CHAPTER TWENTY-THREE
SOMEONE'S POINT OF VIEW
"Hello, is anyone there?" Sambit ng isang tinig sa radio transceiver na hawak ko.
"I'm here. What's the matter?" Sabi ko. Medyo lumayo ako sa mga kasama naming naghihintay katabi ng truck na gagamitin namin mamaya.
"It's about the girl. Confirmed, sya nga iyon."
"What's your order?" Tanong ko.
"Alam mo na kung anong dapat mong gawin," tugon niya.
"Copy that," I smirked. "This would be fun."
***
LJ'S POINT OF VIEW
"Ladies first," inalalayan ako ni James paakyat sa likod ng truck na sasakyan namin papunta sa mismong Lungsod nitong isla.
"Salamat," sabi ko sa kaniya.
Nang makaakyat ay umupo ako doon sa may bandang dulo nitong medium duty truck na sasakyan namin, katabi ng harang kung saan may mga karton na nakalapag. Doon ako pumwesto para medyo malayo sa ibang kasama namin na nakapuwesto sa harapan. I don't feel like socializing with them. I'll just act normal, do my part, and follow my plan without interacting with them. As simple as that.
Nang masigurong okay na lahat ay umalis na kami. Habang bumabyahe ay nagkuwentuhan muna ang iba naming mga kasama. Apat kami dito sa likod pero halos ako lang yata ang hindi kumikibo. I was just secretly listening to their conversation while pretending to observe the surroundings for any possible attacks.
"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Anna, isa sa tatlong kasama ko dito sa likod.
"Lilibutin muna natin sandali ang Lungsod, baka sakaling may makuha pa tayong kakaunting supplies sa mga tindahan at bahay-bahay doon. Pagkatapos ay sa factory naman tayo pupunta. Pinahintulutan nila tayong maghalughog doon kaya ayos lang na pumunta tayo doon mamaya," si James ang sumagot sa kaniya.
I wonder who is he pertaining to when he said the word 'nila'. Ang lider ba nila? Pero bakit 'nila' at hindi 'niya'? Ibig sabihin ba nito ay hindi lang iisa ang pinuno nila? Gosh, for the nth time, I'm confused again. Kung ipinaliwanag lang sana ni Gwen ang lahat ay hindi ako magiging ganito ngayon.
"Sigurado ba kayong may mapapala tayo doon sa factory na 'yon? If not then we might as well just go somewhere else. Hindi natin alam kung ligtas ba tayo doon," George was skeptic about their plan.
"We don't have any choice. Kailangan natin puntahan ang kahit anong lugar na pwedeng nating makuhaan ng supplies, kahit gaano pa iyon kadelikado. Alam mo namang halos masaid na ang pagkain natin sa hideout. Kapag nagpatuloy pa iyon ay baka mamatay tayo sa gutom at hindi dahil sa mga zombies," paliwanag ni Shendra na katabi si Drake na siyang nagmamaneho.
"Sinabi ko naman kasi sa kanila na magbawas-bawas na ng mga ta-" everyone looked at Anna like she almost commited the worse crime ever. Nanlaki ang mata niya na parang may napagtanto bago pasimpleng tumingin sakin. "T-Taba! Oo, taba. Ang lakas kasi kumain nung iba kaya mabilis maubos yung mga supplies," she awkwardly laughed.
If I need information then Anna would the perfect source of it. She's talkative and sometimes naive.
"Mukhang kailangan na nating humanap ng ibang paraan para maibsan ang food shortage sa hideout. Hindi pwedeng palagi nalang tayong aasa sa mga supplies na makikita natin dito sa labas," dagdag pa ni Shendra.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HorreurLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.