CHAPTER TWENTY-SEVEN

84 7 2
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

KELLY'S POINT OF VIEW

"Ano bang pinagsasasabi mo, Zoe?" Hindi makapaniwalang tanong ni Izelle kay Zoe. She eyed her like she's starting to get irritated by her.

Instead of answering her, Zoe looked at me. "Oh, bakit hindi mo sabihin sa kanila kung anong ginawa mo? Ngayon mo ipakita ang tapang mo," sarkastikong aniya.

I glared at her but didn't say a word. Nilingon ko si Izelle na nakahawak sa akin at iwinaksi ang kamay niya. "Don't touch me," malamig kong sabi sa kaniya.

How dare she act like she care when they just left us there to die?

"Kelly..." Halatang nagulat si Izelle sa pamamaraan ng pakikipag-usap ko sa kaniya. "W-Why?" Sinubukan niya akong hawakan ako ulit kaya malakas kong tinampal ang kamay niya palayo.

Pinagpagan ko ang sarili ko nang makatayo. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako nagkaganito?"

"N-No, please kung may sama ka man ng loob sa akin ay huwag mong daanin sa ganito. Ikaw nalang ang meron ako, Ke. I can't lose you too," her eyes were begging.

Umiling ako. "Talaga bang wala kayong ideya kung anong ginawa niyo? Hindi niyo man lang ba alam kung gaano naging miserable ang ilang linggo ng buhay ko--- namin ni Alice ng dahil sa inyo?!"

"Why are you acting like that, Kelly?" Pagsingit ni Roland.

Umirap si Zoe. "Ang kapal mo namang sabihin 'yan eh ikaw nga ang may atraso sa amin."

"Shut up! Wala kang alam," baling ko sa kaniya. Magsasalita na sana siya ulit pero pumagitna na si Roland sa amin.

"Zoe, let's hear her first," pigil niya kay Zoe. "Tell us Kelly, why are you acting like that?"

"Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo kung bakit?" Sarkastiko kong sambit.

Binalewala niya ang pagiging sarkastiko ko. "Yes, tell us. Hindi natin maaayos ito kung hindi mo sasabihin," tugon niya.

"Kapag sinabi ko ba sa inyo ay maibabalik niyo si Alice? Hindi, diba," umismid ako.

"A-anong ibig mong sabihin sa maibabalik? Did something happen to Alice?" This time si Lj naman ang nagsalita. Mukhang may ideya na siya kung ano ang sagot.

Gusto kong magalit dahil parang kinalimutan lang nila ang ginawa nila sa amin. "Well, of course something happened. Namatay lang naman si Alice ng dahil sa inyo! Iniwan niyo kami ng wala man lang kalaban-laban. We were scared and was hoping for any of you to come and help us, but no one came! Kung hindi niyo lang sana kami pinabayaan ay sana buhay pa si Alice hanggang ngayon!"

Kahit maraming araw na ang lumipas ay sariwa pa rin sa akin ang lahat. Mula sa nangyari sa barko hanggang sa huling ekspresyong nakita ko sa mukha ni Alice bago siya binawian ng buhay.

[Flashback]

I watched Alice with wide eyes as she fall into the raging sea.

"Aliccceee!!!" Sigaw ko. Halos hindi ko malaman ang gagawin dahil sa pagpapanic.

Sinubukan kong aninagin si Alice sa ibaba pero dahil sa dilim ng paligid ay hindi ko siya nahagilap. Hindi din nakatulong ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang patuloy na pag-alog ng barko. I was left with no choice but to jump and save her.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko habang papabagsak ako sa dagat. Malamig na dumampi ang tubig-dagat sa katawan ko. Kaagad ko namang nakita si Alice na papalubog na sa kailaliman. Lumangoy ako papalapit sa kaniya. Nakapikit siya kaya ay mahina kong tinapik ang pisngi niya para gisingin siya. Thankfully, she opened her eyes slightly. Ginamit ko ang buong lakas ko para hilahin siya pataas.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon