CHAPTER SEVENTEEN

157 7 0
                                        

CHAPTER SEVENTEEN

LJ'S POINT OF VIEW

Ikinuyom ko ang kamao ko nang marinig ang unti-unting pagkalabit niya sa gatilyo ng baril. Gusto ko mang manlaban pero alam kong hindi ko kaya. Hinintay ko ang sakit ng pagtama sa akin ng bala pero hindi iyon dumating. Lumingon ako nang marinig kong sumigaw ng malakas yung lalaking nasa likod ko. I almost lost my balance when I saw Liam biting his neck off.

"P-putangina! Lumayo ka sa a-akin!" Pilit niyang itinutulak si Liam palayo pero hindi niya magawa. Parang nawalan na siya ng lakas na gawin ito.

Nanginginig ang kamay kong pinulot ang box na nahulog kanina. Napansin kong nasa sahig na yung baril na hawak ng lalaki kanina kaya kinuha ko din ito.

Tumingin siya sa akin. "Hoy! T-tulungan mo a-ako! H-hoy!!!" Sumuka na siya dugo ng 'di malaon. Wakwak na ang gilid ng leeg niya at umaagos na din doon ang malapot na pulang likido, kulang na lang ay maligo na siya dito.

Walang lingon na tumakbo ako palayo sa dalawa. Hindi ko gustong tingnan pa ulit ang lalaking iyon na mag-agaw buhay. It will surely hunt me in my dreams and I don't like that. Gusto kong mang magpasalamat kay Liam dahil iniligtas niya ako pero hindi ko kayang matuwa dahil namatay ang taong parang kanina lang ay gusto akong patayin. I'm not that evil.

Nang makalabas ay dumiretso ako papunta sa harap ng bahay para tingnan kung nandoon pa ba ang mga kasama ko at tama nga ako. Kahit pinakawalan na sila nung mga lalaki ay hindi pa din sila hinayaang makatakas ng mga ito. Their guns are pointing at them again like how I saw them a while ago. Papasok naman sa bahay yung patpating rebelde kasama ang isa para siguro tingnan kung ano na ang nangyari sa kasama nila.

Just when I thought, my friends would finally get captured, Zalder's car suddenly smashed it's way unto the scene. Talagang literal na smash ang ginawa nito dahil inararo nito yung gate. Muntik na nitong sagasaan yung mga lalaki kung hindi lang nakailag ang mga ito. Inabala nito ang mga iyon habang tumatakas sina Izelle.

"Wohooo!!! Come here shits, I'm gonna crush you until you flatten like a tin can!" Naaaliw na sigaw ni Christian mula sa kotse. Sinundan niya ang mga lalaking tumatakbo na palayo dahil sa takot na masagasaan. May ibang pinapaputukan siya. Saglit na gumewang ang sasakyan pero mukhang ayos lang naman siya.

Tama si Izelle, may plano nga talaga siya. Mukhang ako lang yata ang walang alam sa aming lahat.

Nang masigurong nakatakas na ang mga kasama ko ay binalikan ko yung mga patapong karton na katabi ng basurahan, 'di kalayuan sa bahay. Kinuha ko mula doon ang iilang tubes na may dalawang klase ng likido. Ito ang laman ng black box na hindi ko man alam kung para saan pero alam kong napaka-importante. Dito ako dumaan kanina bago ako bumalik. Kinuhaan ko kasi muna ng laman ang black box para kung sakali mang makuha nung mga terorista ang mga ito ay hindi pa din sila tuluyang magtatagumpay.

Pagkatapos ay maingat kong tinunton ang daan papunta sa kalsada para hanapin ang mga kasama ko. Naging maingat ako para masigurong walang makakakita sa akin. Nakarinig ako ng maingay na pagtakbo ng animo'y mga sasakyan kaya sinundan ko iyon. There I saw our vehicles, conquering the road like they own it.

Papalapit pa lang sila kaya tumalon-talon ako at kumaway para makuha ang atensiyon nila. "Hey! Here!" Pero mukhang walang nakapansin sa akin. Out of impulse, I tried going to the opposite side of the road despite knowing that it was not a good idea at all. That was the dumbest thing to do in that situation for I was almost crushed by the van. Mabuti na lang at nagawa nila akong iwasan kaagad na dahilan upang muntik na silang ma-aksidente.

Iniluwa ng van si Zoe. "The fucking shit, Lj! Are you fucking trying to kill all of us, you dipstick?!" Bulyaw ni Zoe. Lumingon siya sa pinaggalingan nila. "Nandiyan na sila! Pasok!" Itinulak niya ako kaya hindi na ako nakaangal pa.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon