CHAPTER NINE

106 9 0
                                    

CHAPTER NINE

LJ'S POINT OF VIEW

"Kung sa tingin ni Christian ay suicide kung pupunta si Izelle doon ng mag-isa, edi samahan! Problema ba 'yon? Let us get suicidal together!" The words reverberated in my mind to the point that I want to shake my head hard just to get rid of them.

Nababaliw na yata ako nung sinabi ko ang mga 'yon. No one knows how badly I want to beat myself for suggesting that kind of thing. Ang gusto ko lang naman ay tigilan nila ang kakaaway at pag-usapan ng maayos ang desisyon na dapat gawin. Yun lang! Pero hindi ko inaasahan na kakagat sila sa sinabi ko.

Sino bang nasa tamang pag-iisip ang aasa na papayag silang pumunta kami doon ng magkasama ng walang kasiguraduhan na makakabalik pa kami ng buhay? The idea is just so insane to the point of becoming absurd! Hearing the idea itself gives me chills, paano pa kaya nung sinabi ko, diba?

Ayan tuloy, naiipit ako sa sitwasyon. I am torn between coming with them, and be a coward and flee. But because like what Christian said, we still---- I still have a conscience at hindi ako papatulugin ng konsensiya ko kung hahayaan ko silang ibuwis ang buhay nila doon habang ako ay ligtas na tatawid ng isla papunta sa pamilya ko. Kasi in the first place ako yung nag-suggest. I should be in the front line! At isa pa, bago pa man mamatay si Ms. Claiborne, isa ako sa mga taong pinagkatiwalaan niyang maghahatid ng mga gamit na 'yon. Before she took her last breath, she looked at me with pleading eyes. Those eyes that will haunt me forever if I failed to grant her last wish.

I just wish that all things will go exactly as planned. I don't want to a be pessimist, pero kasi kung ano mang mangyaring masama sa byahe naming ito, the blame would be automatically on me. Kaya ipinagdarasal ko sa Diyos na sana, sana, sana lang talaga ay walang mangyaring masama kasi kung meron man, sarili ko ang unang sisisihin ko. Even though it sounds very impossible.

I felt someone nudged me on my elbow. It was no other than my cousin. "Lj, nandito na tayo. Bumaba ka na."

"A-ah? Ay sorry," wala sa sariling paumanhin ko bago lumabas sa van. Kami na lang palang dalawa ang natira sa loob.

Sinalubong ako ng malakas na simoy ng hangin pagtapak ng mga paa ko sa labas. Naghahari ang kulay dilaw at kahel sa kalangitan na isinasaboy ang kanilang kinang at ganda sa paligid. The warm salty breeze along with the sound of waves crushing on each other somehow made my nerves calm, though not enough to ease my mind.

Nandito kami ngayon sa Deguet Port. We travelled all the way here to send off our friends before we head North. Ito lang kasi ang kaisa-isahang pantalan dito sa Isla ng Sogren na dadaungan ng mga barkong hahakot sa mga survivors at magdadala sa mga ito papunta sa kabilang isla. Nagkamali kami sa pag-aakalang matatagalan kami sa pagbyahe. Kung ilang oras ang byahe noong wala pang apocalypse ay gano'n din ang oras na ginugol namin sa daan kaya bago pa man sumapit ang dapit-hapon ay nakarating na kami.

Napagdesisyunan kasi namin na hindi pwedeng kaming lahat ang pupunta sa PH CDC na pinag-awayan muna namin ulit bago nabuo (and the whole details should not be revealed because by merely recalling it makes my head ache). Kung may mga magbubuwis ng buhay, dapat ay mayroon ding ililigtas ang kanilang mga sarili para manatiling buhay. Ang mga taong sa tingin namin ay hindi namin maaaring pasamahin dahil sa iba't-ibang rason ang pinili naming patawirin papunta sa Evacuation site---- to safety. Kabilang na doon si Kelly, Alice, Zalder, and lastly, my cousin, Desirene. Dapat nga ay kasama si Johnder pero tumanggi siya. Mas pinili niyang sumama sa amin at ibuwis ang buhay niya kaysa sa sarili niyang kaligtasan nang hindi man lang sinasabi sa amin kung bakit.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon