The creature is banging itself on the door. I threw myself forward against it, not letting the creature to enter. Makaraan ang ilang segundo ay na-lock na din naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag. The cannibal outside continued banging itself on the door. Hindi na ako nag-aalala pa dahil alam kong hindi na ito makakapasok.

Tumungo kaagad ako sa computer kung saan nakalagay ang experiment data. Nagmamadali ko ito isinave sa isang USB na nakita kong nasa tabi ng computer. Isinilid ko ang USB sa bulsa ko matapos i-save ang mga data. Kinuha ko din ang antidotes at inilagay ito sa black box nito.

Handa na sana akong lumabas ngunit napatigil ako nang makarinig ng mahinang paghingal. Kumuha ako ng bagay na pwedeng gamiting panlaban kung sakali mang isa ito sa mga infected. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinanggalingan nito.

"Dr. Biskmar!" Bulalas ko. Dinaluhan ko ang lalaking nasa sahig at duguan. May malaking kagat siya sa tiyan. "Anong nangyari sayo? Tatawag ako ng tulong. Kailangan mong magamot."

"Hindi na 'yon mahalaga pa. Malapit na akong maging isa sa mga infected kaya huwag ka nang mag-abala," binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Hindi ko mapigilang makisimpatya. Hindi ko alam na sa ganitong pangyayari pala kami babagsak. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana pala hindi na lang namin ginawa ang bagay na iyon.

"A-anong bang nangyari?" Tanong ko.

"Isang grupo ng 'di kilalang armadong lalaki ang nanloob sa lab. Ninakaw nila ang ibang samples ng Ax1 virus at pinakawalan ang A1 experiment."

Kumunot ang noo ko. "How come?"

"Ang hinala namin ay may kasabwat sila sa loob kaya madali lang silang nakapasok na undetected ng security personnels." Hinawakan niya ang balikat ko. "Kaya hindi ka pwedeng mamatay. Ikaw na lang ang natitirang pag-asa namin. Sigurado akong wala ng iba pang natira maliban sayo. Gawin mo ang lahat ng makakakaya mo para makalabas dito at ipadala ang balita sa PH CDC."

Malungkot ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang panggigilid ng mga luha sa mata ko. "Pero paano ka? Hindi kita iiwan."

"Hindi ako pwedeng sumama sayo. Ilang minuto na lang ay m-magiging kagaya na nila ako. Kaya iwanan m-mo na a-ako." Nanlumo ako sa sinabi niya. Lalo na nang sumuka na siya ng dugo.

"Pero----" Akmang hahawakan ko siya nang pinigilan niya ako.

"Dali na! Iwan mo n-na sabi ako e! Sayo nakasalalay ang lahat! Kaya umalis k-ka n-na!"

Wala akong nagawa kun'di sumunod pero bago pa man ako lumabas ay nagsalita ako, "paalam, masaya akong naging katrabaho kita."

"Ako din. Mag-ingat ka k-kaibigan ko." Halos hindi ko na narinig ang sinabi niya. Nawalan na din siya ng malay.

Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi ko. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko kayo bibiguin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya kahit buhay ko man ang kapalit. Para sa buong mundo, para sa mga tao, para sa iyo, kaibigan ko.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon