CHAPTER TWENTY-SIX

100 7 1
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

ROLAND'S POINT OF VIEW

"Wait! We have the things that you and the other organization wants," pagsisinungaling ko. "If you want it, then you should help us."

The familiar officer guy looked surprised for a second but acted as if he's not bothered by it after. Gano'n man ang inakto niya ay alam kong interesado siya sa sinabi ko dahil kaagad niyang inutusan ang pinakamalapit sa kaniya na tulungan akong makaakyat kung nasaan sila. Inihulog naman nito ang hagdan na gawa sa kahoy at lubid na dali-dali kong inakyat, hirap man ako dahil karga ko si Lj.

"Dalhin mo yung babae sa health station at ihanap mo ng doktor na pwedeng makatulong sa kaniya," utos ulit nung pamilyar na lalaki doon sa taong nagbaba nung hagdan kanina. Tumalima naman kaagad ito.

"Please take care of her," pakiusap ko dito nung papaalis na siya karga si Lj. Tumango lang ito sa'kin.

"And for you, follow me," ma-awtoridad na saad nung pamilyar na lalaki sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung nakita naming walang takot na humarap sa mga kalaban doon sa Town Hall noon. Looking at him back then, I know that he's not just an ordinary bodyguard. He's too bold to be one.

Walang imik ko siyang sinundan hanggang sa marating namin ang kanilang parang military base na nakapalibot sa labas ng ES. Hinaharangan naman ng mga pinagpatong-patong na sako ng buhangin sa labas na nilagyan ng mga barb wires at iba pang pwedeng iharang. Nagtayo din sila ng mga maliliit na lookout towers (kung saan kami umakyat kanina) para i-monitor ang mga nangyayari sa labas.

He took me first to a inspection tent to make sure that I'm not infected before we went to another tent to get new clothes for me. I think this is where he stays.

"You're done so now we'll talk," sabi niya matapos akong makapagbihis. Sinenyasan niya akong umupo sa upuang kaharap niya.

"We can't. Well, not for now," pagsalungat ko sa sinabi niya. "We still need to wait for our friends. They are still out there and I need to make sure that they'll make it here alive before I'll talk."

Napaayos siya ng upo. "That's not what you said before."

"The things that I know are incomparable to the things that they know. Kung tutulungan mo din sila ay masiguro kong sobra pa sa sobra ang makukuha mong impormasiyon sa amin," I reasoned out, trying to persuade him.

"You're not toying on me, are you?" He eyed me suspiciously. Sa tingin ko ay hindi siya naniniwalang may alam ang labingwalong taong gulang na batang kagaya ko tungkol sa isang napaka-confidential na bagay na maski sila ay nahirapang hanapan ng impormasiyon.

"I already told you I'm not," depensa ko.

This man's reaction earlier confirmed the information that I got when I was staying in the underground prison. Ayon sa isa sa mga nakasama ko sa loob ng kulungan ay hindi lang ang mga kalaban namin ang gustong makuha ang black box at USB na ibinigay sa amin ng Tita ni Izelle dahil pati ang gobyerno ay interesado dito. The goverment hired secret agents that the main goal is to retrieve the things.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon