CHAPTER FOUR
LJ'S POINT OF VIEW
"What? Anong mali sa sinabi ko? Totoo naman 'yon, ah. Hindi niyo ako pinatapos mag-explain kanina. You all bombarded me with accusations then Zalder asked what's the plan so I answered him. Not that I have a plan on going with you. I still need to find my mom. Anyways, nasabi ko na sa inyo yung mga important details na kailangan niyo kaya hindi ko na ipapapagpatuloy ang pag-e-explain."
"Thank you for your help Izelle. Sapat na para sa amin yung mga sinabi mo. Hindi na namin kakayanin kung dadagdagan mo pa 'yong mga sinabi mo. It's hard, you know. Parang pinagsisisihan ko nang nagtanong pa kami sayo. Tungkol nga pala kanina, sorry," sabi ko.
She smiled at us. "Okay lang 'yon, 'no. Naiintindihan ko naman kayo and I'm happy na nakatulong ako sa inyo kahit kaunti."
"Ang tanong na lang ngayon ay kung saan tayo pupunta pagkatapos natin dito?" Desirene asked.
"You can go here," Izelle pointed her finger on one of the evacuation sites that the government assigned. "Ito ang pinakamalapit na ES sa isla ng Sogren. Dito expected na lilikas ang mga Sogrenians. Kailangan niyong tumawid ng dagat para makapunta doon na ibig sabihin lang ay kailangan niyong pumunta sa pantalan kung nasaan ang barko na magdadala sa mga pasahero doon sa nasabing evacuation site. Malapit lang naman 'yon dito. It's just a forty-five minutes drive from here kaya hindi kayo mahihirapang pumunta doon."
Ang tinutukoy niyang pantalan ay ang Deguet Port, ang pinakamalaking pantalan dito sa Sogren. Gaya ng sinabi niya, forty-five minutes ang itatagal ng byahe papunta doon kung walang trapik o sagabal sa daan at dahil nga may zombie apocalypse na nangyayari, duda akong makakakarating kaagad kami doon.
"The problem is, wala kaming sasakyang pwedeng gamitin. Izelle, may ekstrang sasakyan ba kayo dito na pwede naming hiramin?" Tanong ni Roland.
"Isang van at isang kotse lang ang meron kami dito. Dinala ni mom yung kotse and that leaves us the van, but it's sad to say that, iyon naman ang gagamitin ko para hanapin siya. Though hindi ako marunong mag-drive pero it can be helped," sagot ni Izelle.
Roland sighed. "I guess the first thing we need to do is to find a car or a vehicle that will fit the nine of us, excluding Izelle of course."
"Magkakasiya sana tayo sa van nina Izelle dahil pang-nine seater naman 'yon kasama na ang driver at ang passenger seat tapos ay may foldable seats pa na pwede upuan kaso nga hindi pwede. Kaya ang kailangan nating hanaping sasakyan ay isang van. Saan tayo hahanap ng van dito?" Sambit ni Zalder.
Naku, mahirap 'to. Ang karamihan kasi sa mga sasakyan dito ay mga four seater lang. Bihira lang sa mga tao dito ang gumagamit ng van. Kung iisa lang sana ang ruta na pupuntahan namin ay pwede kaming makisakay sa van nila ni Izelle---- tama! May utak pa pala ako kahit papaano!
Tinapik ko ang balikat ni Izelle. "Saan ka pupunta para hanapin ang mama mo?"
"Sa research facility."
"Pwede mo bang ipakita sa amin kung saan iyon makikita?"
Tumango siya. Nagpalabas siya ng isang mapa at tinuro ang lokasyon nito. Sinuri ko ito para tingnan kung tutugma ang ruta na pupuntahan namin at ang ruta papunta sa research facility. Napangiti ako nang tumugma ang dalawa. "Mukhang mag-ro-road trip kami kasama ka."
Nagtataka nila akong tiningnan na mas lalong nakakapagpangiti sa akin. Masarap din palang maging mautak paminsan-minsan. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamatalinong tao dahil hindi sumagi sa isip nila ang idea na naisip ko.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorreurLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.